(ALEXA POV)
"Nay, nay, huwag mo akong Iwan!". Ayan ang lumabas sa bibig ko bago ako tuluyang nagising, at Hindi ko na malayang umiiyak ako.
"Oh anak!, anong problema? ". Ang bungad na tanong ni tatay sa akin habang papalapit at umupo sa aking hinihigaan na kama.
Bumaligwas naman ako sa aking hinihigaan at lumapit kay tatay at mahigpit ko syang niyakap.
*/sniff, Hindi pa rin po kase ako maka move on sa pag ka wala ni nanay */sniff, palagi ko pa rin po s'yang napapanaginipan". Mahabang sagot ko mabang umiiyak na nakayakap sa kanya.
" anak, kailangan mong maging matatag para sakin at sa sarili mo, huwag kang maging mahina at labanan mo ang lungkot mo". Mahaba at makahulugang lintaya ni tatay sa akin.
"Sege po tay kakayanin ko po para sa inyo at magiging matatag po ako"*/sniff. Malumanay na sagot ko, dala parin ng lungkot at pangungulila sa aking inang pumanaw.
" oh sya sege lumabas na tayo at nang makapag almusal na din". Sagot nito.
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
Ako si Alexa Brix anak nina Bryant Brix at Zamarra Brix, 19 years old at mag fo-fourth year college na sa dadating pasukan, pangarap kong maging isang nurse balang araw dahil ito ang pangarap ko at ng mga magulang ko para sakin.
Ilang buwan na din ang nakaraan matapos kaming iwan ni nanay dahil sa sakit niyang cancer, kaya naiwan nalang ako kay tatay at sya ang nag aalaga sakin, kaya nangako akong mag tatapos ako ng pag aaral at babawi ako sa kanya. Nasa ganun akong pag iisip nag biglang tumunog ang aking cellphone.Ring... Ring... Ring... Tatlong tunog bago ko pa ito nakuha sa bulsa ko, at pagbukas ko nito ay nakita ko kung sinong tumatawag, si Shasha pala, isa sa matalik kong kaibigan.
"Hello?". Patanong na sagot ko.
"Oh! Alexa kamusta kana? Malapit na ulit tayong pumasok sa eskwelahan, saan kaba papasok na university?". Sunod sunod na tanong nito.
"Ano kaba naman! Ganun mo ba talaga ako kamiss at sunod-sunod ka talaga kung makatanong?". Bulyaw ko sa kabilang linya.
" Syempre naman, matagal tagal din kayang hindi tayo nagkita, syempre namiss kita". Sagot naman nito sa kabilang linya na sapalagay ko'y nakanguso pa.
"Oo nga, may balita kana ba kag beberly? ". Tanong ko dito.
"Balita ko nakabalik na sya dito galing sa probinsya ng papa nya". Sagot naman nito.
"Ah, ganun ba, wala man lang pasabi ang bruhang yun na nakabalik na pala sya". Sabi ko na may pag tatampo ang tono.
" Alexa kita nalang tayo sa coffee shop bukas, sasabihan ko nalang din si beberly na sumama satin para naman maka pag bunjing bunjing tayo". Mahabang sabi nito.
"Ahh sege, text mo nlng kung anong oras, bye". Sabay end nang call at hindi man lang hinintay ang isasagot nito.
Si Shasha Jones ay isa sa matalik kong kaibigan mabait, masipag, maganda at higit sa lahat maunawain na tao, pero nadaan din namang may pag ka pulandit lalo na kapag nakikita ang grupo ng mga sikat sa kalalakihan sa aming university, at open kami sa isat-isa. At si Beberly Faxon naman ay isa rin sa matalik kong kaibigan, gaya ni Shasha mabait, masipag, maganda, at maunawain, ang pinagkaiba nga lang nilang dalawa si beberly medyo may pagkaseryoso at medyo slow at si Shasha naman ay medyo may pag ka boyish at palaban kahit nga yung mga bully sa university namin kinakalaban nya eh. Pero may pagka maharot din ng konte.
________NAALIMPUNGATAN AKO dahil sa pag tunog ng aking phone.
Nag mulat ako ng aking mahahapding mga mata.
Kinuha ko iyon at nanghihinang umupo dahil parin siguro ng antok.
Nakita kong tumatawag si Shasha, ang aga-aga tumatawag na agad sya.
"Hello! ". Medyo inis na sagot ko.
"Oh! Ano na alexa san ba tayo magkikitang coffeshop?". Saad ng nasa kabilang linya.
"Ang aga-aga tumatawag ka na agad alam mo namang natutulog pa yung tao! ". Inis na saad ko.
"Maaga pa ba yung 10:00? ". Patanong na sagot nito.
At bigla akong napatingin sa orasan na nakadikit sa aming dingding at pag tingin ko alas dyes na nga. Biglang baligwas ko sa kama at sabay pasok ng cr para maligo.
" Ikaw na bahala kung saan tayong coffeshop mag kikita-kita, tex mo na lang yung address". Natatarantang sagot sabay end ng call.
Dali dali akong pumasok sa cr para maligo na. 20 minutes lang akong naligo dahil nagmamadali talaga ako at baka mapagalitan din ako ni tatay. Pag labas ko ng aking kwarto ay masigla kong binati si tatay.
"Tay magandang umaga". Sabi ko.
" Oh, magandang umaga din 'nak, mukang may lakad ka? ". Masigla at nakangiting bati rin sa akin ni tatay.
" Opo tay, napag usapan po kase naming mag kakaibigan na magkita kita para makapag kamustahan dahil matagal tagal na din kaming hindi nag kikita". Mahabang lintaya ko.
"Ahh sege anak mag iingat kayo". Saad ni tatay.
" Sege po tay alis na po ako ". Sabay kuha ng kamay upang mag mano.
Nag taxi nalang ako papunta sa napag usapan naming lugar. Pag baba ko nang sasakyan bigla akong sinalubong ng dalawa kong bruhang kaibigan, nandito na pala sila.
" Alexa! Namiss ka namin ". Sabi nila habang nakayakap sakin." Hoy! Ano ba kayong dalawa? Pinag titinginan tayo ng mga tao oh! ". Sabi ko sa dalawa kong kaibigan.
" Wala silang pake! Eh ano naman kung mag ingay tayo dito eh customer din naman tayo! ". Maangas na sabi ni shasha. Minsan talaga tong babaeng ito ay wala talagang kinakatakutan, kaya safe na safe talaga kami pag kasama s'ya.
" Hayaan mo na sila Shasha, andito tayo para mag saya hindi makipag away". Natatawang sabi ni beberly. Ito talaga kahit hindi na kakatawa tinatawanan nya kahit siguro mga seryosong bagay dahil nga siguro na may pag ka slow sya.
" Naka bili na ba kayo ng mga gagamitin nyo sa pag pasok? ". Sabat ko naman.
" hindi pa nga eh! ". Saad naman ni Shasha.
" kung ganon edi sabay sabay na tayong bumili ng mga school supplies natin". Sabat naman ni Beberly.
»»————> waiting for chapter 1<————««
WORK OF FICTION
GRAMMATICAL AND TYPOS ERROR AHEAD
DO NOT COPY
PLAGIARISM IS A CRIMEWritten by: Justin Wp Stories
BINABASA MO ANG
I BEACME A GIRLFRIEND OF CAMPUS BULLY
Romanceyou are have a permission to read this story..