∞ ii ∞
"Survival is important."
Ngumiti ako nang marinig ang sinabi ni Scythe. Ngayon ay nasa second year na ako sa kolehiyo at tamang-tama ang sinabing iyon ni Scythe.
"So, congratulations, Sol," ngumiti si Scythe sa akin. "You've reached another stage of college life."
"Today's your first day for second year," pati si Lyle ay bumaling na rin sa akin. "How are you feeling?"
"I am fine po," I answered honestly. Wala akong maramdamang kahit ano'ng kaba, kahit sabi nila ay ang totoong sabak ay nasa second year.
Mahirap din naman iyong unang araw ko sa kolehiyo, pero dahil puro positibo ang mga taong nasa paligid ko, nagiging positibo rin ang pananaw ko habang nasa kolehiyo.
Maybe, also one of the reason why I survived my first year is because I met a lot of amazing people.
"Magkita na lang tayo sa tambayan natin mamaya, Sol," paalala sa akin ni Scythe nang maisipan na nilang bumalik sa CAU. "Susunduin ka na lang namin ni Lyle, okay?"
"Hindi naman po kailangan. Alam ko naman po ang daan papunta roon," tanggi ko sana, pero alam kong ipipilit nilang sa kanila ako sasama. Kaya sa huli ay tumango pa rin ako.
One year ago, I started living alone. And I had been learning to serve for myself.
Malaki ang pasasalamat ko na tinutulungan pa rin ako ng mga kaibigan ko sa mga bagay-bagay. They made my life being alone easier.
Sa unang araw, naging kaklase ko pa rin iyong iilang mga kaklase ko noong first year. Dahil magkakilala naman na ay hindi na namin kailangang magpakilala sa isa't isa.
"Sol! Sol!" Tawag sa akin ng kaklase ko habang padaan pa lang ako sa pasilyo. Lumingon ako at nakitang nakasunod siya sa aking nilalakaran, hinihingal pa.
Katatapos lamang ng aming klase ngayong unang araw at hindi mapagsidlan ang aking tuwa. Ang sabi ng iba ay ang weird ko raw dahil ako lang ang kanilang kakilala na masaya kapag nagkaklase na.
"Bakit po, Lea?" Marahang tanong ko, at nang napansin na nahihirapan siyang magsalita dahil sa pagkakahingal ay nilahad ko ang tubig sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa akin pero ngiti ang naging tugon ko para sabihing ayos lang naman iyon.
"Salamat, Sol! Ang bait mo naman!" Ngumiti ako sa kaibigan at tinanggap ang tumbler ko nang isauli niya iyon sa akin.
"Wala lang po iyon..." Sambit ko. "Ano nga po ulit ang kailangan niyo? Bakit niyo po ako tinatawag?"
"May try-out sina Wave! Manuod tayo, please!" Nagmakaawa siya habang nakahawak sa aking kamay. Ngumiti ako ngunit ang aking ulo ay gumalaw sa pag-iling.
"Pasensya na po, Lea... Pero nangako na po kasi ako sa mga kaibigan ko na magkikita kami... Pasensya na po talaga..."
"Gano'n ba?" Ang kaniyang labi ay nakanguso, pero kalaunan ay naging isang ngiti. "Sige, ayos lang! Enjoy kayo! I-kumusta mo 'ko kay Chaos, please!"
Bahagya akong natawa sa kaniyang sinabi. "Akala ko po ba ay si Wave ang gusto mo?"
Hind ko kilala kung sino ang 'Wave' na sinasabi niya. Palagi kong nadidinig ang pangalan na iyon mula sa aking mga kaklase at ibang kakilala. Isang sikat na volleyball player kasi raw iyon...
BINABASA MO ANG
Windy Waves of Avenue's Sun (Avenue Series #3)
Teen FictionAVENUE SERIES #3 Just like science; when the sun hugged his skin- so is the wind in hers, they knew it wasn't just their wildest dreams. They need each other, just like how people need the light from the sun to see and the waves of the wind to breat...