Prologue

113 9 5
                                    


"Masakit ba talaga magmahal?" napalingon ako sa tanong niya.

"Parang magkapatid kasi yan, parang kambal. Pag nagmahal ka kasi hindi mo rin maiiwasang masaktan." tumango-tango naman siya sa naging sagot ko.

"Kaya pala ang sakit dito." sabi niya at tinuro ang kaliwang dibdib niya, kung nasaan ang puso niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Kaya pala ako nasasaktan, kasi nagmamahal ako." ngumiti siya ng pilit.

"Kung nasasaktan ka na, itigil mo na." seryosong sabi ko. Alam kong nasasaktan siya pero wala naman akong magagawa.

"Paano ko ititigil kung mahal na mahal ko na? Kung nasa punto na ko na kaya kong gawin ang lahat para mahalin niya ulit ako, paano ko pa ba ititigil?" ayoko nang marinig ang mga sasabihin niya pero parang ito rin naman yung kailangan ko para matapos na lahat ng 'to.

"Tama na, Jake. Bumitaw ka na." napayuko siya sa sinabi ko

"I can't. I love you Charlie kahit ang sakit-sakit na. Mahal na mahal pa rin kita kahit alam kong 'di na ako." sabi niya habang nakayuko pa rin.

"Kailan ka ba titigil?!" napataas ang tono ko dahil sa frustration. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ng lalaking 'to?

"Until I reach my one last cry." sabi niya at muling tumingin sa akin. Umiiyak na naman siya. Ako na naman ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.








The day I cried my first tears, it was the same day, he finally reached his One Last Cry.


















Author's Note:

Nahanap ko lang to sa drafts ko dahil may nagpaalala sa akin HAHAHAHAHA

Medyo masakit yung story kaya ngayon pa lang babalaan ko na kayo agad.

Vote and comment lang mga sis para sa next part 💙💜

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon