Bat kaya ang init pag gumigising ako? Yan ang unang naisip ko, bwiset kasi. Tanghali nko nagigising ang init pa! Yun pala patay lahat, patay aircon kahit electric fan patay. Ang bait ni Jazz tragis talaga. Yung kwarto ko kasi inaayos pa kaya wala pang aircon kaya dito ako kela Jazz at Lma (Tita Vilma) nakikitulog. Kaso sa sobrang bait nila, sa sobrang pagtitipid sa kuryente, pati electric fan pinapatay. Aba bwiset na tunay.
Tumayo na ko para kumain, for sure may pagkain na sa baba. Kaso pagbaba ko, si Jazz lang nakita ko. Kaya tinanong ko sya kung nasaan si ante at Lma.
"Nasan si Lma?" Tanong ko sakanya kaya napatingin sya agad sakin.
"Pumuntang Maynila." Huh? Luh?
"Pagkain?"
"Wala." Sagot nya na nakapagtaka sakin.
"Huh?" Tumingin sya sakin.
"Walang iniwang pagkain si Tita, pero magluluto na si Peng mamaya. Wait lang daw." Nubanamanyan, gumising na nga ng mainit ang paligid, wala pang pagkain!
"Tubig?" Tanong ko kaya napatingin ulit si Jazz sakin.
"Ano yun?" Takang tanong nya haha.
"Baka wala ring tubig ah?" Sakrastiko kong sabi.
"Hahahahaha gago." Oo, sweet namin diba. Ganyan kami magmahalang magpipinsan.
Habang nagkakalkal sa ref ng pwedeng makain, naalala ko nga palang nagpabili ako ng pagkain kay Peng kaya umakyat ako sa taas para kunin yung pagkain ko baka mamaya langgamin o dagain e. Sayang. Pababa na sana ako ng tawagin ako ni Jazz.
"Oy, Zon! Bumaba ka dito may naghahanap sayo!" Di naman ganun kalakihan bahay namin, sakto lang kaya pag sumigaw yung nasa baba, rinig dito sa taas kaya ang hirap matulog pakker.
"Ikaw po ba si Zion Rancor Romero?" Tanong ng parang taga-bigay ng sulat o baka taga-bigay talaga ng sulat.
"Ah, oho."
"Ano po apelyido nyo?" Eh bat ang daldal mo, de joke lang.
"Torch ho." Sagot ko kahit medyo naiirita na ko dahil tumitingin sakin yung manyak na baklang kapitbahay namin. Topless kasi ako. Eskinita kasi 'to, magkakaharap yung mga bahay, ayun pag minamalas ka, magkaharap bahay namin nung baklang may gusto sakin.
"May sulat po kayo galing sa Stately University." Sabay abot nya ng sulat.
"Uy wow, tignan mo nga naman Jazz oh, pati university nagkaka-gusto sakin. Aba, pinadalahan pko ng love letter!" Sabay kuha ng sulat kay kuyang tumatawa tas pumirma na rin ako sa papel na pinakita nya.
"Feelingero ka rin eno?" Sabi nya.
"Alam mo Jazz ang ganda mo e, sayang ganda mo, maghanap ka ng lalake! Lumandi ka, tulungan pa kita gusto mo?" Excited na sabi ko saknya kaya ayun ang ending, binato ako ng throw pillow.
Nilapag ko muna sa lamesa yung sulat dahil nagugutom na talaga ako. Romero, middle name ko. Apelyido ni mama, kinasal kasi sila ni papa kaya Torch yung apelyido ko. No choice kahit gusto kong Romero apelyido ko, wala akong magagawa. Pero kilala ko dito saamin bilang Romero. Kaya siguro tinanong ni kuyang taga-bigay ng sulat apelyido ko. Gago kasi tatay ko e. Iniwan ako. Iniwan ako pagkamatay ng nanay ko.
Bat ganun? Ano bang meron sakin at lahat ng tao e ayaw sakin. Kahit kaibigan ko, may lihim na galit sakin. Alam ko yun, lalake ako kaya ramdam ko yun. Mga tita ko di na nagtitiwala sakin. Yung mama ko na kaisa-isa kong kakampi sa mundo, iniwan pa ko nung 2 years old pa lang ako. Yung tatay ko naman na sana eh nag-aalaga rin sakin ngayon, iniwan ako. Haha, pare-parehas nga kami ng storyang magpipinsan. Lahat iniwan ng magulang. Kaya eto, yung tita naming walang asawa na si Tita Vilma tsaka si mami ang nag-aalaga samin. Buti na lang talaga may tita kaming napaka-bait, madaldal lang hehe.
Kumakain ako ng oreo, puta ang sarap kasi neto hayup. Habang umiinom ng malamig na smart c, favorite ko! Hu shet, sarap lalo na pag lemon flavor. Kumakain ako habang nanunuod ng tv since si Jazz ang umakyat para mag laptop kaya nanuod na lang ako ng tv. Naalala ko yun sulat ng Stately University. Baka di ako nakapasa puta!
Kinuha ko yung sulat sa lamesa. Ho shet kinakabahan ako. Pagkabukas ko ng envelope tangna nag-sign of the cross ako. Baka atakihin ako sa puso, gusto kong mag-aral sa school na yan! Dyan mag-aaral mga tropa ko e.
Congratulations! You passed the exam! You can now enroll for this semester.
Yan, yang ang nakita ko agad. Putek! Pasado ako tangna! Masabi nga sa best friend ko 'to putangna!
To: Patrick
Bes! Pasado ako sa exam sa SU! Hu putangna!
Sent 1:23pm
From: Patrick
Oy putangna bes parehas tayo! Hu gago tara bball.
Received 1:24pm
To: Patrick
Pass muna pre. Punta muna akong Ugong, henge akong pera kay doy, para may pera ako. Mag-eenroll nko bukas.
Sent 1:26pm
From: Patrick
Sabay na tayo bes. Kami rin ni Arisse mag-eenroll na bukas e.
Received 1:27pm
To: Patrick
Sge pre.
Sent 1:27pm
Oo, bes tawagan namin minsan, bat ba. Hokage e hahahahahaha. Pero shet Stately University! Magkakatagpo na tayo! Oh yes chikababes!
==
Sana may magbasa meghed. Hahahahaha.
BINABASA MO ANG
Chasing the Bliss
Teen FictionWhy two people who are in love can be just happy? Chasing your own bliss is not easy. You need to face the reality before you experienced the true happy ending...