Chapter 2

2 0 0
                                    

Makarating ako sa kumpanya kung saan s'ya ang may ari, yung 20minutes na biyahe naging 10minutes na lang sakin.

Sinong hindi matataranta, may ahas lang naman na balak pumasok sa teretoryo ko.

"Magandang gabi po mam, cassandra." Bati sakin ni kuya jerry, isa s'yang security guard dito sa kumapanya ng future husband ko.

"Magandang gabi din po, lumabas na po ba manong?"

"Hindi pa po mam, mukang busy ngayon si sir."  Tumango na lang ako sa kan'ya, bago nag paalam.

Madaming bumabati sakin, kaya naman daig ko pa ang nanga-ngampanya. Bati dito bati doon, siguro kung tatakbo ako bilang presidente hindi na ako mag tataka pag nanalo ako.

Pagkalabas ko ng elevator, muka agad ni becca ang bumungad sakin. Mukang may nag inform na paakyat ako.

Kalma lang kayo, ako lang 'to.

"What? And'yan pa ba s'ya?" Tanong ko kay becca, actually maganda naman si becca. papasa nga s'ya bilang modelo eh, kaso ayaw n'ya. Baka daw kasi masapawan n'ya ako, assuming din ang hitad.

"ussualy mam, ano pong sagot sa tanong mo?" Pang babara n'yang sagot sakin. Minsan gusto kong sungal-ngalin ang bunga-nga n'ya, kaso naisip ko mahihirapan nanaman si hubby mag hanap ng secretary.

Sa totoo lang mas bet ko si becca kaysa doon sa una, lagi na lang inaakit ang asawa ko. Kaya ang ending nag away kami ayun na sesante lang naman s'ya.

"Bawal nanaman ba akong pumasok?" Naka nguso kong tanong. "Pero alam mo naman—"

I heard her sighed na para bang ang laki ng problema n'ya sakin. "Alam ko naman, na walang makaka-pigil sayo." Saad ni becca, s'ya na ang tumapos sa dapat sasabihin ko.

Hindi naman ako totally banned dito, sa loob lang ng opisina n'ya ako banned. Feeling naman n'ya gagahasain ko s'ya, well Hindi s'ya nagka-kamali.

"Ano po yang dala mo mam?" Pang-uusisa ni becca sa dala-dala ko.

"Sun flower and syempre ang hindi ko nakakalimutan na kape na gustong -gusto n'ya." Pag mamalaki kong sagot na kinatawa ni becca.

"Nako mam, wala na bang iba? Baka maumay n'yan si boss pag yan lagi ang dala mo."

Inismidan ko lang s'ya. "Inggit ka lang."

"Sige, na mam. Pumasok na kayo para naman may to be continued na yung pinapanood ko sa inyo."

Ngumite ako ng matamis sa kan'ya, i tap her shoulder para sabihin na ayos lang ang lahat. "Don't worry becca, pag nawalan ka ng trabaho bibigyan kita ng negosyo. Ikaw na ang magiging ceo ng sarili mong kumpanya. Diba bongga!"

"Ay, bet ko yan. Tapos ipapa banned kita para hindi ka makapasok." Pang-aasar n'ya sakin na kinalaki ko ng mata.

"Shuta ka! Ikaw na nga bibigyan ko ng kumpanya, tapos ako pa 'tong ipapa-banned mo?"

"Sige na, sige na, pumasok kana mam." Saad n'ya habang tulak-tulak ako sa pinto ng mylabs ko.

"Ay, bastos ka. Soon to be mrs. Hudson kaya ako."

"May choice pa ba ako, maam.?

"Wala na? kaya smile ka na lang, ang ganda mo kaya. Sabi ko sayo mag modelo ka na lang sisikat ka pa "

Pero imbis na ngumite sakin, ang gaga tinalikuran lang ako. Kawawa naman si becca mukang stress na sakin.

"Sige na nga, hindi na ako papasok. Hihintayin ko na lang dito ang boss mo."

Bahagya s'yang humarap sakin, sabay irap na akala mo mata-tanggal na ang eyeball n'ya. "Tapos, pag pinayagan kita dito, magpa-parinig ka sakin. Sasabihin mo may kapatid kang kayang gawing miserable ang buhay ng isang tao. Nako ma'am, wag ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cassandra Eve's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon