Martial Law

50 1 0
                                    

Margarette's Point of View.

Aki si Margarette C. Aquino, Anak ng nag-iisang Ninoy at Cory Aquino, Ang aking ama, Na si Ninoy ay nag simulang umapak sa politika noong nanalo siya bilang mayor ng aming lugar, Conception, Tarlac.

Ang aking ama ay isa rin sa naging War Corresponded sa Korea noong 1950s. At ang  edad ng aking ama noong panahon na yun ay Labing-Pitong taong gulang lamang.

Ako ay pangalawa sa anim na mag kakapatid na nanga-ngalang

Maria Elena "Ballsy" C. Aquino
Maria "Margarette" Morticia Asiana Netthina C. Aquino
Aurora Corazon "Pinky" C. Aquino
Benigno "NoyNoy" Simeon C. Aquino III.
Victoria Elisa "Viel" C. Aquino
At ang bunsong si
Kristina Bernadette "Kris" C. Aquino.

Sunod-Sunod kaming magkakapatid, Maliban lang kay Kris.

(Gabi)

Habang pina-panood namin ang balita, Nag deklara si Mr.Presidente Marcos na magkakaroon ng Batas Militar, At ito ay ang Martial Law.

"Patayin nyo ang TV!"

Pa bulyaw ko sa kanila at nag si tinginan naman sila Mommy at Ate sa akin.

Nakita ko ang takot sa mga mata ng aking ina, At sinunod ang aking utos.

"Si- Daddy!, Si daddy! Tawagan nyo ang mga nasa Senado! Maari silang makulong!"

Sabi ko at tumakbo papunta sa Telepono, Sinundan ako ni Ate at ni Mommy at pilit nila akong pinapa-kalma.

Ako ang pangalawang anak, At ako yung susunod sa yapak ng aking ama.

Parehas na Matalino, Masipag, At Marunong mag-salita sa harap ng tao, Ng walang takot.

"Margarette! Kumalma ka!"

Sabi ni ate sa akin at hinawakan ang aking mga braso.

"Ate! Kalma?! Paano ako mananatiling kalmado kung ang ating ama ay maaring makulong?!"

Sabi ko at bumitaw sa kanyang hawak

"Margarette! Kumalma ka, Anak.. Walang masama ang mangyayari sa Daddy mo!"

Sabi ni mommy sa akin at napa-tingin ako sa kaniya.

"Mommy, anong wala?! Naririnig si daddy ng buong Pilipinas kung gaano ka-galit siya sa mga Marcoses!, Mommy! Pwede siyang mapa-kulong dahil ka-away siya ng mga Marcos!"

Sambit ko at tinawagan ang senado, Ngunit sa kasamaang palad, Walang sagot ang aking nakuha.

(Hating-Gabi)

Patulog na kami at, Habang nag aayos kami ni Mommy ng aming higaan, Ay may tumawag sa Telepono at sinagot ni Mommy yun.

"Ano kaya sa tingin mo ang mangyayare?..."

Tanong ni Viel sa akin at napa tingin ako sa kaniya.

"Hindi natin alam, Viel...."

"Ha?! Sige... Papunta na kami diyan.."

Sabi ni mommy at binitawan ang telepeno.

"Mag-impake kayo ng mga Pagkain,  dalhan natin ng Pagkain ang inyong Ama."

Sabi ni mommy at tumayo kami ka agad, Hindi namin alan ang nangya-yari.

"Mommy? Anong balita kay daddy?"

Tanong ni NoyNoy.

"Nahuli ang inyong ama at nasa Crame siya ngayon... Ballsy... Margarette.. Mag-bihis kayong lahat, Punta tayo sa inyong ama!"

Sigaw ni Mommy.

Imeldina's Point Of View:

Nag-Anunsiyo ang Daddy namin na mag kaka Martial Law.

Deux Filles RAYONNANTES •Two Radiant Daughters•Where stories live. Discover now