i

7 1 0
                                    


∞ i ∞



"Losing you was the least thing we expect."



Ang aking ngiti ay napalitan ng nguso nang marinig ko iyon mula sa bibig ng aking Mama. Tinutulungan nila ako ni Papa sa aking bagahe pero mukhang labag na labag sa kanilang sarili na gawin iyon, kahit pa pinayagan naman na ako.



"Hindi naman po ako talaga lalayo sa inyo, Ma..." Mahinang sabi ko para hindi na malungkot ng masyado si Mama.



"We know, but you're our baby, darling."



Naiintindihan ko naman ang punto ni Mama. Ako lang ang tanging anak nina Mama at Papa, at tinuring pa akong 'miracle baby'. Hindi naman talaga kaya ni Mama na magbuntis, pero nabuo naman ako...



"Ayos lang po 'yon, Tita!" Napalingon ako sa aming likod at nakita ang aking mga kaibigan na kanina pa naghihintay sa amin. Malapit ko nang makalimutan na naghihintay pala sila sa akin, kung hindi lang nagsalita si Lavy. "Nando'n naman po kami! Babantayan po namin palagi si baby girl!"



Lumawak ang aking ngiti sa sinabi ni Lavy. Sa ganoong paraan ay alam kong mapapayag ni Lavy sina Mama at Papa.



"Mag-iingat kayo sa dorms niyo, especially you, Sol... It's your first time being independent," nginitian ko ang aking Papa at niyakap sila nang mahigpit.



"Mabibisita niyo naman po ako roon," nakangiti kong saad sa kanila habang hindi ako binibitawan mula sa kanilang mga yakap.



"We'll definitely do that, darling," niyakap ko si Mama nang mahigpit bago bumitiw. Hinalikan ko muna sila sa kanilang mga pisngi bago nagpaalam habang dala-dala ang aking mga bagahe. Tinulungan naman ako nina Chaos at Lavy doon.



"Paalam na po, Mama, Papa," kinaway ko ang aking palad sa kanila, nagpapahiwatig na handa na akong umalis sa kinalakihan kong bahay.



"Ready ka na, baby girl?" Kagaya ko ay malaki rin ang ngiti ni Lavy nang makapasok na kami sa SUV ni Lyle. Pinagmasdan ko ang aking mga kasama rito sa SUV, at hindi na maiwasang paglakihan ang ngiti dahil kumpleto sila... Na samahan ako papunta sa bago kong tutuluyan ngayon.



"Paalala ko lang sa 'yo, Sol, ibang-iba sa nakasanayan mo ang buhay ng College," paalala ni Scythe sa 'kin sa seryosong tono ng kaniyang boses.



Tumango ako habang hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi.



"Alam ko po iyon..."



Paulit-ulit na nilang pinaalala sa akin ang buhay ang mayroon sa kolehiyo. Bago lang ako nakapag-tapos sa Senior High, habang nasa first year college na sina Forest, Lavy, at Chaos. Nasa second year naman sina Scythe at Lyle.



Pakiramdam ko ay napag-iiwanan ako dahil habang nasa kolehiyo na sila ay nasa Senior High pa rin ako. Pero ngayong nakapagtapos na ako roon ay hindi mapagsidlan ang tuwa sa akin dahil makakasabay na ako sa mga kaibigan ko.



"Nagulat lang ako na naisipan mo palang bumukod nina Tita," komento ni Lavy.



Ngumuso ako. "Gusto ko lang po talagang maranasan na maging independent..."



I love my parents, but then I suddenly thought that maybe I won't grow to the reality of the world if I am being kept in their arms. Hindi naman din ibig sabihin ay gusto ko nang mag-rebelde dahil doon.



Binibigay at palagi akong sinusoportahan nina Mama at Papa sa mga bagay na gusto ko, lalo na sa kursong kinuha ko.



Ang sabi nila ay hindi ako aasenso sa pagsusulat lamang, pero hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi nila.



Windy Waves of Avenue's Sun (Avenue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon