CHAPTER 25

74.2K 988 405
                                    

Mikaela


"Nak, nabili na namin yung rice mill machine na gusto ng tatay mo. Nandito na sa farm, ginamit na namin simula pa kahapon." masayang balita sakin ni nanay habang kausap ito sa kabilang linya.

"Mabuti yan, nay, para hindi na kayo masyado nahihirapan dyan ni tatay." sabi ko habang nakahiga sa duyan.

"Kaya nga e. Salamat, nak, ha? Malaking tulong narin sa'min 'to."

"Walang anuman po. Malakas kayo sakin e."

"Siya nga pala. Kumusta na kayo dyan ng mama Miranda mo? Ang tagal nyo ng hindi bumibisita sa'min sa probinsya ah. Nagtatampo na kami sa inyo."

"Pasensya na, nay. Medyo na-busy lang kami pareho sa trabaho ni mama. Nasa out of the country business trip yun ngayon, mga two weeks pa siyang mananatili doon. Matatagalan pa yun."

"Ay ganon, ba. Eh ikaw? May balak ka bang umuwi dito sa Samar? Holiday sa paparating na lunes at martes, ibig sabihin long weekend. Uwi ka muna, miss ka na namin ng tatay mo."

Saglit kong tinaponan ng tingin ang kalendaryo para tignan ang petsa. Oo nga pala, special none working holiday sa lunes at martes. Ibig sabihin mahaba yung weekend. Sabado ngayon, kung bibiyahe ako mamaya sakay ang Sea Ferry, makakarating ako sa Samar ng bandang alas singko ng hapon. Bale may 3 days at 3 nights akong short vacation doon. 

"Sige, nay. Uuwi ako dyan mamaya."

"Hay salamat. Sige, babalitaan ko ang tatay mo. Tiyak matutuwa 'yon. Ihahanda ko narin kwarto mo para kumportable ka mamaya sa pag-uwi."

"Thank you, nay. May dala akong pasalubong sa inyo dyan pagdating ko. See you later po."

"See you later din, anak. Mag-ingat ka sa biyahe."

"Opo. Ba-bye." inoff ko na ang tawag at nagsimulang mag empake. Ilang buwan narin mula 'nong umuwi ako sa Samar. Yung huling pagbisita ko ay last year pa at hindi na nasundan dahil sa napaka-busy kong schedule. Usually kapag may holiday, I spend my time resting or doing lesson plans. Pero dahil namimiss ko ang sariwang hangin ng probinsya ay uuwi muna ako. I miss living the simple life there. Malayo sa ingay, maraming tao at sa toxic na pollution. I think it's a good idea to stay there for a bit.

At isa pa, nagtatampo din ako kay Simoné ngayon. Sino ba kasi ang letcheng Atlas nayun? Kagabi pako nawalan ng gana dahil sa nangyari kahapon. First time ko lang ma-meet ang lalaking yun, at kung titignang mabuti ay mukhang matagal na nilang kilala ang isa't-isa. Ang sakit lang sa pakiramdam na marinig ang anak ko na daddy ang tawag rito.

Oo, nagseselos ako. Sino bang hindi? Sarili kong kadugo hindi ako ini-acknowledge bilang mama pero sa lalaking yun ay daddy ang tawag. Nakaka-tampo talaga. Kailan ba kasi ako ipapakilala ni Simoné bilang mama ni Bleu? Siya kasi ang hinihintay ko e. Simula 'nong malaman kong anak ko si Bleu, hindi lang isang beses na binalak ko na i-confess yun dito sa tuwing nasa klase kami. I want my daughter to call me as her mama and not as her teacher. Is that too much to ask?

Hays, ang saya ko na sana kagabi e. Kaso nasira pa.

Binuksan ko ang traveling bag ko at inilagay doon ang ilang damit. Sunod kong inampake ang mga essentials saka yun inilagay sa side pocket. Nasa ganitong gawain ako nang tumunog ang notification sound ng messenger ko. Agad kong inabot cellphone ko para tignan kung sino ang nag-chat.

It was Simoné.

Mommybear🐻💕
Hubby, you didn't answer any of my calls last night.
Stop ignoring me, please :(

Totoo yun. Hindi ko nga sinagot ang mga tawag niya kasi nga nagtatampo ako sa kanya.

Me:
Nakatulog nako. Sorry

One Night, One Love  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️ REPUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon