Chapter I

22 0 0
                                    

“Since I already tackled the derivatives of polynomial and rational functions, we proceed to the logarithmic and trigonometric functions. This is easy kung may Trigonometry kayo no’ng senior high,” litanya ni Ma'am Castro.

Nanlumo ako, nagsisi na namang nag-HUMSS ako sa senior high. GenMath at Stat and Prob lang ang math subjects ng HUMSS. Nag-GAS na lang sana ako. Bakit ba kasi walang STEM sa high school namin?

“Though, easy pa rin naman siya kahit basics lang ng Trigonometry ang alam niyo. Probably next week, I’ll give you quiz and tackle the second or so derivatives of the functions. The last week of lecture would be a discussion of basic knowledge about Integral Calculus, which is your Calculus 2...”

Napasinghap ako, nakaramdam na ng kagustuhang mag-shift ng degree program. Hirap na nga ako sa Calculus 1, ano pa kaya sa Calculus 2? Bakit ba BS Math ang sinulat ko sa application no’ng entrance exam?

Kahit para na akong naiiyak ay nakinig pa rin ako sa lecture ni Ma’am. I tried to take down notes as much as I can. Alam ko sa sarili ko na hindi ko naman babasahin ‘yon unless may quiz o test. Ultimo ang sinasabi ni Ma’am na paraan pa’no gawin ang ganito’t ganiyan, sinulat ko na rin para maging palatandaan sa magiging takbo ng review ko.

When we’re dismissed, all of us heaved a deep sigh as we looked at the white board.

“Bakit naging negative ‘to?” Zeydie asked, confused.

Ang tinutukoy niya ay kung bakit may negative sa sine ang derivative ng cosine.

“Kasi kung ibabalik mo siya sa dating function, dapat positive cosine pa rin siya,” sagot ni Warren na ipinagtaka namin.

Anong ibig niyang sabihin sa ibabalik sa dating function? Ibabalik pa ‘yan?

“Integral Calculus is about antiderivative. It’s obviously the reverse. So, ang integral ng negative sine ay cosine.”

Ano daw?

“Nag-aadvance study ka pala, Warren. Lakas mo ah. Summa na ‘yan,” Mikael teased.

Warren Liam just chuckled.

Tinitigan ko siya. Hindi iyon imposible kasi nakipagsabayan siya minsan sa mga sinasabi ni Ma’am Castro kapag nalilihis ang discussion sa Calculus 2 kanina.

He’s a valedictorian in his high school for a reason. He’s probably aiming for Summa Cum Laude. Performance pa lang niya sa midterm ay sobrang taas kumpara sa’kin.

Imagining myself being the top one of our batch is slowly becoming a fading dream. Kahit na ayaw kong ikumpara ang sarili sa iba, ginagawa ko pa rin. Para akong tanga. Sa Math lang naman ako magaling. Hindi ko na nga alam kung magaling pa ba ako nang tumungtong ngayon sa college.

“Excuse me.” Nagsilingunan kami sa pinto. “May klase kayo sa room na ‘to for 4:30 to 6?”

Inilingan namin ang lalaking nakapulot ng ID ko. “Wala, Kuya. Paalis na rin kami. Sorry,” ani Ashley.

Kani-kaniya kaming nag-alsabalutan. Nagmadali pa kami pero gulat kaming nagsinghapan at napatigil nang nagsihulugan ang laman ng dala-dalang envelope ni Hannah. Agad rin naman kaming tumulong sa pagpulot dahil 4:30 pm na. Tumulong na rin ang senior namin.

“Ano ‘yan, Alvaro Jesus? Kaya pala rito ang s-in-uggest mong room ah. Nandito pala ang iyong—”

“Tumahimik ka, Gerard,” inis na baling ni Alvaro sa kararating lang na lalaki na malapad ang ngiti sa labi.

“Ang gwapo niya talaga. Kahit naiinis, ang gwapo pa rin,” kinikilig na bulong sa’kin Hannah.

Since Alvaro was just near us, narinig niya ‘yon at nakumpirma ko nang sinulyapan niya ako saglit. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at siniko si Hannah. Baka inakala niyang ako nagsabi n’on? Puro na lang kahihiyan ang idinudulot sa’kin ng babaeng ito. Kung magmadali kaya siyang ayusin ang mga gamit niya ay matutuwa pa ako.

lines we crossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon