XXXXXXXXXX Someone's POV XXXXXXXXXX
Tumatakbo siya sa dakong hindi niya alam. Basta ang nais niya lang ay makalayo sa taong humahabol sa kanya. Hanggang napadpad siya sa puso ng gubat. Tahimik lang siya dahil wala na siyang lakas na loob na magsalita pa. Animo'y umorong na ang kanyang dila at nanginginig na sa takot- sa takot na patayin ng taong humahabol sa kanya.
Wala na siyang lakas pa para tumakbo palayo sa taong naka itim na paparating sa kanya at may dalang patalim.
"W-w-wag… a-a-ayaw k-k-ko p-pang m-mamatay..." pagmamaka awa niya sa taong nakaitim yun.
"Dont messed up with the young merciless princess." sabi ng taong may espada at wala awang pinatay ang taong nasa harapan niya. Lasug-lasog ang katawan ng taong pinatay niya. Yun bang hindi na makikilala ang katauhan nito.
Bakit ba kasi humantong sa patayan ang nangyari? Ano ba ang kasalanan ng taong yun sa may espadang naka itim? Kailangan na bang matakot ang lahat sa kanya? Anong mangyayari sa mundong puno ng karahasan? Magtatagumpay ba ang kasamaan o ang kabutihan sa hinaharap? Kahit ganun ang nangyari, patuloy pa rin umiikot ang mundo animoy walang nagaganap na masama sa laban nayan. Kung saan namumuhay ang isang mahalagang tao sa balat ng lupa.

BINABASA MO ANG
Stare of a Young Merciless Princess
RandomThis is a fiction story and I hope you will enjoy reading it. The characters in this story have no existence, even the events portrayed and the whatsoever outside world of the author's imagination. There are no relation to anyone having the same nam...