Hindi porket hindi ako maganda, matalino, at mayaman ay hindi na ako pwedeng magkagusto sa isang lalaking opposite sa akin. Like hello? Sabihin na natin nung nagsabog si lord ng blessings mula sa langit ay kahit katiting wala akong nasalo. Wala eh, nakapayong kasi ako.
Pero yung lalaking gusto ko, Ay no. Let me rephrase, yung lalaking mahal ko, nung nagsabog si lord ng blessings nasalo na nya ata lahat eh. PERFECT eh. Hays. Buset.
Lagi akong nagpapapansin para lang mapansin ako, pero deadma padin.
Oo chismosa ako, pero pagdating lang sa kanya. Yung sya lng yung topic.
Hindi ako matalino, pero pag tungkol sa kanya nagiging matalino ako, alam ko lahat eh.
Hindi ako mayaman, pero sya pisti, mayaman na nga yumayaman pa lalo dahil sa pagmamahal ko. Charot.
Lutang ako lagi, dahil halos araw-araw, oras-oras, minu-minuto, segu-segundo, siya lang laman ng isip ko. Yii taena.
Akala ko hanggang dun lang ako, pero nagulat ako ng bigla niya ako pansinin. Eto na ba simula ng lovelife ko at lovestory namin? Dream come true na ba to?

BINABASA MO ANG
Blind Love
Teen FictionKwento ng isang babaeng hindi binayayaan ng ganda, talino, at karangyaan, mabunganga, chismosa, papansin at palaging lutang na inlove na inlove sa isang lalaking sikat na sikat sa buong campus at tawagin nating "ALMOST PERFECT" dahil sa kagwapuhan...