Chapter 3

3 0 0
                                        

Chapter 3

Unrequited Love

Di ko na namalayan na nakatulugan ko na lang din ang pag-iisip.

Kinabukasan nagising ako sa alarm ko. Dahil masyado pa namang maaga ay naghintay ako ng ilang minuto para magpa-inin. Sabi kasi ng matatanda ay masama raw yung babangon ka agad pagkagising mo. Maigeng maghintay ka muna ng ilang minuto upang di mapasma ang mukha mo.

Habang nagpapalipas ng ilang minuto  di ko na napigilang  kunin ang cellphone ko at i-check ang ay IG.

'OMG inaccept niya ko HAHAHAHA'

@xjmontefalco follows you back

Tiningnan ko ang account niya at totoo nga di ako nagmamalik-mata. Di lang yon nagnotif din sa akin yung message niya.

xjmontefalco:

I'll give back your umbrella.
Tomorrow at lunch. Thanks for
lending it to me.

Ito ang chat niya kagabi pa ng 11:00pm.

You:

Hala siya ang formal mo naman
masyado pero you're welcome

Seen

Psh ang cold mo naman

Good morning hehe

Pilitin mo muna ako HAHSHAHA

Seen


'Grabe ang feeling ko ha pero ang cold niya ha napapahiya ako dito ah'

Hoy choz lang Xander,
sige kita na lang tayo later
lunch time sa cafeteria

K.

Hays napakacold niya talagang nilalang walanjo.

Pumasok akong may ngiti ang mga labi. Hanggang sa makaupo na ako sa tabi ni Niccolo Apolinario. Nakatingin siya sa akin na para akong timang dito.

"Hoy babaita anong nangyari sayo diyan parang kang sinapian diyan kakangiti ha" he looked at me weirdly

Inabot ko sa kaniya ang phone ko at pinakita ang message ni Xander sa akin.

"Ahhhhhh OMG gurlllll napansin ka na ng bebe mo" he shouted loudly.

Kaya naman bigla akong napabalik sa realidad ng sumigaw siya at hinahampas hampas pa ko.

"Aray Niccolo Apolinario ang sakit, ano ba" iritang sabi ko habang tinatakpan ang bunganga niya. Napakalakas naman kasi eh di na kailangan pa nh speaker .

" OMG eeeewwww gurl don't call me that, Eh kasi naman sis, ano ba nangyari kahapon, dali chika mo na." Nagmamadaling sabi niya pagkatapos ng isa niya pang hampas dahil sa pagbanggit ko ng buong pangalan niya.

'Ito talagang kaibigan ko marites din talaga eh'

Kinwento ko na nga sa kaniya ng nangyari simula nung una siyang umalis kahapon hanggang sa mamayang lunch.

Saktong pagkatapos kong ikwento sa kanila ay ang pagdating naman ng teacher namin A.P.. Nagdiscuss lang naman siya at ganun na rin sa iba pa naming teachers. Discussion na lang kasi nagre-ready na rin kami sa finals.

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now