Chapter One

26 0 0
                                    

"Hoy Analuz! Bumangon ka na nga diyan. Late ka na, oh."

Naalimpungatan si Anna sa malaking boses na iyon ng kanyang ate Cherie. Inaantok pa siya na bumangon at ginawa ang kanyang daily routine. Pagkatapos ay naligo na siya at nagbihis para sa kanyang trabaho sa isang hardware store bilang isang sales associate.

"Mabuti naman at nagising ka na. Akala ko wala ka ng planong pumasok sa trabaho mo." Bungad ng kanyang ate habang kumakain ng kanilang almusal.

Naupo siya sa harapan nito. "Kainis ka naman,eh. Ang ganda na kaya ng panaginip ko na 'yon."

"Hoy Analuz! Tumigil ka nga diyan. Ini-imagine mo na naman ang crush mo na 'yon. Ilang beses mo na bang ginahasa ang tao na 'yon sa panaginip mo?"

"Sobra ka naman. Dalawang beses ko pa nga lang napapanaginipan 'yong tao at walang maruming bagay na nangyayari sa amin sa panaginip ko ano. How I wish magkaroon nga kami ng love scene kahit sa panaginip man lang. At Anna Louise, ate, ang pangalan ko hindi Analuz."

Parang walang narinig na pinag patuloy lang ng kanyang ate ang pagkain. Hindi na rin siya nag salita pa at inubos na rin ang kanyang almusal, siya na ang nag volunteer na mag hugas ng kanilang pinag kainan,biniro tuloy siya ng kanyang ate na dapat araw-arawin na rin daw siyang dalawin ng kanyang crush sa kanyang panaginip. Napangiti naman siya sa sinabi na iyon ng kapatid. Hindi niya maimagine kung papano siya mabubuhay kung gabi-gabi ay nasa panaginip niya si Charli, siguro mas gugustuhin nalang niyang hindi magising.

Dahil sa isa siyang babae na full of hope sa buhay ngunit mahiyain ay natural na kay Anna ang mag imagine ng mga bagay-bagay. Katulad nalang sa mga plano niya sa buhay sa oras na makapag tapos siya ng kanyang pag-aaral sa kurso na Accountancy sa isa sa pinakasikat na paaralan sa Davao; buo ang desisyon niya na mag abroad para doon makipag sapalaran para sa kanyang mga magulang at mga kapatid, pati na rin sa kanyang magiging pamilya, kung pag bibigyan siya ng Diyos na makapag asawa. Kung nasa daydreaming mode siya ay malabo na mapansin niya ang ibang bagay sa kanyang paligid. Gumagawa kasi siya ng sarili niyang mundo kaya kahit naka sakay na siya sa isang PUJ ay hindi pa rin niya alintana kung sino ang sumasakay o bumababa dito. Minsan na nga siyang napag sabihin ng ate niya sa gawain niyang iyon baka raw manakawan siya na hindi man lang niya namamalayan.

Sa araw na iyon ay wala siyang ibang inisip kundi si Charli, kung ano ba ang mangyayari sa oras na ipag tapat niya na may gusto siya dito. Negative at positive ang pumasok sa isip niya: una ay baka sabihin sa kanya ni Charli na may iba itong gusto o di naman kaya ay hindi siya ang tipo nito. Umasim ang mukha niya sa isipin na iyon. Pangalawa ay naisip niya na baka may gusto rin sa kanya si Charli pero hindi nito masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman nito dahil nahihiya ito sa kanya dahil baka iniisip nito na kaibigan lang ang tingin niya dito. Lagpas tenga ang naging ngiti niya sa huling naisip. Naku! Kung iyon ay naging totoo ay siya na ang magiging pinaka masaya sa mundo. Sa wakas ay magkaka boyfriend na siya.

Nai-imagine na niya ang katuparan ng kanyang pangarap, dahan -dahan na siyang nag lalakad patungo sa altar suot ang kanyang dream wedding gown kung saan ay nag hihintay na sa kanya si Charli, ang lalaking magiging kabiyak ng kanyang buhay, ang lalaking magpapasaya sa kanya habang buhay at ang lalake na magbibigay sa kanya ng kalahating dosena na anak. Oo. Kakayanin niya ang ganoong karami na anak basta ba kasama niya ang taong pinaka mamahal niya. Pero bago pa man siya nakarating sa altar ay bigla na lamang siya naka ramdam na may umaapak sa kanyang kaliwang paa.

"Aray!" hiyaw niya sabay lingon sa taong umaapak sa kanyang paa.

Kumunot ang noo niya. "Aba ang kumag! Siya pa itong may ganang magalit eh siya na nga itong nang aapak." Napa isip niya nang mapansin ang masamang tingin sa kanya ng lalake na kulang na lang ay itulak siya palabas ng jeep.

Plain White T'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon