Halos lahat ng mga kabataang lalake na lumaki noong 90's ay iniidolo nila si Bruce Lee. Lalong-lalo na si Liam dahil sa maaksyong mga pelikula nito.
Ang pinakamagaling sa kanilang lahat kapag naglalaro sila ng karate-karatihan tuwing recess ay si Paul. Hindi nila ito matalo-talo dahil sa husay nito.
Muling hinamon ni Liam si Paul. At nagharap silang muli.
"Sa pagkakataong ito ako na ang mananalo sa laban natin!" Sabi ni Liam kay Paul.
"Tignan na lang natin!" Sagot ni Paul sa kanya.
Unang sumugod si Liam at pinaulanan nya ito ng mga sipa at suntok.
Naiilagan naman ni Paul ang bawat atake nya dito.
Sumipa ng paitaas si Liam at agad namang sumipa ng paibaba si Paul. Tinamaan ang isang paa ni Liam sa ginawa ni Paul kaya't natumba sya sa may lupa.
Palakpakan ang ibang mga kaeskwela nila dahil sa pagkabilib kay Paul.
"Panis ka pala, Liam kay Paul eh!" Kantyaw sa kanya ng kalaro.
At mula noon ay pinangako ni Liam sa sarili na tatalunin nya si Paul.
Ngunit, ligid sa kanilang kaalaman ay pamintang buo pala itong si Liam. At ang tunay na idolo nito sa martial arts ay si Cynthia Luster.
************************************
Nang mag-high school sila. Ganap na binata na si Liam. Kahit sa ganon edad ay tanda pa rin nya ang pagkatalo kay Paul.
Magkaklase pa rin sila ni Paul. At napansin nyang parang gumagwapo ito kumpara dati noong elementary pa sila na gusgusing itsura nito.
Matalino si Paul kaya naman maging sa mga exams ay hindi sya nagpapatalo sa mataas na score.
Maging sa basketball ay hindi rin nya pinalagpas ang pakikipagtunggali kay Paul.
Popular sa school si Paul lalong-lalo na sa mga kababaihan. At nakaramdam ng pagkaselos si Liam tuwing may mga babaeng nakikipag-usap kay Paul. Doon nya napantanto na gusto nya ito bilang mang-iibig.
Napansin ito ni Paul ngunit binalewala na lang nito ang napansin kay Liam.
************************************
Nagkaroon ng Fair day sa kanilang school. Lahat ng mga estudyante ay nakabihis pang porma.
Nakapang-rocker look si Paul at nang dumating si Liam ay natulala ito sa kanyang suot.
Sinalubong sya ng kaklase nilang si Stephanie.
"Wow Liam! Ang ganda naman ng porma mo? Floral cap, floral polo shirt and pants. At pati sapatos mo floral din ang design? Garden lang ang peg?" Biro sa kanya nito.
"Walang pakialamanan ng trip, Stephanie!" Bulaslas nya.
"Kaso ang trip mo? Badtrip!" Pag-aasar pa nito sa kanya.
Sumabat sa usapan si Paul. "Okay naman yung suot ni Liam. Ang cute nyang tignan eh."
Biglang nag-blush ang chinitong mukha ni Liam sa sinabi ni Paul. At napansin ni Stephanie ang pagkakilig ni Liam kay Paul.
Agad nitong hinila ang dalawa sa marriage booth.
"Teka? Bakit mo kami dinala dito ni Paul?" Taranta ni Liam.
"Sus! Kunwari ka pa, Liam! Type mo si Paul noh?" Siwalat ni Stephanie sa lihim na pagtingin ni Liam kay Paul.
Nagulat si Liam sa ginawang pag-out sa kanya ni Stephanie at agad syang lumayo palayo dahil sa kahihiyan.
Hinabol sya ni Paul hanggang makarating sila sa likod ng school nila.
"Liam teka sandali! Hintayin mo ako!"
"Bakit ka ba sumunod? Pagtatawanan mo ba ako?" Irita ni Liam.
"Bakit totoo ba yung sinabi ni Stephanie sayo kanina? Na bading ka daw?" Sagot ni Paul.
"Hoy! Wala naman syang sinabi na bading ako noh? Ang sabi lang nya ay type daw kita!" Gigil ni Liam kay Paul.
"Pero totoo nga ba? Type mo pala ako eh?" Mayabang na sagot ni Paul.
Nagliyab sa galit si Liam at hinarap nya ito.
Mukhang ito na ang pagkakataon na kinahihintay nya upang talunin si Paul. Magagamit na nya sa wakas ang pinag-aralan nyang judo.
Agad nyang hinawakan sa braso si Paul at binalibag nya ito kaya't lumagakpak ito sa lupa.
Hindi makapaniwala si Liam sa kanyang nagawa. At natalo na rin nya sa wakas si Paul.
"Masaya kana ba na natalo mo na ako?" Nakahiga pa rin sa lupa na sabi ni Paul sa kanya.
"Sorry! Hindi ko namang intensyong..." Hindi na nya natuloy pa ang sasabihin nang hatakin ni Paul ang kanyang kamay kaya't natumba sya sa katawan nito.
Nagkaharap ang kanilang mga mukha habang nakahiga. Tatayo na sana si Liam sa pagkakahiga nang yakapin sya ng mahigpit ni Paul.
"Oo nga natalo muna ako, Liam. Pero nanalo din ako." Biglang ngiti nito.
"Anong ibig mong sabihin, Paul?" Namumula na ang kanyang mukha.
"Type din kita noon pa!" Sabay halik nito sa kanyang mga labi.
Hindi makapaniwala si Liam sa ginawang paghalik sa kanya ni Paul. At ginantihan din nya ito sa paghalik. Hindi sya magpapatalo dito kahit pa pagdating sa halikan.
Nakuha na ni Liam ang kanyang minimithing premyo. At ito ay ang parehas na pagtingin din sa kanya ni Paul.