Sa isang malayong mundo kung saan naninirahan ang mga nilalang na may taglay na natatanging kapangyarihan ay may dalawang binata na magkababata na sina Alab at Andap. Magkatunggali sila sa larangan ng pakikipaglaban. At ngayon araw ay kasalukuyang ginaganap ang paligsahan ng magiging kawal sa kanilang kaharian.
Tanging silang dalawa na lamang ang natitirang kalahok sa pagligsahan dahil sa kanilang kahusayan. At kahit labag sa kalooban nila ay kailangan nilang magtuos para sa titulo na maging kanang kamay na kawal ng kanilang haring si Matanglawin.
At nagharap na sa gitna ng bilugang arena sina Alab at Andap. Naghiyawan ang mga manonood at sabik kung sinong mananalo sa kanilang dalawa.
Unang umatake si Alab gamit ang kanyang kapangyarihang apoy. Sinabayan ito ng kapangyarihang yelo ni Andap. Urong-sulong ang kanilang mga kapangyarihan, walang gustong magpadaig sa isa't isa.
Tuluyang naglaho ang kanilang mga kapangyarihan at tumakbong umatake sa bawat isa sina Alab at Andap. Nagpalitan sila ng sipa at suntok. Namangha ang lahat sa taglay nilang galing sa pakikipaglaban.
Lumikha ng apoy na espada sa kamaong kamay si Alab. At gaya ni Alab ay lumikha rin ng yelong espada si Andap sa kanyang palad na kamay.
Nag-espadahan sila sa bawat isa. At naggitgitan sina Alab at Andap gamit ang kanilang espada.
"Mahusay ka talaga, Andap." Papuri ni Alab sa katunggaling si Andap.
"Ikaw rin, Alab. Kaya nga't mas lalong nahulog ang loob ko sayo." Ngiting sabi ni Andap kay Alab.
Ngumiti rin si Alab kay Andap at sabay kindat ng isang mata nito sa kanya.
Noon pa man ay iniibig na nila ang isa't isa. Kahit palihim ay pinadadama nila ang kanilang pagmamahalan kahit na pinagbabawal sa kaharian ang nag-iibigan ng parehong kasarian.
Nais nilang lumaya sa ganitong sitswasyon ngunit hindi nila alam kung paano? Buhay nila ang kapalit kapag nalaman ng kaharian ang kanilang tinatagong relasyon.
At sa hindi inaasang pangyayari ay biglang umatake ang kalabang kaharian ng haring si Kamandag. Sinamantala nila ang pagkakataon kung saan may nagaganap na paligsahan sa kaharian ni Matanglawin.
Nagimbal ang lahat sa pag-atake ng hukbo ni Kamandag. Hindi handa ang lahat sa biglaang paglusob ng kanilang mga kalaban.
"Magsilikas kayong lahat!" Hiyaw ni Haring Matanglawin sa kanyang mga mamamayan. At bumaling ito sa kanyang mga kawal. "Magsihanda tayong lahat sa pakikipagdigma!" Utos nito.
Itinigil nila Alab at Andap ang kanilang labanan at sa halip ay hinarap nila ang tunay nilang mga kalaban.
Walang tigil ang labanan sa magkabilang panig. Pawang sugatan ang lahat.
Nagharap sa wakas ang dalawang hari na sina Matanglawin at Kamandag. Inilabas ni Haring Matanglawin ang kayang matutulis na pakpak at samantalang si Haring Kamandag nama'y inilabas ang kanyang galamay na mga ahas. At nagtuos silang dalawa.
Sa gitna ng labanan, abala sina Alab at Andap sa pakikipaglaban nang magakat ng kapangyarihang ahas ng kanilang kalaban si Alab sa kanyang braso. Namilipit sa sakit si Alab mula sa kagat ng ahas. Kaagad syang nilapitan ng nag-aalalang si Andap.
"Wag kang sumuko, Alab! Labanan mo ang kamandag!" Naiiyak na sabi ni Andap habang akay-akay nya si Alab sa kanyang mga braso.
"A-Andap, m-mukhang h-hindi k-ko n-na k-kakayanin i-ito? Hirap sa paghingang sagot ni Alab sa kanya habang unti-unting kumakalat sa buong katawan nito ang kamandag ng ahas.
"Hindi maaari ito! Wag mo kong iwan, Alab!" Hagulgol ni Andab.
Hinaplos ni Alab ang luha sa pisngi ni Andap. "Paalam mahal ko." At nawalan na ito ng ulirat.
Biglang sumagi sa tulirong isipan ni Andap ang orasyon na kanyang nalalaman. Ngunit kapag ginamit nya ito ay hindi na sila muling makakabalik pa sa kaharian at iiwan na nilang lahat-lahat ng alaala maging mga mahal nila sa buhay. Pero ito lamang ang tanging paraan upang maibalik muli ang buhay ni Alab.
Walang atubiling ginamit ni Andap ang orasyon upang muling ibalik ang buhay ni Alab. At sa isang iglap ay naglaho sila ng tuluyan mula sa kanilang kinalalagyan.
Dinala sina Alab at Andap sa walang hanggang kalawakan kung saan makikita ang lumulutang na wasak-wasak na parte ng iba't ibang uri ng mga sasakyang himpapawid. Nakakabingi ang katahimikan sa buong paligid. Sa dimensyong ito ay nakatigil ang oras at hindi nagbabago ang panahon.
Muling dumilat ang mga mata ni Alab.
"Salamat at nagbalik ka, Alab." Yakap sa kanya ni Andap habang nakalutang din sila gaya ng nasabing sirang mga sasakyan.
"Nasaan na tayo, Andap?" Tanong ni Alab kay Andap sa madilim na paligid at ang tanging liwanag lamang ay ang kislap ng mga bituin.
"Nandito tayo sa Karimlan kung saan tayong dalawa lamang ang nandirito. At mula dito ay maipagpapatuloy na natin ang ating pag-iibigan." Sagot ni Andap kay Alab.
"Ganoon ba? Kung saan man tayo mapadpad ay sasamahan kita. Hinding-hindi na tayo maghihiwalay kailanman."
"Oo mahal ko hanggang sa walang hanggan."
At naghalikan silang dalawa hanggang tuluyang mabalot sa kaloob-looban ng karimlan.
*Wakas*