Chapter 2

4 0 0
                                        

Chapter 2

Unrequited Love

"Hoy ano ba Tali, di pa ako tapos makipagtuos sa haliparot na hipon na yon." Inis na sabi ni Nicole

Nakatulala lang akong nakatingin sa kaniya pagkalabas namin sa cafeteria dahil sa pagtitig sa akin ni Xander kanina.

"Hoy sumagot ka baks anong nangyari sayo at tulaley ka diyan." Barino pa ring saad ni Nicole

"Baks OMG nakita ni Xander yung nangyari, nakakahiya. Tapos nakatitig pa siya sa akin." Tarantang turan ko

"Tali gurl kumalma ka nga, eh ano naman kung tiningnan ka niya. Diba ang tagal mo ng crush yan. Jusko dai simula grade 8, masyado ka namang loyal para sa happy crush ano ateng."

"Eh kasi nakakahiya tsaka alam ko namang wala akong chance sa kaniya noh." I said sadly

Simula pa lang nung makita ko siya alam ko naman na agad na wala akong pag-asa.

"Tali cheer up, remember that being a plus size is never a hindrance. There's nothing wrong with you. Alam mo kung saan ang mali yung mga pag-iisip na mismo ng mga tao na kumukutya at nang ju-judge sayo.

Lagi mong tandaan na maganda ka inside and out. Pero di natin mapipigilan yung mga taong talagang makikitid yung utak, mga judger kung baga. Basta be more confident gurl, mana ka ata sa kagandahan ko noh" Pagtatapos niya sa sasabihin

Maiiyak na sana ako eh umurong lang nung sa panghuli na. Pero kahit ganiyan si Niccolo mahal na mahal ko yan. Dahil parati siyang nandiyan sa tabi ko.

"Thank you talaga, Nicole ha. Kahit medyo false information ata yung dulo." We laughed together

"Basta gurl pag may chance uli na magkita kayo ni Xander try to interact with him. There's nothing wrong on trying bebs. Ayaw mong gagaya sa akin eh habulin."

"Habulin, habulin ng lamok" I laughed hard. He glared at me kaya tumigil na ko kakatawa.

Siguro nga wala namang mali kahit makipag-kaibigan lang ako kay Xander. Alam ko naman ang limitations, tsaka itaga sa bato happy crush lang talaga dapat.

After what happened sa room na lang kami naglunch ni Niccolo Apolinario. (I should be dead by now if I said that out loud)

Class continued until our last subject. Pagkadismiss sa amin ng teacher ay agad na kaming pumunta ni Nicole sa waiting shed sa tapat ng school. Di rin kami nag-antay ng matagal ay dumating na rin ang sundo ni Nicole.

" Bye Tali gurl, ingat ka ha." Nicole bid goodbye

"Bye beb thanks for today, ingat." I waved my hand

Nakatingin lang ako sa kumukulimlim ng langit. Siguro uulan na at wala pa ngang ilang minuti ay umambon na hnggang sa lumaki na ang patak ng ulan.

Bakit ganon mas mapayapa ang pakiramdam ko tuwing umuulan. Para kasing musika ang malakas na patak nito.

Ulan din ang palatandaan ko na kahit na ano pang malakas na pagsubok ang dumating ay panandalian lamang naman ito. Kalakip nito ang mga aral na matututunan natin para matuto at lumakas tayo.

Na kapag tumila yung ulan lilitaw naman ang bahag hari kung saan pagkatapos ng unos ay may maganda namang kapalit ito.

Dahil sa pagmumuni at pagmamasaid ko sa ulan di ko namalayang may tumabi na pala sa akin.

Napalingon na lang ako sa kaniya nung tumikhim siya at nabigla akong si Xander pala to. Nabasa siya sa ulan dahil sumayi siguro siya at tinakbo niya hanggang dito.

" Ehem, Miss do you have a tissue? I just forgot my towel in my locker." Para akong hinehele ng baritonong boses niya. Di ko namalayang nakatulala na pala ako sa kaniya.

"Miss?" He asked impatiently

'Nubayan siya na nga lang hihingi siya pa ang may ganang umatittude diyan. Kung di ko lang talaga crush to eh naku'

Binuksan ko ang bag ko at inabot sa kaniya ang tissue ko. "Here"

"Thanks" walang emosyong sabi niya at binalik sakin yung tissue pagkakakuha niya ng ilang piraso. Daig pa ang lamig ng simoy ng hangin ngayon ah.

"Uhm H-hi, I'm T-thalia Hernandez." Pagpapakilala ko. Nakakahiya ba't ka nauutal.

"I didn't ask" My jaw dropped on his respond

"Ha, kaya nga choice ko namang magpakilala eh." Iritang sagot ko sa kaniya

Di na siya muling sumagot o lumingon man sakin. Psh bahala na nga siya diyan di pa kami, LQ na agad. Pinapanood ko lang ang ulan hanggang sa unti unti ng tumitila ito. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang sundo ko.

Nilingon ko siya at sa tingin ko'y naghihintay din siya ng sundo. Bago ako pumasok sa kotse ay kinuha ko ang payong ko at iniabot sa kaniya. Tiningnan niya lang ako at wala atang balak kunin ang payong. 'Hay nako talaga, ang bait ko na masyado'

"Here, sayo muna alam kong wala kang payong." Basta ko na lang ibinigay sa kaniya ang payong at dali dali ng pumasok sa kotse. Di na inintay ang sagot niya

Humina naman na ang ulan at kainting ambon na lang. Pero baka kasi nagpapatila lang din siya eh.

Pagkapasok ko sa kotse ay di ko mapigilang mapangiti. Kahit kaonti ay may progress na kami ni crush.

'Hays kahit ang cold cold niya gwapo pa rin grabe man'

Habang nasa byahe ay binuksan ko na lang ang phone ko wala rin namang magawa dahil tiyak traffic din.

Habang nagsscroll sa IG sinearch ko ang accout ni Xander. Alam ko naman kase talaga account niya eh di ko lang finofollow kasi nga lowkey happy crush ko lang siya.

Pero dahil may progress naman na kami at kahit kinakabahan pinindot ko ang follow. Pagkapindot ko ay inexit ko agad ang IG at dali daling nag-offline.

Para kong timang na pabalik balik ang tingin sa phone at sa bintana hindi mapakali. Hanggang sa napansin na ko ni Mang Jun; driver namin.

"Tali, ok ka lang ba iha?" Tanong niya sa akin

"Uhm ok lang po ko Mang Jun" Nagsisiguradong sagot ko sa kaniya. Tumango na lang din naman siya pagkatapos.

Hanggang sa pag-uwi ay di ko na binuksan ang phone ko at inunang ginawa ang mg assignments, para di ko na rin maisip pa iyon.








_____________________________
To be continued...

:)

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now