Una

14 0 0
                                    

BESANG'S POV:



Andito ako ngayon sa labas ng bahay namin, nakaupo sa silya at walang sawang pinagnanasaan ang picture ng love of my life ko na si Jay Cris. Ang sikat sa buong campus namin. Hay. Summer break ngayon at sobrang malungkot ako dahil hindi ko makikita ang love of my life ko.


"Babes ko, kamusta ka na dyan sa inyo? Miss na miss na kita, gusto na kita makita. Im want to seen you." Umiyak iyak pa ako habang kinakausap at hinahaplos ang litrato ni love of my life ko. Hindi ako obese dito, obese na obese lang. Ay teka, obsess ata yun, basta yun na yun.


"Hoy Besang the bakekang, pahingi ako ulam. Walang ulan dun sa bahay eh, umalis sina mudra hindi man lang nag-iwan ng ulam. Susmiyo gut- Ay puchaa, hawak hawak mo nanaman litrato ng fafa mo? Grabe ka, bilib nako sayo te!" Napalingon ako nang biglang may tumapik ng malakas sa likod ko at nakita ko ang sinumpang muka ni Gorio, ang baklang mas pangit pa sa mga pangit at may dala pang pinggan na may lamang madaming kanin.


"Ang takaw mo talaga kahit kailan, patay gutom, ang lakas lakas mo lumamon pero yang katawan mo stick padin! May ulam dun sa loob, bagoong. Walang pera sina nanay eh, binayad nila sa utang kaya ayon kayod nanaman sila." Mahirap lang kasi kami. Yung mga magulang ko nagtitinda lang ng isda sa palengke. At isa pa tong si Gorio, dumadagdag sa gastos minsan, pero okay lang. Kababata e. Pero abuso lang talaga, ang lakas lumamon pero hindi naman tumataba. Kailangan na ata magpapurga.


"Kpayn. Grabe ka, kwarto mo nga puno na ng pictures nyang fafa mo eh, d kapa nagsawa?" Kumuha ako ng maliit na bato at binato ko sa baklang Gorio. Sapul sa ulo Hahaha.



"Ouch! Punyeta ka talagang bakekang ka! Masakit yun hayup kaaaaa!" Hinimas himas nya ulo nya at nilagay ang pinggan na may laman na madaming kanin sa hagdanan at bigla nya akong sinabunutan.



"OA, maliit na bato lang yun! Aba, gusto mo pala ng sabunutan ha!" sabi ko sakanya at sinabunutan nadin siya. Nagsabunutan lang kaming dalawa. Normal lang samin to. Pareho kaming brutal e. Hahaha. Nagulat kami ng biglang may pumalo samin ng walis tingting.


"Hoy kayong mga bata kayo! Ayan na naman kayo!Tama na nga yan, Oh hala! may dala akong ulam. Pasok na pasok." saway ni mama samin habang pinapasok na kami ng bahay. Pesteng baklang Gorio to, Alam nyang mahal na mahal ko tong buhok ko eh, eto na nga lang ang maganda sakin pati to sisirain pa. Leche, pano pag pati to papangit, baka wala nakong pag-asa pang pansinin ng love of my life ko. Haay.


"Bwesit ka talaga Gorio! mabilaukan ka sana! pangit na nga ng pangalan mo pati pa pagmumuka mo!" sigaw ko sa kanya habang papasok ako ng kwarto.


"Aba nagsalita tong bakekang na to!" sigaw naman ni Gorio. Hay oo na. Ako na. Ewan ko din bat Besang pangalan ko, leche. Oo inaamin ko, pangit ako, hindi mayaman, hindi matalino kasi kahit kinder hindi ako nagkamedal. May ribbon pero yung Most Honest lang. O kinder pa yun ha, pano pa kaya ngayong college na ako.



Nag-aaral ako sa University na kung saan Pamilya nina Love of my life ko ang may-ari. Ang University na yun ay ang Tovch University. O diba susyalen? Mwahahaha. Ganda ng apelyido ng Love of my life ko no? At ako, soon to be Besang Dumagundong Tovch. Haaaay. Pag nangyari na yun hindi na Besang Dumagundong tawag sakin, ang pangit eh. Ewan ko din kina mama, alam namang nilang pangit na ng apelyido pinangit padin pangalan ko.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon