Chapter 7

179 4 0
                                    

Third Person's POV

"Putang ina mong kumag ka! Ilabas mo ang kapatid ko, Sovetski! Minor pa lang iyan!" Sigaw ni Vaughan habang nag mamadaling pumasok sa bahay ni Maverick na walang kamalay malay na natutulog sa mga hita ni Ginevia

ng maka pasok na sila ay pinipigilan pa nila Klaus at Orson habang tumatawang sumunod sa kanila ang magkambal na Issoire, tahimik naman ang ibang naka sunod sa kanila maliban kay Zyair na nakangiti pa

"Huminahon ka nga, Vaughan!" Naiinis at naiiritang sabi ni Orson kay Vaughan na ngayon ay halos mag ka dikit na ang mga kilay dahil sa kanina pa naka kunot ang noo nito

"Tangina! Tell me how to calm down! Baka ano pang gawin ni Maverick sa kapatid kong minor de edad!" Hindi makapaniwalang sabi ni Vaughan kay Orson na binatukan siya sa ulo, kanina pa gigil na gigil si Orson sa kaniya.

"Alam mo naman ang ugali nong gagong yon diba!? Hindi niya pa kukunin ang bataan ng kapatid mo dahil wala pa siya sa wastong edad! Kaya huminahon ka na! Nakakairita kana paputukan kita ng bala sa ulo mo!" Iritang sabi naman sa kaniya ni Orson, napatawa silang lahat maliban kay Klaus na nakangiti parin

"Okay okay, fine! Tangina naman kasi! Ngayon, hanapin na natin yung gugong nayon, baka ano pang gawin niyang di maganda sa kapatid ko!" Iritadong sigaw ni Vaughan sabay kalas ng mga kamay nila Orson at Klaus na nakahawak kanina sa kaniya para pigilan siya

Napansin nila ang isang butler ni Maverick na kannina pang nakatayo sa isang sulok habang pinapanood ang mga halaman at mga ibon sa labas kaya lumapit si Klaus dito upang mag tanong

"Hello!" Masiglang bati ni Klaus sa Butler, kaya napatingin naman ang Butler na iyon kay Klaus ng seryosong mukha

"Hi" maikling bati nito sa kaniya, gamit ang walang emosyong boses nito, napansin ni Klaus na may baril ito sa left side ng pants nito na isina walang bahala niya. Normal lang sa kanila dahil lahat naman ng mga butlers sa bahay ni Maverick ay merong mga hand pistols na nakalagay sa Left side pants ng uniform nila

"Where's your boss, Maverick?" Nakangiti pero seryosong saad naman ni Klaus sa butler na biglang tinuro ang likod bahay kung saan merong maraming mga puno at kung ano ano pa

"They're in the garden. Mister Sovetski and Miss Alexander is in the Garden, having a nice picnic date" sabi naman ng Butler kaya napa tango nalang si Klaus dito at nag pasalamat. Umalis narin ang Butler na iyon. Dahil sa narinig ay sinabi naman ni Klaus na nasa Garden daw si Maverick kasama ang kapatid ni Vaughan na si Ginevia

"Ano!? Picnic Date!?" Gulat na sabi ni Vaughan kay Klaus na tumango sa kaniya habang pinipigilan ang pagtawa nilang lahat

"Oo pre, ano? Punta na ba tayo sa Garden?" Nakangising sabi ni Klaus, gusto niya makita kung ano nga bang ginagawa ni Maverick at Ginevia sa Garden. Para may pang plano din siya kung pano mag picnic date kay Amity

"Sige! Sugudin na natin!" Sabi naman ni Alverick at walang pasabing tumakbo papunta sa pinto na papasukan para maka punta sa Likod bahay ni Maverick, binuksan niya ang pinto at nagulat sila ng makita ang dalawa na nag papahinga lang sa lilim ng puno, doon sila nag-set up ng paglalagyan nila ng mga pagkain nila. habang napansin nilang naka higa si Maverick sa mga hita ni Ginevia, natutulog ito habang si Ginevia naman ay hinahaplos haplos lang ang ulo ni Maverick

Medyo malayo ang distansya ng bahay sa punong pinag p-picnic date nila Maverick at Ginevia kaya hindi nahalata ni Ginevia na may naka lingon pala sa kanila

"Anak ng..." Bulong ni Vaughan ng makitang biglang niyakap ni Maverick si Ginevia kahit naka higa pa ang ulo nito sa mga hita ni Ginevia na biglanng ngumiti ng makitang gising na si Maverick

"Gago may sweet side pala iyong kaibigan natin ah HAHAHA" sabi naman ni Alerick at mahina pang natawa habang pinapanood na nag-uusap na si Ginevia at Maverick, pero pansin nilang hindi hindi pa binibitawan ni Maverick si Ginevia, naka yakap parin ito sa kaniya

"Bahala na kayo jan! Susugurin ko na sil--!" Hindi na natapos ni Vaughan ang sasabihin ng piningot ni Atlas ang ilong niya at tinignan siya ng masama

"Huwag mo munang istorbuhin. Ngayon ko na nga lang makita na ganiyan ka sweet si Maverick kasama yung kapatid mo habang nag p-picnic date, guguluhin mo pa?" Nakangising sabi ni Atlas kaya walang magawa si Vaughan. Feeling niya kasi pinag tutulungan siya ng mga kaibigan niya

~•~•~
Ginevia Virah Sean Alexander's POV

Nakangiti ako habang sinusubuan ako ngayon ni Maverick ng grapes, ganon din naman ako, sinusubuan ko siya ng aking pagmamahal-- Este, slice ng apples na hiniwa ko para sa kaniya kanina

"Masarap ba?" Tanong ko kay Maverick na nginunguya ngayon yung slice ng apple na sinubo ko sa kaniya kanina, napangiti naman si Maverick ng matamis bago hagkan ang pisngi ko na nagpsngiti sakin at nag pakilig pa lalo

"Of course, it taste good. You were the one who prepared and sliced it for me, so it was perfect and delicious" sabi niya kaya napatango nalang ako at ginaya ang ginawa niya din kanina, hinalikan ko din siya sa pisngi niya. Napansin kong namula yung gilid ng tenga niya at pilit niyang tinitigilan ang ngiti niya

"Ang ganda mo, alam mo ba?" Nakangiting sabi ni Maverick na mas lalong nag pa kilig sa kaniya.

"Oo, alam ko na iyan since birth" nakangising sabi ko sabay flip ng buhok ko habang tumatawa, kaya napatawa nadin si Maverick sa sinabi ko

"Kahit naman di mo na sabihin yan maganda ka naman talaga" sabi ni Maverick sa kaniya sa seryoso pero may halong pagmamahal ang boses kaya piningot ko na ang ilong niya sa sobrang kilig

"Ano ba! Tigil tigil mo yang kalandian mo Maverick!" Nahihiyang sigaw ko kay Maverick na tumawa sabay haplos ng pisngi ko na nag patigil sakin

"Pero seryoso ako, Ginevia, ang ganda mo kahit saang sulok ng anggulo ako nakatingin sayo." Sabi ni Maverick saakin kaya bigla akong nanghina sa mga binitawan niyang salita, napansin kong nakatingin si Maverick sa labi ko kaya napa lunok ako ng dahan dahan nalang ay mag lalapat na ang aming mga labi..

Kaunti nalang! Sige lapit na! Go na para ma taste mo ulit yung heave--

Napatigil kami ng biglang may humatak kay Maverick kaya na pa singhap si Maverick, nakalingon lang naman ako at nakita ko ulit sila Alverick, Alerick, Orson, Klaus, Zyair at Felix. May kasama silang dalawang lalaking hindi niya kilala pero nakaka sigurado siyang kaibigan din ito ni Maverick

Pinipigilan niya ang tawa niya ng biglang niyakap ng mga ito si Maverick maliban kay Klaus at dun sa dalawang lalake

"Tangina pare! Hindi namin alam na meron kang sweet side!"

"BAKA RICKI YAN!"

"CONGRATS PRE, IKAW NA ANG PRESIDENT NG MARUPOK CLUB"

"RICKI FOREVER SANA ALL"

Nakita kong napa lingon si Maverick sakin at ngumiti, kaya rin ako sa kaniya pabalik. Napansin ko ang isang lalaking kasama nila na kanina pa nakatingin sa akin

"Ginevia?" Sabi nito sa mahina ngunit sapat na narinig ko iyon kaya napatango ako sa kaniya

"Paano niyo po ako nakilala??" Takang tanong ko, nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit

"Tangina! Finally i found you, My Sister!"

WHUAAATTT??!!!

~•~•~
New chap<3

By the way kaya "Ricki" ang naisipan kong love team name ni Maverick at Ginevia kasee...

GINEVIA + MAVERICK = RICKI

yun langg, stay safe everyone<3

Facebook: Precious Nicole Gammad Caranto
Twitter: PreciousCMTC
Instagram: stitch.ilystich
Neobook: CallMeTeacherCheeze

OBSESS MEN SERIES 1: Maverick's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon