Brittany's POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa tingin ko ay wala pa naman akong gagawin dito sa kwarto namin dahil malinis pa naman tapos wala pang klase. Hindi ko alam itutulong ko. Daldalin ko na lang sila para may masabing may ambag ako.
"Goodmorning!" masayang bati ko.
"Goodmorning too."
"Morning."
"Magandang morning!"
"Mas maganda ako sa umaga." pagdugtong ko sa mga sinabi nila. Pagkasabi ko noon ay nagtinginan sila sa'kin at biglang bumalik sa mga ginagawa nila. Hindi pa nga ako nakakatagal ng tatlong araw, may bashers na 'ko ka'gad.
"You lack of kain. Tara na rito, so you can eat na." para namang nanay ko si Presley.
"Sige sunod ako. Tawagan ko lang si mama."
Kinuha ko ang cellphone sa may drawer ko at nag-text kay mama. Malayo sa'kin 'yung cellphone ko dahil ayaw ko ng malapit. Nakakaapekto kasi sa pagtulog ko. Kapag malapit siya sa 'kin, natutukso akong mag cellphone at nagreresulta 'yon ng hindi ko pagtulog ng maaga. At isa pa, sa pagkakaalam ko ay nakakaharm din sa sarili kapag malapit ang cellphone sa ulo.
Nakatanggap ako ng text message galing kay mama noong tatawagan ko na siya.
From: Mamaganda♡
Gudmorning ank. Mag almusl k n. Twgan m ko kpag nbasa mo to. Ilabyu.
Madalas man kaming magtalo ni mama dahil sa kung anu-anong bagay, natutuwa ako sa fact na hindi pa rin niya nakakalimutan 'yung duty niya as a parent. Tumatayo siya bilang mama at papa ko and I'm very proud with that idea.
"Hi, mama, goodmorning! Kumain ka na?" pagbati ko kay Mama sa kabilang linya.
"Good morning, 'nak. Kakatapos ko lang mamili, magluluto pa lang ako. Ikaw? Kumain ka na?"
"Kakain pa lang, ma. Kakagising ko lang din po. Ibababa ko na, ma, sabay-sabay kasi kaming kakain. I love you, mwa! "
"Oh siya sige mag-iingat ka ha? Mahal na mahal kita. 'Wag kang magpapasaway. 'Pag nagpasaway ka, ipapabalik kita rito."
"Mama nam–" Tamo 'to si Mama, bastos. Sabi ko ako magbababa eh.
Matapos akong pagbabaan ni mudra, kinuha ko 'yung charger ko sa drawer at nagcharge malapit sa higaan ko. Kahapon ng umaga ko pa siya last na chinarge pero ngayon lang siya na-lowbatt. Maayos pa 'yung battery niya dahil maalaga ako sa mga gadgets ko. Ayaw na ayaw kong ginagamit 'yung cellphone or tablet habang nagchacharge dahil masisira yung battery. Hindi ko rin siya laging dinedrain. Mga twice a month lang dahil 'yon 'yung sabi ng lalaki sa store na pinagbilhan namin.
After magcharge ay pumunta na ako sa table at sabay sabay na kaming kumain.
"Nakapagluto ka na ka'gad, sere?" tanong ko.
"Ah hindi. Kinuha ko lang 'yan sa labas kanina nung turn na natin."
"Pa'nong kinuha? Bakit? Hindi pa ba pwede lumabas?"
"Everyday ay may schedule na sinusunod. Since bawal pa nating makita ang isa't isa, nakabase na lang kami sa time na i a allow kung anong oras kami pwede lumabas."
"Pero baka mamaya, buksan na nila dahil doon sa announcement kahapon."
Tumango tango na lang ako bilang pagsagot at tumuloy sa pagkain ko.
Matapos kumain ay dumiretso ako sa higaan ko at dumapa. Iniisip ko kung ano ba ang itsura ng mga magiging classmates ko. Mga mukha ba silang yayamanin? Mga rich kid? Or meron ding mga katulad ko? Mga mukha bang dyosa? Or chaka? Nahihiwagaan talaga ako sa school na 'to kung bakit kailangan pang hindi magkita kita. I mean bakit pa nila dine delay 'yung pagkilala ng mga students sa iba pang students. Hindi naman sa minamasama ko pero nagtataka lang ako.
BINABASA MO ANG
Euriam Academy
Fantasy"We give knowledge, give you thought, and we will never miss the challenge. Because we, Euriam, never fall down." Euriam Academy, School of the Chosen ones