Chapter 1

9 1 0
                                    

Iloilo is my home but iiwan ko rin ito para maabot ang pangarap ko. My dad– Killian never thought na sa manila ko gusto mag aral. He's my adopted Father. Kinuha niya ako mula sa ampunan noong 2 years old pa lang ako. Iniwan daw kasi ako ng totoong daddy ko, Theo Gray. He's a multi-millionaire and sa business lang nakalaan ang oras niya kaya naisipan niya akong ipaampon dahil hindi niya alam kung paano ako alagaan.

What a great father.

"Sigurado ka na gid bala sa desisyon mo, nak?"  tanong ni dad (Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo,nak?)

"Oo, dad. Malay mo ara to ang para sakon, ems" pabalang naman na sagot ko habang tumatawa at kaagad naman niya akong tinamaan gamit ang sandok (Opo, dad. Malay mo doon pala talaga ang para sakin, ems.)

"Sus! Pinagdaanan ko na rin yan. Wag mo akong ma ems ems diyan." Tumawa siya saglit bago ito napalitan ng seryosong mukha. "I won't pressure you sa kahit na anong bagay, feel free to do whatever you want basta nasa Dean's Lister ka lang, okay na ko"

"Ako pa ba? Hello! Anak mo ko, kaya ko to" biro ko pa "Alam mo naman na hindi kita kayang biguin, Dad. Remember bayad ko lahat sayo to, sa pagtayo mo bilang totoong magulang ko"

Niyakap niya ko at marahan na hinalikan sa noo "Dalaga ka na talaga" aniya pa "Pero pakilala danay sakon migo mo ha" Kumindat pa siya (Pero ipakilala mo muna sakin ang boyfriend mo ha)

Hinampas ko siya ng marahan sa kaniyang braso "Bal an ko man nga gwapo ka dad pero indi na pagliwata ang kindat mo ha" (Alam ko naman na gwapo ka dad pero wag mo nang ulitin na kumindat ha)

Nag pogi sign pa siya bago kinuha ang bagahe ko at nilipat sa sasakyan. Around 7am ang flight ko papuntang Manila and nakalapag ako dun ng 8:20. It was an hour and 20 minutes flight kaya pa chill chill nalang ako dun sa eroplano.

Sinundo agad ako ng pinsan ko sa totoong tatay ko kasama ang driver niya. I was in grade 7 ng makilala ko siya at nag kasundo agad kami. Now that he's in first year college while third year highschool naman ako this upcoming school year. Goodluck talaga sakin, napakahirap ba naman na mag adapt sa panibagong environment.

Chinat ko agad si Daddy Kill at sinabing nakarating na ako dito sa Manila, hindi naman siya agad nakareply dahil mukhang busy nanaman iyon kakapasyal sa bukid.

"How are you na, Sol?" tanong ni Light "It's been a year since last ka bumisita rito. Gumanda ka lalo" aniya pa at ginulo ang buhok

Mabilis ko namang kinabig ang kamay niya at tiningnan siya "Required ba talaga na guluhin buhok ko? I miss you too, Light. Pumangit ka lalo" sabi ko pa at ngumiti sakaniya, mabilis naman siyang nag make face at tinarayan ako

"Sabihin mo, pumogi lalo. Dami kayang naghahabol sakin" pagmamalaki pa niya na may pagkagat pa sa kaniyang labi

"Naghahabol na ano? Aso?" Tumawa ako ng malakas at sinabayan pa ng paghampas sa mga binti ko

Tinamaan naman agad ang loko at hindi ako pinansin, umusog pa palapit sa pinto ng kotse na palayo saakin.

Alam ko na ang pinapahiwatig nito. "Minsan na nga lang magkita, hindi pa sinabihan na pumogi. Sino ba naman ako?" pagdra-drama naman niya na tinawanan ko lang "Tinawanan pa, minsan talaga sariling kadugo natin ang hindi tatanggap satin"

nasapul ako dun a.

Tumahimik ako saglit "Oo na, pogi ka na pero wala namang ganyanan, Light"

ngumiti siya at nag peace sign "biro lang. gusto mo bang sumama sakin bukas?"

"Saan naman?" kunot noo kong tanong

"Sa kaibigan lang, maglalaro kasi kami ng basketball sa subdivision nila tsaka hindi ka naman mabo-bored doon kasi may kapatid naman siyang babae."

Tumango ako bilang sagot at humilig sa balikat niya "Kamusta si papa?" tanong ko na tinutukoy ang mabuting ama ko

"He's doing well. Ganon pa rin, busy palagi sa business palibhasa puro pera lang inaatupag niya" well Light got a point, how can he prioritize money over his own daughter? His own blood and flesh. Napailing na lamang ako.

Nagising ako ng naramdam ko ang mahinang pagyugyog saakin ni Light. "Gising na, andito na tayo sa bahay" inaayos ko na muna ang sarili ko bago bumaba sa sasakyan

"Kala ko ba sa condo ko tayo dederetso?"

"Atat masyado. Dito ka na raw muna sa bahay habang inaayos pa ang ilan sa mga gamit mo" ngumiti siya at hinila ako papasok sa bahay nila

Sinalubong naman kami kaagad ng parents ni Light na sina Tito Javier and Tita Cerise. Tito Javier is my dad's brother, siya rin ang naghanap saakin.

He's my favorite tito dahil siya lang talaga ang tito ko. Hindi ko pa nakikilala ang ibang kamag anak namin. Buti naman at pumayag ito sa hiling ko na itago ang totoong pagkatao ko. Let's say malayong kamag anak nila ako pero apelyido pa rin ng totoong tatay ko ang gamit ko.

"Feel at home kalang dito, Sol ah. Wag kang mahiyang lumapit saamin ng tito mo kung may kailangan ka" ani Tita

"It's okay po. Thank you ulit sa inyo. I would be able to see my papa anytime kapag nandito ako"

Hinatid ako ni Light sa magiging kwarto ko pansamantala. Tinulungan din niya akong maglipat ng ibang damit sa closet.

"Sol pa hiram nga ko ng phone mo" aniya at kinuha bigla ang phone ko

"Hindi pa ko pumapayag hawak mo na ah, bat ba?" tanong ko sakaniya

"Makikitext lang. Na lowbat bigla phone ko e" aniya at nag tipa

Hinayaan ko nalang siyang gamitin niya iyon at matapos ang ilang minuto binalik naman niya kaagad. "Thanks. Matulog ka na, maaga pa tayo aalis bukas" sinara niya ang pinto kaya nahiga na ako sa kama ko

Pipikit na sana ang mata ko ng may matanggap akong isang mensahe mula sa hindi kilalang numero.

Unknown:

Bring your cousin, Light.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A night to forgetWhere stories live. Discover now