"Alexander." Mahina kong tawag sa kanya habang Nandito kami sa reception. "Di mo ginagalaw ang pagkain mo!"
Hindi nya ako tinapunan ng tingin. He's acting weird. Very weird. Kinuha nya ang tinidor at kinain ang fruit cocktail na nasa salad. "Comfort Room lang ako." Tumango lang ako sa kanya. Lumapit ako sa mga kapamilya ko. Ilang Minuto na din akong nakikipagusap sa kanila pero napansin kong wala pa din si Alexander.
"Excuse me, hahanapin ko lang po si Alexander." Paalam ko sa kanila. Pumunta ko sa male's CR. Inintay kong lumabas sya doon pero nainip lang ako. Tatalikod na sana ako para bumalik.
"Mahal na mahal kita, just give me time para ayusin itong gulong ginawa ko. Please Irish, I cant take that the girl I love is walking away." I feel and I know, si Alexander yon. That bitch, sumunod pa sya. Paano sya nakapasok? Unti unti akong naglakad sa likod ng CR kung saan narinig ko ang usapan nila.
Nabigla ako sa nakita ko Dahil nag-hahalikan na sila. Biglang nag-init ang ulo ko sa nakita ko. Pakiramdam ko, sasabog ito sa sobrang galit. "Paano mo naatim na lokohin ako Alexander?" Sigaw ko. Halos mapatalon silang dalawa sa gulat. Humiwalay si Alexander at hinawakan ang kamay ni Irish.
"Allyson o kahit ano pang pangalan mo. Mahal ko si Irish, sya ang tunay kong mahal." Napa-awang naman ang labi ko sa narinig ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Nangako ka, nangako ka sa harapan ng diyos kanina. Tapos, hey Mr. De Ocampo, baka nakakalimutan mong ang pamilya ko ang sumagip sa pag-kaka lugmok nyo. "Tinignan ko sila ng Masama. "Isang salita lang ay pwede kong bawiin ang lahat. well, gusto mo naman ata." Tatalikod na sana ako pero mabilis nya akong pinigilan.
"Allyson, Please. Let me talk to her."
"NO." Maikli kong sagot at naglakad. "Bumalik ka na Alexander. Bumalik kana doon."
Hindi nya ko sinunod at bumalik ulit kay Irish. "Ikaw, paano mo nagawang ahasin agad ang taong kakakasal lang kanina? Mahiya ka naman! Mag-hanap ka ng ibang taong kakamot sa kati mo."
"ALLY!" Saway sa akin ni Alexander.
"Sinundan mo pa talaga kami? Para ano? Para sirain ang araw na'to? Nag-didiwang siguro ang kalooban mo dahil nag-katotoo ang gusto mo." Marahan ko syang nilapitan at sinampal ng ubod ng lakas. Napasinghap sya sa lakas nito at may mga tumulong luha.
"Allyson ano ba? Tangina naman!" Mabilis nyang inilayo sa akin si Irish. Naglakad sila ng palayo. He's walking away.
"Alexander! Alexander bumalik ka! bumalik kaaaaaaa!" Sigaw ko sa kanya pero hindi sya lumingon. "Alexander........."
Pinanuod ko lang silang umalis. Akala siguro nila papayag ako ng ganon ganon na lang. "Daddy! Nasaan ang mga tauhan mo? Sabihin mo..... May ipapagawa ako sa kanila."
They cant just do this to me. Di nila pwedeng gawin sa akin'to.
"Anak bakit? Mukhang hingal na hingal ka."tanong ni Daddy habang dina-dial ang mga tauhan nya. Hindi sila pwedeng makalayo.
"Si Alexander. He's with her Ex girlfriend . They're running away. Away from me!?"halos pabulong ko na itong sinabi, dahil ayokong marinig nila na tinakbuhan ako ni Alexander
"What?! That man!" Mabilis nya akong tinalikuran at pumunta kay Tito Joaquin. nakita ko namang ang pag-babago ng ekspresyon sa mukha nito. Ang kanina'y nakangiting mukha nito ay napalitan ng galit at inis. Im sorry for being a slut. Pero paano ang gagawin ko? Mahal na mahal ko si Alexander.
Mabilis akong nag-palit ng dress para habulin si Alexander. Pag-katapos ay lumapit si Daddy at Tito Joaquin sa akin. "Dad! Helped me! I don't want to loose Alexander,please let him back to me."
"Iha, don't stress over! He will be back! He have to! I assure you that!" Hinagod ni Tito joaquin ang likod ko at tinanguan ko nalang sya. Sumakay na kami sa kotse at nagsimula ng kaming lumabas dito sa resort. Siguradong hindi pa sila nakakalayo. "Hello! Benjie nasaan na kayo? Bilisan nyo! Harangin nyo sya sa may gate. Si Ben at Kiro ang bahala sa ibang exit! Magparte parte kayo! At tawagan nyo ko kung nasaang exit sila lumabas. Wag kayong tatanga-tanga! Naka salalay dito ang kasiyahan ng anak ko! Naiintindihan mo ba?.. Good." At pinatay nya na ang tawag.
"Pag-katapos nito, bakit hindi nalang natin ipabura sa mundong ito ang babaeng kasama ng asawa ng anak ko? What do you think balae?" Salita muli ni daddy. Nagulat naman kaming Dalawa ni Tito Joaquin sa sinabi ni Daddy.
"Dy!!!!! Masyado naman atang prude ang gagawin natin, hayaan muna natin syang lubusin ang buhay nya." Sagot ko mula sa likod.
"Balae, hidi ba't masamang Pumatay? Hayaan na na'tin. Titigil din yon. At maiisip na may asawa na ang anak ko." Sagot ni Tito Joaquin.
"Pero, ang anak mo lang ang kasiyahan ng anak ko. Ill do everything, para lang maging masaya ang anak ko. "Tumingin si Daddy sa rearview mirror. "Anak, kung ano ang gusto mo yon ang masusunod."
Biglang nag-ring ang phone ni Daddy. "Okay.. Okay.. Good job! Papunta na kami dyan." Pinatay nya na at inilagay ang phone sa bulsa. "Nasa main exit sila."
NANG makarating kami doon ay nadatnan naming nakikipagtalo si Alexander sa tauhan ni Daddy. Hawak hawak nya pa ang kamay ni Irish parang napapaso ang mata ko sa nakikita ko. Bumaba na kami ng sasakyan.
"Sino ba kayo at ayaw nyo kaming padaanin? "Sigaw ni Alexander.
"Well, well,well. Binalak mo talagang iwan ang anak ko, Alexander." Marahang lumapit si Daddy sa kanila.
"Alexander. Iwan mo yang babae na yan at bumalik ka doon. Maraming bisita ang mag-hahanap sa'yo. At sino ba'yang babae na yan sa buhay mo?" Sabi naman ni Tito Joaquin. "Bitawan mo sya At bumalik ka doon. NOW!"
"Daddy, I love Irish. Please, wag nyo naman kaning pag-hiwalayin." Sigaw ni Alexander. "Daddy please."
"Lintek na pagmamahal mo sa babaeng yan! Kaya ba nyang isalba ang kompanya? Use your brain, use your brain ." Sigaw sa kanya ni Tito Joaquin.
"Mahal ko po si Kiel, Tito. Mahal na mahal ko po ang Anak nyo. Please po, hayaan nyo na po kami." Biglang lumuhod si Irish sa Harap ni Tito Joaquin. Tinignan lang sya nito habang pinapatayo sya ni Alexander. "Please Tito....."
"Iha,ayoko sanang humantong pa tayo sa ganito pero Ayoko sayo para sa anak ko. Stay.away.from.my son!" Matindig nyang sabi at pinasadahan lang tingin si Irish. Tumayo si Irish at laking gulat ko ng sa harapan ko naman sya lumuhod.
"Allyson, alam kong mabuti ang kalooban mo. Hayaan mo na kami ni Alexander. Parang awa mo na, mahal namin ang isa'tisa. Kami ang para sa isa'tisa. Please." Napairap ako sa hangin.
"Pathetic. Di ko sya ibibigay sayo dahil sa akin naman talaga sya. Pinahiram ko lang sya sayo Girl. Wag ka namang mag-malabis. At ngayon panahon na para bawiin ko ang asawa ko. " In-emphasized ko pa ang salitang asawa para magising sya sa katotohanan.
"Ally. Please naman, di ko sya kayang mawala."dagdag nya pa. As if namang mapipilit nya ko. "Ally... Pl...ease."
"Pareho pala tayo! Di ko din sya kayang mawala pero pag-ikaw ang nawala. Okay lang. Tumayo ka na dyan at wala din namang silbi yang pag-luhod mo." Nakita ko naman ang pagkawala nya ng pag-asa.
"Tama na yan! Benjie, ikaw na ang bahala sa babaeng ito. Alexander,babalik na tayo." Tumalikod na si Daddy at hinawakan na ni Benjie si Irish.
"Saan nyo sya dadalin?! " Nag-mamadaling tanong ni Alexander.
"Alexander, pumasok ka na sa kotse."utos ng daddy nya "iuwi mo na yan sa kanila."
Sumakay na ako sa kotse ni Alexander. Sa akin lang sya. What's mine is mine.
BINABASA MO ANG
One Wrong Choice
RandomLife is full of surprises. Life is a bastard. Next thing I know.. I want you to be mine. I'll do everything... Just to have you.