SIMULA

224 2 0
                                    

Reminder: This story is just work of fiction and what you read about is just the author's purely imagination, and if there's any resemblance of the persons or places you read is just coincidental. Please forgive me if you read any grammatical errors.


Sunshine

"Good morning papang! Good morning mamang!" Bati ko sa magulang ko pagkababa ko.

"Good morning anak." bati nila pabalik sa akin.

"Alis na po ako!" Paalam ko.

"Mag iingat ka anak."

Sumakay na ako sa motor ko at nag drive na papuntang kumpanya. Kung saan ako nagta-trabaho bilang tourist guide.

"Mabuhay! Welcome to the place of a very very approachable people! Walang iba kun'di ang Pampanga! We are your tour guide for today." bati namin sa mga turistang iba't iba ang mga lahi.

"Sunshine, sa'kin na si kano." bulong ni Cheska sa akin habang nginunguso ang isang foreigner na pogi.

"Edi sa'yo na." sagot ko naman at namigay na ng mga paper fliers.

"Mhie, ikaw daw ang tour guide nong pogi." saad ni Sienna at tinuro 'yung isang morenong lalaki.

"Alis na kami ha? Ikaw na bahala diya'n." paalam niya.

Tumango naman ako at nilapitan 'yung lalaki. At gagi, mas pogi siya sa malapitan. Matangkad siya na payat, hanggang balikat niya lang yata ako eh.

Tumikhim ako. "Good day sir, I'm Sunshine, your tourist guide for today."

Hindi naman ako nito sinagot, nakatuon lang ang paningin niya sa fliers.

Ang suplado naman nito.

"I want to go here." turo niya sa bundok Arayat.

"Sure ka diya'n sir? Mag h-hiking tayo. Kaya mo ba?"

"Of course I can, anong akala mo sa'kin lampa?"

"Luh, concerned lang ang tao eh." bulong ko.

"What did you say?" Kumunot ang noo niya.

"H-ha? Wala, sabi ko tara na at mag hiking. Pero wait mo muna ako sir ha? Mag papalit lang ako." paalam ko at iniwan na siya.

Naka pantalon at t shirt kasi ako, kapag gustong mag hiking ng mga tinu-tour namin ay nagsusuot kami ng sports leggings at long sleeve, pero minsan pwedeng mag jacket. Kasama sa uniform namin 'yon.

After ko mag palit ay nilapitan ko na ulit siya.

"Let's go sir! Ipapakita ko na sa'yo kung gaano kaganda at presko ang lugar namin." sabi ko.

Tinanguan lang naman niya ako at nauna ng lumabas.

"Kailangan muna natin sumakay ng tricycle para maka punta doon." sabi ko at tinuro ang loob ng tricycle.

Pagkapasok niya ay sumakay na ako sa likod.

"Ka pogi na ning t-tour mo ne Sunshine?" Saad ni Mang Boy habang nasa biyahe kami.

(Ang pogi ng tinu-tour mo Sunshine.)

"Ma pogi yapin, oneng masungit ya!" sagot ko naman.

(Ang pogi nga, pero ang sungit!)

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa Mount Arayat.

"Salamat bapang Boy!" Saad ko.

"Here's my bayad kuya." saad ni pogi.

'Di ko pa pala natanong ang pangalan niya shuta.

"Nako, wala akong pang sukli hijo."

"Keep the change nalang po." nginitian niya si mang Boy.

Okay, masyado akong naging judgemental kanina.

"Nako, salamat!"

Nang makaalis na si mang Boy ay nagsimula na kaming naglakad patungo sa bundok. Siyempre nauuna ako.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko habang naglalakad sa malubak na daan.

"Sky." tipid na sagot niya.

"Ah... Bakit pag h-hiking ang inuna mo?" Tanong ko ulit.

'Yung iba kasing tinu-tour ko ay pagkain agad ang hinahanap nila. Minsan sa plaza naman, bumibili ng kung ano-ano.

"I just want to."

"Alam mo ba, kapag daw sinubukan mong i-uwi ang mga bungang kahoy dito ay hindi mo na matutunton ang daan palabas? Pero kapag binalik at iniwan mo naman ay muli mong matutunton ang daan pauwi. At kapag daw naabutan ka ng gutom habang umaakyat ay pwede kang pumitas ng mga mga bungang gusto mo dito." kwento ko.

Nilingon ko siya, tahimik lang naman siyang nakikinig. Ingat na ingat pa siya sa pag hakbang na akala mo makakaapak ng patibong kapag namali siya ng tapak.

"Ang presko ng hangin no?"

"Yeah."

"Mas magiging presko pa 'yan kapag nakarating na tayo sa tutok."

"Wait, can we stop? I'll just drink a water." hingal na sabi niya.

"Okay." sagot ko naman at uminom din ng tubig.

Ang bilis naman mapagod nito.

"Okay ka lang?" Tanong ko nang mapansing bumibilis ang pag hinga niya.

"Y-yeah." sagot niya habang may kinakalkal sa bag niya.

Ay gago may asthma yata siya! Umupo ako sa harap niya at tinulungan siyang magkalkal. At nang mahanap ko ang inhaler niya ay pinasubo ko sa kanya 'yon. Huminga siya ng malalim, hanggat sa dahan-dahan nang nagiging normal ang pag hinga niya.

"May asthma ka? Bakit hindi mo sinabe?"

"You didn't ask me."

Nakuha pang mamilosopo amp.

"Sir, gusto mo na bang mamatay? Alam mo naman palang may asthma ka. Bakit ka pa nag hiking?" Napatampal ako sa noo ko.

Ako ang malalagot kapag may nangyaring masama dito kaya todo ang kaba ko kanina.

"Bakit mo ba ako sinesermonan? Are you my mother? You know what... You can leave me here. I can handle my self, hindi ko kailangan ng tour guide." tumayo na ito at sinuot ang bag niya.

Inambaan ko naman siya ng suntok nang tumalikod ito. Concerned lang 'yung tao eh!

"Hoy! Hintayin mo 'ko baka maligaw ka!" Sigaw ko nang mauna siya sa akin.

Para naman itong bingi, dahil hindi niya ako pinansin. Ang tigas ng ulo nito ah.

Kaya naman inayahan ko siyang mauna sa'kin. Tinitignan siya kung saan siya pumupunta.

"Oh hindi diya'n." sabi ko at nagpauna sa kanya.

Hindi niya ako sinagot, kaya hindi na din ako nag salita hanggang sa makarating na kami sa tutok ng bundok. Mula dito ay tanaw na tanaw namin ang napaka gandang lugar ng Pampanga.

Itinaas ko ang kamay ko at ipinikit ang mata. Ninanamnam ang simoy ng hangin. Pero napamulat din nang makarinig ako ng click nang camera. Nilingon ko si Sky na may hawak na camera.

"Pinipicturan mo 'ko? Sabihin mo lang, para makapag pose ako." nginitian ko siya.

"Tss. Ang view ang pinipicturan ko, hindi ikaw." pagsusungit niya.

"Ang sungit."

"Tumabi ka nga, pinapapangit mo ang view eh."

Aba, gago 'to ah.

"Ang harsh mo sa'kin." pinanliitan ko siya ng mata.

Hindi na naman niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagkuha ng litrato. Pagkatapos ay may kinuha siyang parang diary sa bag niya. Pasimple akong tumingin doon.

Places I'll go to before I die:

Die? Mamamatay na siya?

Pansamantala (A DONBELLE SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon