◉TITLE: '♡I BECAME A GIRLFRIEND OF CAMPUS BULLY♡'
◉Genre: Romcom, Slight SPG
◉Author: Justin Wp Stories●[CHAPTER 1]●
(ALEXA BRIX POV)
Kadadating ko lng sa bahay, sobra ang ipinagod ko sa pamamasyal namin ng mga kaibigan ko, pero sobrang saya ko sa nag daang mag hapong ito.
Umupo ako ng pabagsak sa mini sofa namin sa bahay habang iniinda ang pag kahilo dahil sa init at sa byahe, nang biglang dumating si tatay galing sa kanyang trabaho bilang isang driver sa isang mayamang pamilya na sikat sa aming lugar, ang pamilyang Knox.
"Oh anak, andito kana pala". Bungad na sabi ni tatay sakin.
Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya at inabut ang kanyang kamay upang mag mano.
" tay, kumain kana po ba? ". Tanong ko dito.
" hindi pa nga eh". Sagot nito habang hinihimas ang kanyang malaking tiyan.
" sege po tay upo muna po kayo at maghahanda lang po muna ako ng makakain natin". Saad ko sabay tayo at dumiretso sa kitchen.
Nang matapos akong mag luto ay agad ko nang tinawagan si tatay para makamain na kami at gutom na din ako.
Habang kumakain kami ni tatay ay napagusapan namin ang pamilyang kanyang pinagtatrabahuhan. Matagal nadin siyang nag tatrabaho sa maharlikang pamilyang iyon kaya naman siya nadin ang ginawang personal assisstant ni Mr. Ezekiel Knox.
Nabanggit din nito na merong anak sina Mr. Ezekiel at Mrs. Aico na lalaki, nag iisang anak lang din daw ito gaya ko siya si Zekielco knox, na siyang kinaiinisan ko sa buong university dahil sa angking yabang at kilala din sya bilang isang campus bully, pero hindi ko maiitangi na gwapo sya at isa ang grupo na sikat dito sa aming lugar sa university na pinapasukan namin.
Nang matapos kaming kumain ay niligpit ko ang aming pinag kainan at dumiretso na sa aking kwarto para mag pahinga dahil gabi na rin naman at para maaga akong magising bukas dahil mamimili kami ng mga kaibigan ko ng gagamitin namin para sa darating na pasukan.
Pagkatapos kung maligo ginawa ko muna ang night routine ko bago ako matulog.
Humiga ako habang iniisip ko kung anong mangyayari pag pumasok na ulit ako sa university at unti unti akong dinalaw ng antok at tuluyan na akong nakatulog, and everything is black...
( ZEKIELCO KNOX POV)
Habang nag lalaro ako ng online games ay agad na may humatak ng headphone ko at alam kung si Mom iyon dahilan para mawalan ako ng focus sa laro.
"Ano ba Mom, any problem? ". Galit na asik ko kay mom.
" wala ka bang balak pakinggan ang mga sinasabi ko sayo, kanina pa ako nag sasalita pero hindi mo naman ako pinakikinggan! ". Galit na saad nito.
" anu bayun? ". Tanong ko sa kanya na medyo inis ang tono.
" kailangan mo nang mag handa para sa darating na pasukan". Saad nito na may kataasan ang boses.
"Mom I can handle my self, alam ko kung anong dapat kung gawin, hindi mo na kailangan pang paulit uliting sabihin sakin malaki na ako Mom at alam ko ang ginagawa ko". Mahabang lintaya ko at medyo galit ang tono.
Ganyan ako sa mga parents ko dahil medyo galit din ako sa kanila dahil puro trabaho na lang ang alam nila wala na silang time para sa akin kaya kanito nalang ako kung umasta s kanila , nag iisang anak lang nila ako dahil ataw na ni dad na sundan pa ako.
Bigla akong tumyo sa mini sofa at tumungo sa aking kwarto, padabog akong umakyat sa hagdan at hindi ko manlang pinakinggan ang hiyaw ni Mom sakin dahil nakakabingi na.
" Zekiel! Hindi mo ba ako papakinggan, sumosobra ka nang bata ka! ". Rinig kong hiyaw ni Mom bago ako tuluyang makapasok sa aking kwarto.
Pag dating ko sa aking kwarto ay pabagsak akong humiga sa aking malambot na kama dahil sa inis ko kay Mom. Iniisip ko kung mahal ba talaga nila ako dahil lagi na lang silang wala dito sa bahay at puro trabaho ang iniisip minsan panga inaabot pa sila ng taon bago makauwi dito sa bahay.
Nasa ganun akong pag iisip nang bigla akong nakaramdam ng antok. At tuluyan na akong nakatuloh...
____________Nagising ako sa tunog ng aking cellphone kinuha ko ito at mabilis na tinignan kung sino ang tumatawag.
Pag bukas ko nito nakita kong tumatawag si Jacques.
" hello? ". Saad ko sa kabilang linya.
" oh budd, mag kita tayo dito sa mansyon ko at may mahalaga akong sasabihin sayo". Saad ng nasa kabilang linya.
"Tsk, sege ang aga aga nang gigising ka! ". Saad ko na medyo may pagka inis sabay end ng call.
Mabilis akong bumangon at dumiretso sa baba para mag hilamos. Pag dating ko sa kitchen bumungad ang nag aalmusal na si Mom at Dad.
" Oh zikiel! Good morning, breakfast? ". Saad ni Mom.
Hindi ako sumagot at dumiretso lang sa sink at nag hilamos.
" Ganyan kana ba kabastos?! " . Galit na saad ni Dad sa akin. Pero hindi ko ito pinansin.
Hindi ako sumagot at akmang aalis na ako pero sinalubong nya ako at kunuhelyuhan at akmang susuntukin na ako nito pero pinigilan sya ni Mom. Kunting kunti nalang at lalapat na ang kamao ni Dad sa mukha ko.
"Hon, tama na! Naiintindihan ko ang anak natin, galit sya dahil madalang tayong umuwi ng bahay". Saad ni Mom.
"Bakit! Diba para din naman sa kanya lahat ng ginagawa natin". Lintaya naman ni dad na may pagkataas ang boses, sabay bitaw sa akin.
Matalim ko silang tinignan at iniwan silang dalawa na walang iniiwang salita.
At dali dali akong pumunta kina Jacques dahil sa sobrang init ng dugo ko sa mga parents ko.
Sumakay ako sa aking kotse at mabilis na umalis patungo sa mansyon ni Jacques. Pag dating ko dito ay pinagbuksan ako ng mga gwardya ni jacques at tuluyan na akong pumasok sa loob ng mansyon nito.
Pabagsak akong umupo sa single sofa sa mansyon ni jacques at nag cross arm habang nag iisip ng malalim.
" oh budd, andito kana pala". Saad ng isang baritonong boses na alam kong si Jacques iyon.
»»————> END OF CHAPTER 1<————««
WORK OF FICTION
GRAMMATICAL AND TYPOS ERROR AHEAD
DO NOT COPY
PLAGIARISM IS A CRIMEWritten by: Justin Wp Stories
BINABASA MO ANG
I BEACME A GIRLFRIEND OF CAMPUS BULLY
Romanceyou are have a permission to read this story..