Chapter 1

0 0 0
                                    

Cassandra pov..

Nakatingin lang ako sa mga tao ngayon sa salas, may mga batang tumatakbo na mga hindi ko naman kilala.

May kasamang babae si kuya ivan. She's pretty and gorgeous like me, narinig kong tinawag s'yang Jasmine ni kuya ivan. Maybe that's her name like a flower huh.

Wala akong alam sa nangyayari sa pamilya ko ngayon, kung sino ba yung dalawang bata na tumatakbo sa salas namin, hindi nila ako sinasali ayaw daw nila ako ma stress at bata pa daw ako. Well I'm agree of that, ayokong maging matanda agad.

Pero dahil dakila akong chissmakers, nakinig ako ng palihim sa kanila. Ang masasabi ko lang shuta! na shock ang beauty ko. May anak na pala si kuya ivan, anak n'ya yung lalaking bata na bungal at yung isa naman anak nung Jasmine sa una. Diba kahit kayo na shock sa latest hot issue ng pamilya namin.

Surprised is not new to me, hindi man nila sabihin sakin ang lahat. Nagagawan ko parin 'to ng paraan para malaman.

Kagaya ng nasurpresa na lang ako nang malaman kong fuck buddy pala ni kuya josh, ang kaibigan kong si Loraine. Na surprise pa ako ng malaman kong naging kabet ang kuya Dylan ko. Tapos ngayon may surpresa naman na may anak na si kuya ivan. Everyone already knows what's happening while me I'm clueless.

But that's life, prinsesa daw ako kaya dapat hindi ako ma stress, ayaw daw nila akong mahirapan kaya hindi nila sinasabi sakin ang mga problema ng pamilya namin.

Back to kuya ivan son, well hawig na hawig naman ni kuya ivan. No doubt isa s'yang valderama, para silang pinag biyak na bunga ni kuya ivan. Nasa garden sila ngayon kaya naman doon din ako pumunta.

"Hi, every one. what's up kuya cedric." Bati ko sa kanilang lahat, syempre kasama sa pag bati ko ang kuya kong laging naka suporta sakin.

"What are you doing here princess?" Striktong saad ni kuya cedric sakin.

Nanglaki ang maganda at kulay berde kong mata, sabay takip ng dalawang kamay ko sa aking bibig na parang nagulat. "Gosh! I'm not allowed here na ba? Last time I checked im still live here?"

Nakita ko ang pag iling lang nila sakin na kina hagik-hik ko. Why ba? Mas'yado naman kasi nilang dinib-dib ang malaking rebelasyon ng pamilya namin.

"Ayusin mo nga yang bibig mo, cassandra. Nga pala sasabay ako sayo paalis." Aniya sabay layas, diba bastos. Kakadating ko lang lalayasan n'ya na agad ako.

"Mom, baka sa condo ko na ako matulog ngayong gabi." Saad ko Kay momy sabay halik sa pisnge n'ya.

Ngumite s'ya sakin ng matamis, bago marahan na hinaplos ang buhok ko. "Please take care okay." malambing n'yang saad na kina ngiti ko lamang.

"I will mom." Sagot ko, humalik ulit ako sa kan'ya bago nag paalam sa lahat.

Sayang outfit kong pang rampa, pag hindi ako naka alis ngayon, may pupuntahan pa pati akong mahalagang tao.

Si kuya cedric na ang nag drive, dahil sabi ko tinatamad akong mag maneho. Pero sana pala hindi ko na ginawa, dahil imbis na sa matiwasay ang pag-uwi namin naging delubyo. Halos paliparin na ni kuya ang sasakyan ko sa bilis n'yang magpa takbo.

"Kuya, ano ba!? Can you please slow down. Gosh! Tatlong araw pa lang ang sasakyan ko." histerikal kong saad sa kan'ya.

"Don't worry kaya kong palitan 'to kahit bente pa." Inikot ko na lamang ang mata ko saka tumingin sa cellphone ko.

"Kuya is it true that you're the one who helped kuya josh, para mahanap si ate Erika?"

"Yes."

"So from the start, alam mo talaga kung nasaan s'ya?"

"Not all."

"What do you mean, not all kuya?"

"Nakita lang s'ya ng kaibigan ko, then I asked my investigator. Na coma s'ya for 2yrs nagkaroon din ng heart transplant."

"Kilala mo kung sinong donor?"

"Wag mo ng alamin."

"You can investigate naman right? Para malaman natin kung sinong naging donor n'ya?"

"May mga bagay at pagkakataon na hindi lahat umaayon satin, kahit na anong gusto mo. Nagawa ko na rin yang sinasabi mo, pero laging may humaharang sa lahat ng inpormasyon na nakukuha ko. Para bang laging may kulang. May mga bagay din na hindi ko na sakop pa, tingin ko din ayaw n'yang ipaalam pa satin at choice n'ya Yun." Mabilis n'yang pinark ang sasakyan ko sa harap ng bahay n'ya. "Ingat ka pauwi."

"Okie dokie." Bumaba na s'ya at iniwan ako, hindi manlang marunong mag thank you.

"Thank you kuya huh! Thank you!!" Sigaw ko sa labas ng bahay n'ya, pero ang loko dedma.

I dicide to go to my lovely and handsome future husband, lumingon ako saglit sa backseat ng sasakyan ko para makita ang fresh na fresh kong sunflower. Lagi na lang ako may dalang bulak-lak pag pupunta sa kan'ya.

Halos kilala na nga ako sa loob ng kumapanya n'ya, well close ko naman lahat ng mga employee n'ya. I'm so kind naman eh, kaya hindi sila nahirapan na makasundo ako.

Minsan iniisip ko kung nag sasawa na ba sila sa pag mumuka ko, but i think hindi naman. Kung ako lang din naman ang makikita nila sa araw-araw ang suwerte na nila, sa mala dyosa ko ba namang 'to mag sasawa pa sila.

Kung minamalas ka nga naman inabot pa ako ng traffic, kung kailan nag mamadali ako saka naman ako sinalubong ng ganito.

I decide to call his secretary, baka kasi matulad nanaman noong isang araw, nagka-salisihan kaming dalawa.

May dala pa naman akong pasalubong noon, galing kasi akong paris that time. Pagkatapos ng photoshoot ko nag book agad ako para makauwi, ayokong tumagal sa ibang lugar lalo na wala naman s'ya doon.

After three rings agad din namang sinagot ni becca, ang tawag ko.

"Hello, mam Cassandra.?"

"Hi, and'yan pa ba ang sugar daddy ko?" Pilyang tanong ko sinabayan ko pa ng hagik-hik.

"Ay! Opo mam, nasa loob po ng opisina n'ya. Pupunta po ba kayo ngayon dito mam cassandra?"

"Yup." I said, tinignan ko ang orasan na nasa papulsuhan ko. It's still early pa naman Pala, not bad. "Parang hindi mo ako kilala becca, kailan ba ako nawala d'yan sa opisina ng boss mo?"

"Kasi po. Mam kung ganon pala. Bilisan mo mam at may linta po na nasa loob ng opisina ni boss."

Parang automatic na nag liyab ang galit ko, para bang lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko.

Saglit lang akong nawala may linta na agad na umaaligid sayo.

Agad kong pinaandar ang sasakyan ko, wala na akong paki alam sa speed rules sa kalsada.

Humanda ka sakin, Lowell

Cassandra Eve's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon