9

862 82 28
                                    

Avon's POV

"Ate masakit... Ate masakit ang gitna ko... ate gagahasain nila ako... Ate hindi ko na kaya..." Parang may sumaksak sa puso ko ng marinig ko ang Mommy ko'ng nagmamakaawa.

I pressed my lips together habang ang mga luha ko ay unti-unting bumabagsak sa pisngi ko.

"Ate... sasaktan nila ako..." basag na boses ng Mommy. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga naririnig ko.

I look at my Dad. Tulala lang siyang nakatingin sa Mommy. Kitang-kita sa mga mata niya ang sakit at awa para kay Mommy.

Both of my kuya hugs me. They are caressing my back as I am sobbing.

"Ate wag mo ko'ng iwan. Ate hindi ko na kaya! Ate sabi nila papatayin nila ako... papatayin nila ang pamilya ko. Ate, ayoko non." Umiiling na sabi ng Mommy.

Mahigpit siyang humawak sa damit ng Tita. "Irene..." Yan lang ang lumabas sa bibig ng Tita ko.

"Ate paalisin mo sila..." Turo niya sa mga kuya ko. Nabigla naman ako at tumingin sa kanilang dalawa. They are also shocked to what my Mom said.

"Ate, hahawakan nila ako... Ate gagahasain nila ako! Parang awa niyo na!" Nabitawan ni Mommy ang damit ng Tita.

Pagkatingin ko kay Daddy ay tumulo na ang mga luha niya. "Irene..." he was trying to get my mom's attention.

"Wag moko'ng hawakan! Parang awa niyo na... hindi ko na kaya... masakit na ang katawan ko... pauwiin niyo na ako..." hagulhol ng Mommy.

"Irene, si Greggy ito, babe I'm your husband..." sa tunog palang ng boses ni Daddy ay ang sakit-sakit na.

My Dad is a strong man but he will instantly cries whenever his love one's hurt.

Umiling lang si Mommy at umatras sa kama niya. "Si Lorenzo ka diba? Bababoyin mo na naman ba ako? Maawa ka na sa'kin... hindi ko na kaya..." nanghihina niyang sabi.

My Mom... anong ginawa nila sa Mommy ko...

Pinatahan siya ng Tita. Hindi kami makalapit sa kanya dahil natatakot siya sa mga kuya ko at kay Daddy.

I don't know why she can't recognize me.

Madalas si Tita ang naga-alaga kay Mommy. Si Daddy naman ay bumalik na sa trabaho dahil kailangang-kailangan na daw siya. It against to him but he can't do anything, it was his company.

Ang mga kuya ko ay minsan lang maka dalaw dito dahil nga natatakot ang Mommy.

Ako naman ay kahit hindi siya malapitan, tinatanaw ko nalang siya habang inaalagaan ni Tita.

I observe that she is afraid when there are men's around.

Nagtataka lang ako dahil bakit pati ako hindi makalapit sa kanya.

That was our routine everyday. Nakakalapit lang si Daddy at mga kuya pag tulog ang Mommy.

Month has passed. Ngayon ay pwede na umuwi si Mommy sa bahay. Our class also started last-last week.

Si Tita ang kasama ni Mommy ngayon sa hospital at mamaya ay pupunta ako.

"Daddy hindi ka sasama?" Tanong ko. Kakauwi ko lang sa bahay at magbibihis lang ako para makapunta na kay Mommy.

"Of course i will..." he caressed my hair. Ngumiti ako at tumungo sa kwarto ko.

"Imee?" Kakarating lang namin sa kwarto ng Mommy. Si Tita Imee ay busy sa paghahanda sa gamit ng Mommy at sa kanya dahil uuwi na kami ngayon.

Si Tasha ay umuwi na raw dahil may a-asikasuhin pa sa school niya.

Hinanap ko si Mommy, she was sitting on the side of her hospital bed. Naka shirt na white lang siya at pajama sa pang-ibaba niya.

Medyo gumaling na rin ang mga pasa niya. She even can walk properly now. Tulala lang siya habang nakatingin sa sahig.

Pagkauwi namin sa bahay ay idiniritso siya sa kwarto nila ng Daddy. She immediately lay down to their bed.

"Greggy, kailangan ko ng umuwi... bukas ay medyo busy ako at sa mga susunod na araw dahil sa senate ko. Bantayan niyo si Irene, ha? Alam niyo naman ang Mommy hindi na makakaalaga kay Irene diba?" Panimula ng Tita.

"Of course. Sige na umuna kana at alam naming pagod ka sa paga-alaga kay Irene. Salamat Imee..." my Dad thank Tita.

"O siya! Una na ako! Bibisita ako pag may bakante na!" She kissed my cheek at tinapik naman niya ang balikat ng Daddy.

"Dito ka po matutulog?" Tanong ko sa kanya. He shook his head.

"Sa kabilang kwarto muna ako, Anak. Baka mabigla ang Mommy... magpahinga kana at a-ayosin ko lang si Mommy..." kalmado niyang tugon sakin.

I nodded and exited their room. I sigh. Pagkapasok ko palang ng kwarto ko ay tumulo agad ang mga luha ko.

Miss na miss ko na si Mommy... nandito nga siya. Nakikita ko. Hindi ko naman mahawakan, hindi ko naman mayakap.

Gusto ko ng bumalik ang Mommy ko. Hindi nga siya lumalapit sakin, eh.

Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa malakas na sigaw mula sa labas. Agad akong lumabas ng kwarto ko at sinundan ang sigaw.

It was coming from my parents room. Nakabukas kaunti ang pinto kaya sumilip ako.

Dinurog ang puso ko sa nakita ko. My Dad was trying so calming my Mom down. He was trying to went near my Mom na nasa kama at sumiksik sa gilid neto.

"Babe, please... si Greggy ito. I can't hurt you. Babe, Irene. Makinig ka sakin..." he was speaking so soft as if he was talking to a little girl.

"Ayoko! Umalis ka! Sasaktan mo na naman ba ako!? Maawa ka naman, oh! Hindi ko na kaya..." my Mom cried. Binato niya si Daddy ng unan.

Pinalibot ko ang paningin ko sa kwarto nila Mommy. I saw a tray of food and i think it was supposed to be my Mom's breakfast.

"No, no, no. Babe, i will never going to hurt you... hindi mo ba ako kilala? I'm your husband, Babe ko..." he was trying to make my Mom understand.

Umiling si Mommy.

"Ayoko! Uuto-in niyo na naman ako! Tapos sasaktan niyo 'ko! Babastosin niyo na naman ako!" And that breaks my heart.

Tumutulo ang luha ko'ng pumasok sa loob.

"Mommy... si Daddy po yan..." pagpapaliwanag ko.

"Hindi ka po namin sasaktan... hindi mo ba kami nakikilala?" Tanong ko habang papalapit ko sa kanya.

She was traumatized. Those people who hurt my Mom will go to hell!

"Avon..." my Dad.

"Hindi mo ba ako nakikilala Mommy ko? Si Avon po ito..." Pagpapakilala ko. "Mommy, miss na miss na po kita... bumalik ka na po... Mommy hindi ka po namin sasaktan. Wala na po'ng mananakit sayo..." i wipe my tears.

"Mommy hindi ko na po kayang ganito ka... masakit na po sa heart ko..."

Lumapit ako hanggang sa mahawakan ko ang magkabilang kamay niya. Nakatulala lang siyang tumingin sakin.

"Mommy ko miss na miss na po kita... can i hug you?" I swear if you saw her face, maiiyak ka nalang. She was so afraid. Ang masaya ko'ng Mommy ay naging matatakotin na.

She unknowingly nod. Lumaki ang ngisi ko at bigla nalamang siyang niyakap.

My Mommy... miss na miss na kita...



"Avon..." she murmured...

Torn ApartWhere stories live. Discover now