Chapter Seven.

1 0 0
                                    

Isang linggo na din ang Nakaraan simula ng ikasal ako kay Alexander. Wala pa din pinagbago. Matigas pa din ang loob nya at hindi nya pa matanggap na ako at siya ay iisa na. Mayroon na kaming sariling bahay. Isang mahusay na interior designer pa ang umistilo nito. May isang guest room at maid headquarters sa baba. Isang malaking sala,kusina. Sa taas naman ay may 5 Guest rooms at Isang masters bedroom.

Ilang ulit ko ng pina-lipat lipat ang channel sa Tv. Wala na rin kasing plabas dahil alas tres na ng madaling araw. Nakakaramdam na ako ng antok pero, nilalabanan ko ito dahil hinihintay ko pa si Alexander. I'm waiting for my Husband.

Pinatay ko na ang Tv, dahil wala naman din ako mapanuod. Palakad-lakad lang ako at tinititigan ang Frame namin ni Alexander noong kasal namen. Ang sarap titigan.

Pumunta muna ako sa kitchen para mag-timpla ng Kape. Buti nalang may Water heater kami. Nag-bilang lang ako ng ilang Minuto para uminit ng Tubig. Too bad! Walang katulong dhil natutulog na sila.

PUMUNTA na ako sa Sala habang pinapalamig ang kape. Biglang bumukas ang Big gate at iniluwa noon ang itim na mercedez benz na sasakyan ng asawa ko.

I waited him at the doorway. He's drunk,thanks god. Dito sya umuwi at safe sya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya para alalayan sya. Inilagay ko ang kamay nya sa balikat ko. He's heavy, and any time pwede kaming ma-out of balance.

"Honey, lasing ka. Let's go to our room you have to rest." Nakita ko naman ang pag-kunot ng noo nya sa sinabi ko. Di pa rin sya sanay na tinatawag ko sya non.

Nang nasa Sala na kami ay biglang napatuwad kami pareho sa sofa. "Wag.... Mo...kong iwan..." Papikit-pikit nyang sabi.

"I will not. Come on, let's go to our room." Akmang bubuhatin ko na sya ng Matabig nya ang kape na tinimpla ko. "Shit." Mura ko dahil sobrang init nito. Naiiyak na ko, I can't take the pain anymore. "Alexander. Tara na!" Binuhat ko na sya at pagewang-gewang kaming umakyat ng hagdan. Halos pabagsak na kaming humiga sa Kama. Tinanggal ko ang sapatos nya at pinalitan narin sya ng sando. Hinubad ko ang pants nya. Naka boxer brief naman sya kaya okay lang.

Kinumutan ko na sya at hinalikan sa noo. "mahal na mahal kita...." Muli nyang sabi. Hinalikan nya ko, hindi naman ako nag-alinlangan na sagutin ang mga halik nya. I am now under his spell. I want his kisses more. Nang mawalan na kami ng hininga ay nagsalita muli sya. "Irish..." Bigla akong nawalan ng gana. Lasing nga sya. Tinalikuran ko na lang sya at nag-shower dahil nag-lalagkit na rin ako. Pagkalabas ko ay 4:23 na ng umaga.

I still not feeling sleepy. Habang nagbo-blower ako ng buhok ay may narinig akong nag-ring. Hahayaan ko na sana pero paulit ulit. Nakita ko naman na may umiilaw sa slack ni Alexander. Kinuha ko ito and it's flashing Irish's name.

She's calling at this hour?! Crazy pathetic woman. Walang alinlangan ko itong sinagot. "Babe, asan ka na?! Kanina pa kita iniintay. Hindi ba't sabi mo dito ka uuwi?" Napairap nanaman ako sa hangin.

"Babe!? Bitch." Maikli kong sagot but it's full of irritation. "Walang uuwi sayo, my husband is now sleeping beside me. Bakit naman sya uuwi sayo? Asawa ka ba nya?! Your just a fcking stranger to him." Ngumisi ako at pinarinig ko sa kanya.

"Ally...son." Mahina nyang sabi.

"Correction, Allyson Arthria Zaragosa-De Ocampo." Pagtatama ko sa kanya . "Stop calling him. Baka sa palayan ka pulutin, crazy probinsyana girl. Isang tawag mo pa sa kanya Tatamaan ka na." Pinatay ko na ang tawag. Ibi-nlock ko nalang ang number nya at dinelete iyon. May password ang cellphone nya. Stupid!!!

Inilagay ko ang cellphone nya sa drawer and I remain it silent.

Bumababa na ako sa baba, dahil di din naman ako inaantok. Nakita ko naman si Janice na pinupunasan ang kapeng natapon kanina. "Oh, ma'am gising na po pala kayo. Breakfast po?" Umiling lang ako.

"Iintayin kong magising si Alexander." Sagot ko at muling pinasadahan ang sala. Gusto kong mapuno ito ng litrato namin ni Alexander. "Janice?"

"Yes Ma'am?" Lumapit sya sa akin at iniintay ang sasabihin ko.

"Lagi mong pupunasan ang picture frame namin ni Alexander. Wag mo hahayaang maging madumi. At kung pwede, yung mga malilit na frames don ay alisin mo na, dahil papalitan ko na yon." Utos ko sa kanya habang tinuturo ang mga frames.

"Opo ma'am. Mahal na mahal nyo po talaga si Sir noh! Bagay na bagay po talaga kayo." Masaya nyang sabi. Napangiti naman ako. Mabuti nalang at may taong nakaka-appreciate ng nararamdaman ko kay Alexander sa bahay na'to. Tinanguan ko nalang sya, at balik na sya sa ginagawa nya.

"Alexander, matututunan mo din akong mahalin." Bulong ko sa sarili ko.
Mahal na mahal ko talaga sya. Highschool palang kami ay sya na ang gusto ko, di ko lang masabi dahil mahal nya si Irish. I'm afraid of being ignored and rejected. Natakot ako at kinain ng kaba.

UMAGA na at handa na ang umagahan. I hope that everything will be soft between me and Alexander. He's my everything. Everything that I once knew.

"Is breakfast is ready?" Nagulat ako sa boses sa likod ko. It's still look sleepy and lazy tone.

"Uhm.. Yes- buti at sakto ang gising mo, Hon!" Pumunta na sya sa lamesa at tumabi ako sa kanya. Sinandukan ko sya ng fried rice, ham and egg. "How's your sleep? Lasing na lasing ka kagabi."

"Fine." Maikli nyang sagot at uminom ng kape. Pag-katapos non ay natingin sya sa akin. "What's with your skin?!" He asked.

"Natapunan ng kape..." Maikli kong sabi. Nakita ko naman ang ngiti nya. He's happy? Why? Dahil nasaktan ako? Shit."na natabig mo kagabi."

Nanlaki ang mata nya at tinignan ang paso sa balat ko. Mabilis syang tumayo at nag-palit ng damit. Pag-kababa nya at dali dali syang sumakay sa sasakyan. "Alexander.. Saan ka pupunta?! Alexander!!!" Napa-nguso nalang ako.

Inintay ko sya pero di na sya bumalik. Napag-isipan ko namang buklatin ang cellphone ko.

"Masasaktan ka din. Tandaan mo."

A text from a stranger.

One Wrong ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon