The Probinsyana's POV:
" Nadia, pasensya kana anak pero hindi namin kaya ng papa mo na pag-aralin ka pa sa kolehiyo . Alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon. Yung mga kapatid mo nag-aaral din kulang na kulang pa kita namin ng papa mo."_saad ni inay matapos kung ibalita sa kanya na may entrance exam sa isang pampublikong unberisidad malapit lamang sa aming lalawigan.
Nakakalungkot mang isipin ngunit yun ang riyaledad na kailangan kong tanggapin.Na-aawa ako sa sitwasyon ng pamilya ko . Yung pakiramdam na wala man lang kayong halos makain sa loob ng isang araw. Tanging hapunan lang ang kain n'yo, minsan ay nagtitiis nalang sa gutom.
" Ale...Manong... tao po... Bili na po kayo gulay, preskong-presko pa"_sigaw-sigaw ko habang palakad-lakad ako sa kabahayan dala-dala ang bilao na naglalaman ng mga gulay.
" Neng, magkano yang paninda mo?"_ tanong ng aleng naka-upo sa bukana ng isang tindahang nadaanan ko.
" 50 pesos po isang kilo "_ tugon ko.
" ay mahal, wala bang tawad d'yan 40 pesos nalang" _ sambit ng ale. Sumang-ayon nalang ako sapagkat wala akong mai-uuwing haponan kung tatanggihan ko pa. Alam ko namang abalang-abala sina inay at itay sa pag tatrabaho sa bukid at ako ang nautosang maglako nito.
" Sige po" _ sambit ko na lamang.
" Pabili ako isang kilo"_ sambit ng ale. Agad ko namang nilagay ang gulay sa timbangan para matimbang ito, at pagkatapos ay nilagay ito sa supot.
agad namang inabot ng ale ang bayad ,at nagpatuloy na ako sa aking paglalako.
Nasa isipan ko parin ang pag-aaral sa kolehiyo. Dahil gustong gusto kung mai-angat ang buhay namin gusto kung maghanap ng trabaho sa Maynila. Ngunit alam ko ring wala man lang akong pamasahe.
" Uy, nadz... ikaw pala yan..."_ tawag sakin ni Shena, habang papalapit s'ya sakin.
Si Shena ay matalik kung kaibigan. S'ya ang nakakasama ko lagi sa mga gimik at iba pang ginagawa ko.
" Hi, Shen... kumusta?"_ saad ko.
"Ayos lang naman, pa Maynila ako sa Sabado sama kana"_ sambit n'yang ikinabigla ko.
"Ang bilis naman, hahaha pala desisyon ka."_ natatawa kung sambit.
"Eh ganun talaga eh,para may solusyon kana rin sa problema mo. Maghanap din tayo ng trabaho dun."_ tugon nya.
"Teka lang naman, pa dalos-dalos naman to oh, wala pa nga akong pamasahe. Tsaka di pa ako nakapag paalam kay inay,at itay."
"Edi pagka-uwi mo magpa-alam kana, tsaka pamasahe mo. Uutang muna tayo kay aleng pasing payag naman yun. Papadala nalang natin yung bayad pagka nakaluwag-luwag na tayo dun."
" Eh san naman tayo titira pagkarating dun?_ tanong ko pabalik sa kanya
" Diba may tita ako dun, na hindi pa nag-aasawa, dun muna tayo titira sa kanya pansamantala. Alam naman nya plano ko, at pumayag naman sya. Kaya wag kanang masyadong mag-alala."
Si Shena lang napagsasabihan ko sa mga problema ko kaya alam na alam n'ya kung gaano ako nahihirapan ngayon. Pano nalang kung wala akong ganitong kaibigan.
"Sige susubokan kung mag-paalam kina inay, at itay kung papayag." _ sagot ko sa kanya.
"Sus...sure ako papayag mga yun. Alam kung supportado ka nila sa desisyon mo."_ saad n'ya.
"Sige mauna na ako Shen."_ sambit ko.
" Sige ingat, balitaan moko ah."_saad nya. Tanging tango nalang ang naitugon ko, at nagpatuloy na ako sa aking paglalakad.
Hapon na ng makarating ako sa aming bahay bitbit ang supot na naglalaman ng bigas at isda na uulamin namin. Nung hapong iyon hindi naging
ganun kadali ang pagpaalam ko kay at itay.
" Hindi pwede anak, baka mapano ka dun. Malayo ang Maynila.Hindi mo pa alam ang mga pasikot-ikot dun."_saad ni inay.
" Hayaan mo na...rosa. May tiwala ako kay Nadia. Payagan mo na ang bata."_ saad ni Itay na ikinabigla ko. Si Itay yung nakasupporta sa lahat ng desisyon ko lagi, samantalang naiintindihan ko naman si inay sa pag-alala n'ya. Kailangan ko lang ipanatag ang loob ni inay na magiging okay lang ako dun.
Ipinaliwanag ko sa kanya ang plano naming dalawa ni Shena tungkol sa pag-aaral ng kolehiyo sa Maynila habang nagtatrabaho roon. Alam ko kung gaano kahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral ngunit kinakailangan kong gawin dahil gustong-gusto kung makapagtapos ng pag-aaral.
BINABASA MO ANG
BENEATH THE LAW
Mystery / Thrillerthis story is about the hint of reality that we're facing today and the fiction behind this life that we live.