Chapter Two

12 0 0
                                    

Sabado. Late nang gumising si Anna kaya kasing bilis din ng alas kuwatro ang naging galaw niya. Hindi na siya kumain ng almusal. Siguradong mahihirapan na naman siyang makasakay dahil pick hour na. Napa kamot siya sa hindi pa niya nasusuklay na buhok, mali-late na naman siya, pipirma na naman siya ng memorandum. Pangatlong beses na niya iyon para sa buwan ng Disyembre. Kung magka ganun nga, naku, siguradong masu-suspended na siya.

Agad niyang pinara ang jeep na may signboard ng route niya pero kagaya ng kanyang inaasahan ay puno na kaya kumaripas iyon ng takbo. Panay tingin na siya sa kanyang wristwatch. Konte nalang ay mali-late na talaga siya. Pinag titinginan na siya ng kapwa niyang mga pasahero dahil sa pag dadabog niya. Ilang jeep na rin ang dumaan pero hindi pa rin siya nakakasakay.

Ilang minuto pa ang hinintay niya bago may jeep na huminto sa harapan niya, laking pasasalamat niya dahil may matabang babae na bumaba. Sasakay na sana siya ng biglang may nag overtake sa kanya na estudyante, pinababa tuloy siya ng ibang pasahero dahil puno na raw pero hindi niya iyon pinansin. Nakisiksik pa rin siya sa upuan.

            "Hoy, bata. Usog ka nalang ng konte, ako naman itong naunang pumara sa'yo." Pagma makaawa niya sa estudyante. Pero parang walang narinig ito na nilagyan pa ng headset ang mga tenga.

Biglang huminto ang jeep at nilingon siya ng driver.

"Miss, puno na. Bumaba ka na at baka mahuli pa ako dahil sa'yo."

Lumingon siya sa kanyang pinang-galingan. Malayo- layo na rin ang tinakbo ng jeep. Siguradong mas lalo siyang mahihirapang makasakay doon.

Hindi pwede!

Maluha- luhang binalik niya ang kanyang paningin sa mga pasahero para muling maki-usap na umusog. Inisa –isa niyang tiningnan ang mga ito, humihingi ng simpatya, ngunit walang kumilos. Tutulo na sana ang mga luha niya ng bigla niyang ma- familiarized ang isang lalake na naka upo sa bandang kanan na sa labas naka tingin. Tulad noong isang lingo na naka sabayan niya ito ay seryoso pa rin ang pagmumukha nito at malalim pa rin ang iniisip. Pero wala na siyang pakialam kung pati ang pag muni-muni nito ay ma isturbo niya. Desperada na talaga siya.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at tinampal ang hita nito. Nagtataka naman itong tumingin sa kanya. Patay. Parang hindi yata siya nito naaalala.

            "Naku! Bahala na nga." Napa isip niya.

            "B-babe? Babe! Ikaw nga! Oh my god. Bakit hindi mo man lang ako pinansin? Kanina pa kaya ako dito." Bago pa man may masabi ang binata ay nangahas na siyang umupo sa kandungan nito sabay yapos dito. "Ikaw, ha. Siguro may kasama kang ibang babae kaya hindi mo ako pinansin." Lumingon siya sa katabi nitong bakla. "Ay, hindi ko alam na iba na pala ang gender preference mo ngayon. Kailan lang ito, babe? Noon bang kinilabit mo ako noong isang gabi at hindi kita pinag bigyan? Hindi ko alam na sex lang pala ang bumubuhay sa ating relasyon." Mahaba- haba niyang lintanya.

Hindi man lang tumugon ang binata. Kahit pa hindi naka-rehistro sa mukha nito ang galit ay hindi pa rin niya alam ang tinatakbo ng isipan nito.

            "Baka galit na si sungit."

Hindi rin nagtagal ay nakuha na niya ang sagot sa tanong niya; matamis itong ngumiti sa kanya at hinarap ang driver.

            "Diretso na tayo, nong." Binalik nito ang paningin sa kanya. Napasinghap siya ng maramdaman niya ang kamay nito sa kanyang bewang. Bigla siyang kinabahan ng ngumiti ito. "Babe, sa pagkaka-alala ko ay wala pang nangyayari sa atin at hindi pa tayo nagtatabi sa pagtulog. Baka ibang lalake ang kasama mo noong nag-daang gabi at kumalabit sa'yo."

Tumingin siya sa paligid, naka tingin na sa kanila ang iba pang mga pasahero. Ang iba ay masama pa ang pinupukol na tingin sa kanya. "Hindi mo natandaan na nalasing ka nun at kumatok sa boarding house ko? Babe, ha, Huwag mo naman akong gawing sinungaling." Hinaplos pa niya ang mukha nito para maging convincing lang ang kanyang pag-arte. "Alam mo namang mahal kita kaya hindi ko talaga magawa ang ipag palit ka sa iba." Dugtong pa niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Plain White T'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon