Malakas na pagbuhos ng ulan ang sumalubong saakin ng lumabas ako ng building ng school. Tinapos ko ang natirang activity at project kasama ang ilan sa mga kaklase at kaibigan ko. Tumakbo ako papunta sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko. Nakalimutan ko nanaman pala ang payong dito sa loob.
Habang tinatahak ko ang madilim at maulan na daan may biglang nag pop up na notification sa phone ko. It was my friend.
Hinayaan ko iyon at nag focus nalang sa pagmamaneho dahil baka kung ano pa ang mangyari saakin. Saglit akong tumigil ng may naaninag ako na nagkukumpulan na mga tao sa malayo, may nakita rin akong police car tsaka ambulance.
Pinagpatuloy ko ang pagda drive at tumigil malapit sa aksidente kasabay din ng walang tigil na tawag na natanggap ko sa kaibigan ko mula sa phone like it was an emergency. Sinagot ko ang tawag habang papalapit ako sa aksidente.
"S-Sol" mahinang paghikbi ang narinig ko mula sa telepono
"Bakit?" Tanong ko habang pilit na sumiksik sa maraming tao "Rina, sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil makikibalita ako rito sa nakita ko na aksidente"
Tumahimik bigla sa kabilang linya "Andyan ka? N-Nakita mo ba?"
Kumunot ang noo ko at tiningnan ang sasakyan. It was a White Chevrolet Equinox and pamilyar na saakin pati ang plate number nito. Hindi kaya....
"Ang alin? Sandali nga parang nakita ko ang sasakyan ni East" Sumiksik ako hanggang sa makarating ako sa harap ng mga naghaharang na police.
No! Hindi siya to
"Sol si E-East" aniya
"A-Anong nangyari kay East?" mahinang tanong ko, pilit sinisiksik sa utak ko na hindi si East ang naaksidente
"S-siya, si E-East ang nakita mo na n-naaksidente"
H-Hindi pwede!
Nabitawan ko ang phone at dali daling tumakbo papasok sa nakaharang na sign na pinigilan naman ako agad ng mga police. "Ma'am hindi po pwedeng pumasok jan"
"N-No. Kilala ko ang lalakeng yan" nanlaban ako pero pilit parin nila akong pinapalabas
"Ma'am hindi po pwede, delikado po"
Umiiyak ako habang pumipiglas sa hawak nila ng biglang may tumakbo papunta saakin at niyakap ako.
It was Rina. She's here.
"Sol please kumalma ka"
Everything went blurry, hindi ko na alam ang gagawin ko habang niyayakap niya ako.
"L-Let me in...please" hindi ko na pinakinggan ang pahintulot nila at tumakbo patungo sa nakahigang katawan ni East sa Stretcher. Hinawakan ko agad ang kamay niya.
"E-East" nanginginig ang labi ko habang sinasambit ang pangalan niya
Pinayagan akong sumama ng isa sa mga rescuers sa ambulansiya patungo sa ospital. Sumunod naman agad si Rina dala ang sasakyan at cellphone ko na nahulog kanina.
Sa emergency palang hinarang agad ako ng ilan sa mga nurse at pilit pinapakalma kasama si Rina. Napaupo ako sa malamig na tiles ng ospital habang yakap ang sarili at umiiyak.
It can't be. Hindi pwedeng mawala si East. He's my life at hindi ko kakayanin kung mawawala siya saakin.
Oh God!
Bakit naman ganito?
Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa chapel ng ospital. Wala na akong pakealam sa paligid. Lumuhod agad ako sa harap niya. Hindi ko na mabilang kung ilang santo na ang tinawag ko para marinig lang niya ang nag iisang dalangin ko
"L-Lord please, w-wag siya. Tatanggapin ko lahat ng paghihirap na ibibigay mo saakin basta wag mo lang siyang kunin s-saamin. I'll do a-anything, ibigay mo lang sakin ang isang 'to.
Lord, alam kong alam mo kung gaano namin kamahal ang isa't isa. We always put you on the center of our relationship. Now, I'll surrender everything to you.
I ask for your guidance in healing East, and may your grace and love surround him."
Umiiyak ako, nilabas ko ang lahat ng nararamdaman ko at pagkatapos non tumigil din ako at bumalik na sa ER.
Pinahid ko muna ang luha ko at lumapit sa Mommy niya na kararating lang siguro at umiiyak din.
"H-How could you!" singhal niya saakin "Ikaw ang dahilan kung bakit" lumakas bigla ang iyak niya "kung bakit napahamak ang anak ko."
Napahinto ako sa sinabi niya at tiningnan lang siya. "Kahit anong pilit niya saakin na payagan siyang umalis kahit hindi ko gusto, nawalan ako ng choice dahil alam kong mahal na mahal ka ng anak ko. Hindi niya ako pinakinggan at pinilit na umalis habang malakas ang ulan para puntahan ka at masigurong ligtas ka makauwi. He was so pure. Hinding hindi kita mapapatawad kapag may m-mangyayaring m-masama sa kaniya"
E-East bakit naman? Bakit kailangan hahantong sa ganito? I texted you. I said okay lang dahil may sasakyan naman ako. N-Now I don't know what to do ng malaman ko na ako pala ang dahilan ng pag alis mo, ng pagka a-aksidento mo.
"G-Get out! H-Hindi kita kailangan dito" sigaw saakin ng mommy niya
Kahit kailan hindi ako ginusto ng mommy niya para sakaniya dahil isa daw akong ampon ng kilalang pamilya sa lugar namin.
"P-Pero tita" pagpupumilit ko
"Wag mo akong tawaging tita dahil hindi kita ka ano-ano. Now get out!" sigaw niya pa habang nakaturo sa exit ng ospital
Napaiyak ako "E-East needs me, please let me stay"
Umiling siya at tinulak pa ako, mabilis naman akong tinayo ni Rina "East don't want anyone but me, now go! Isama mo narin ang kaibigan mo" aniya
"Let's go, Sol" ani Rina
Lumabas ako ng ospital na mabigat ang loob, iyak pa rin ako ng iyak hanggang sa makarating sa bahay.
Hanggang sa isang text message ang natanggap ko na nagpaguho ng mundo ko.
Unknown:
He's gone. My son died.