Chapter 1

36 0 0
                                    

Zion, synonym ng happy, Rancor, kabaligtaran ng love. Di ko alam kung bakit ganun ipinangalan sakin ng nanay ko, wala pang nagkwento sakin ni isa kung anong nangyare bago ako nabuo at kung bakit naging ganun pangalan ko.

Hay, kahit naman anong gawin ko ganun na pangalan ko. Wala ng magbabago. Siguro tinadhana na rin siguro na ganun ang pangalan ko, nakakaramdam nga ako ng saya pero walang pagmamahal. Nakaramdam ako ng pagmamahal pero bat walang saya? Bat puro sakit? Wala namang synonym or antonym ng sakit sa pangalan ko.

Sakit? Dat yun na lang pinangalan sakin e. Puro sakit lang naman nararamdaman ko. Lalake ako pero masama bang mag-drama, babae lang ba dapat? Pag babae ang nagsasabi ng nararamdaman nila, ramdam nyo yung sakit, naiintindihan nyo. Pero bat kaming mga lalake inaakala nyong bakla? Tao lang din naman kami, nakakaramdam ng sakit. Minsan kinikimkim dahil ayaw naming magmukhang mahina sa harapan ng iba. Pero minsan talaga umaabot na sa puntong, sasabog ka na...

"Zion! Bumaba ka nga dito!" Sigaw ni mami. Di sya tunay kong nanay, kapatid sya ng nanay ko, sya nag-alaga at nagpapa-aral sakin. Medyo may kaya kami dahil may dalawa kaming canteen na hinahandle. Galing sa taas, syempre bumaba ako dahil baka mabugbog ako ng di oras ni mami.

"Bakit?" Tanong ko bago ako makatapak sa huling baitang ng hagdan. Di ganun kalaki ang bahay namin. Sakto lang, dalawang palapag tas may terrace, sakto lang para samin dahil onti lang naman kaming nagstastay dito. Kasi umuuwi sila mami at iba kong pinsan sa manila.

"Ano 'tong sinusumbong sakit ni ante ha? Anong oras ka nanaman umuwi kagabi?" Medyo pasigaw na sabi ni mami. Medyo lang naman.

"Nag basketball lang po kami sa condo ng tropa ko. Nagkatuwaan lang po kaya medyo napatagal, di namalayan yung oras." Paliwanag ko kay mami dahil yun naman ang totoo.

"Nako, Zion! Malaman-laman ko lang na nakabuntis ka, ititigil ko ang pagpapa-aral sayo." Palihim akong nagbuntong hininga.

"Girlfriend nga ho wala ako, paano ako makakabuntis."

"Aba, sumasagot ka pa!" Ayun, pinagalitan ako. Si mami yung kilala kong maingay na tomboy, parang babae! Ay... teka, babae nga pala sya. May karelasyon si mami, si Tita Yna, mabait sya. Pero di ko sya close.

"Oh, Zion, Jazz, wag nyong bibigyan ng sakit ng ulo si Tita Vilma nyo! Pati si ante. Tsaka utang na loob, kumilos kayo dito sa bahay. Wag kayo puro gala! Puro internet! Malapit ng matapos ang bakasyon kaya utang na loob, umayos kayo! Habang bakasyon eh tumulong kago dito sa gawaing bahay." Sabi ni mami samin, inabutan nya rin kaming pera para may pera kami hahahaha. Galante si mami, pag nanghingi kami ng pera, binibigyan nya agad kami. Pero mas gusto kong manghingi ng pera kay lola. Sa kapatid ni ante, si lola Stella yun yung nanay ni mama at syempre nanay din ni mami at ni ma (Tita Vilma) at iba pa nilang kapatid.

"Opo." Sabay na sabi namin ni Jazz. May pagka-boyish din si Jazz. Puro lalake kasi kaibigan. Mga tatlo yata tomboy samin sa pamilya pero lahat sila may mga ka-relasyon. Si Jazz lang wala. Buti pa sila masaya at puno ng pagmamahal yung relasyon... bat ako? Hays.

"Zon, mamimili kaming groceries ni tita peng, sama ka?" Tanong ni Jazz sakin pagka-alis nila mami.

"Yoko, katamad." Sabi ko habang inaayos yung xbox, it's time to play bibeh!

"May ipapabili ka?" Biglang sulpot ni Tita Peng. Si Tita Peng, anak ni ante. Sa may dulo ng street na 'to nakatira. Mga sampung hakbang lang mula sa bahay namin, andun na bahay nila. Maliit lang, kasya na para sakanilang lima. May tatlo kasi syang anak.

"Balik nyo sukli!" Medyo sigaw kong sabi pero putragis malapit lang naman si peng sakin.

"Hoy sira ulo ka, si Tolits ang hindi nagbabalik ng sukli!" Sabi nya kaya natawa ako. Si Tolits, kapatid nya. Pero hindi dito nakatira sa malapit saamin, taga Pasig din sya pero hindi dito.

"Gago ka, sumbong kita e." Oo, tita ko sya pero normal na sakin na minumura ko din sila. Laking kalye din kasi ako, di ako katulad ng mga kaibigan kong iba mayayaman. Medyo asal kalye din ako haha, proud ako dun! Dito ako lumaki sa pasig kung saan puro tambay din, pero proud din ako dun! Sana lang yung magiging girlfriend ko maging proud sakin...

"Oh ano ba ipapabili mo?" Tanong ni Tita Peng. Kinuha ko sa wallet kong tag-10 yung 1k. 3k kasi bigay ni mami, puro 1k. Kaya 1k lang maibibigay ko.

"Pagkain malamang." Sabi ko saknya sabay abot ng pera, kinuha nya 'to.

"Worth 200?"

"Oo, sge. Alam mo naman lagi kong kinakain."

"O'sge." Bago sya lumabas ng gate ay sumigaw ako.

"Hoy sukli ko ha!"

"Oo, tarantado!" Natatawa nyang sabi.

Hay... kailan kaya ako makakahanap ng taong tatanggap sakin? Tumawa na lang ako ng mapait sabay iling, pinagpatuloy ko na lang yung pag-aayos ng xbox kesa kung ano-ano iniisip ko.

===
I really love my plot! 💖

PS: DI PO SAKIN YUNG COVER SO CREDITS SA OWNER NUNG PICTURE, PAPALITAN KO DIN AGAD YAN, THANK YOU!!

Chasing the BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon