Chapter 14

136 2 0
                                    

Chapter 14

"Gaga ka, naging crush mo pala 'yon! 'Di ka nagsasabi! At bakit kasi 'di ka rin nagtanong, teh?" Tinawanan ako ni Erich Lyn. "May girlfriend 'yon, sira! May dump account pa nga silang dalawa sa IG para sa mga pictures nila together. Pina-follow ko 'yon!"

Sumimangot ako. "Wala siyang pine-flex sa IG account niya, okay? Kaya I thought he's single."

"Amputa!" Tumawa ulit siya. "Kaya pala go na go kang sumama sa 'kin, bet mo pala si Gonza."

"Inamo," naiinis na sabi ko.

Naglakad na ako papasok ng gate ng school. Right after the game, dito kami sa school pumunta. Ang unang room malapit sa gate ay ang room kung nasaan ang registrar. Dumeretso kaagad ako doon. Walang tao ngayon kaya siguradong makaka-uwi agad kaming dalawa ni Erich Lyn.

"Hello po," nakangiting bati ko sa masungit naming registrar. "Hihingi po sana ako ng request form. Magre-request po ako ng form 137, form 138 at good moral."

"How about your diploma?" masungit na tanong niya.

"Ire-request pa po ba 'yon?" kunot-noong tanong ko. "Hindi po ba ibibigay niyo 'yon?"

Natahimik siya saglit sa tanong ko. Ha! Ano ka ngayon! Narinig ko ang mahinang tawa ni Erich Lyn kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Here's the request form." Inabot niya sa 'kin 'yon. "You still need to wait two to three processing days since next week pa talaga ang pagbibigay ng requirements... And for your diploma, where's your clearance?"

Clearance?! Gagi, 'di ko pa tapos papirmahan 'yon!

"Kulang pa po ng pirma... Pero sa adviser ko na lang naman po 'yon," sagot ko. "Pati po pala sa cashier."

"Cashier? How come na nakakuha ka ng toga and anything for your graduation... pero walang pirma ang clearance mo?" Grabe?! Ang sungit talaga! Parang ayaw akong paalisin sa school na 'to! "I'm sorry, iha, but you need to finish your clearance before I'll give your requirements... baka kasi hindi pa clear ang accout mo sa cashier."

"Ah, okay po." Kahit hindi!

Hay! Nakakainis naman ang araw na 'to!

Napagpasyahan kong umuwi na lang muna. Next time ko na iki-clear 'yon! Duh, as if namang hindi clear ang account ko, 'no! Tinamad lang akong magpa-pirma, pero wala akong utang. At yung sa pirma ng adviser, tinamad lang naman din akong magpa-pirma!

Feeling ko talaga, malas 'tong si Erich Lyn. Kanina sa basketball, tapos ngayon... sa school naman! Hindi man lang niya sinabing kailangan pala ng mga kung ano-anong bagay para makakuha ng nga forms. Nakakainis! Ayoko na siyang kasama!

"Alam mo... ang malas mong kasama," nakabusangot na sabi ko habang kumakain. Nakain kami ngayon sa isang steak house malapit sa school.

"Tanga, malas ka lang!" Tinawanan niya ako.

"Simula noong ginulo mo ang buhay ko ngayong bakasyon, minalas ako."

"Ang sabihin mo, broken ka lang dyan sa happy crush mong si Gonzales."

I got annoyed as I heard that surname. Inambaan ko siya ng tinidor. "Tutusukin na kita."

"Huy!" Hinampas niya ang braso ko. "Pero ano, sasamahan mo pa ba akong manood ng laro nila? Malay mo, may maging crush ka sa kabilang team..."

"No way." Tumanggi kaagad ako. Nadala na ako, 'no! "As if namang gusto kong samahan ka pang malas ka!"

"Boba, swinerte nga ang team Born Free noong nanood ako," confident na sabi niya.

way back homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon