<Caleb Fuentes POV>"Hi."
May nakikipag-usap sa akin habang busy ako sa pagkain. Nandito ako sa company event celebration.
Tiningnan ko kung sino ito, kaso medyo madilim at malabo ang mga mata ko.
"Hey, Caleb is that you?" Tanong nya sa akin.
Wait, nabubulunan ako. Hindi ako makasagot sa kanya.
Inabutan nya ako ng tubig.
Nakilala ko sya nung may kaunting liwanag na tumama sa mukha nya. Naibuga ko ang tubig nang hindi sinasadya.
Napatingin ako sa sleeves nya, nakakahiya dahil nabasa ko ito. Teka, bakit sya nandito? Si Nikolai, kaibigan ko noong college. Ang tagal ko na rito sa company, ngayon ko lang siya nakita.
"Hi. Sorry." Sagot ko habang pinupunasan yung tubig na natapon sa mesa.
"It's okay. Kamusta ka na?" Tanong nya sa akin.
"I'm doing fine. Ikaw? Sorry talaga." Awkward na sagot ko.
"I'm doing well. It's great to see you." Ngumiti sya.
Saglit lang kami nagkausap dahil tinawag sya ng mga kasama nya.
Nalaman ko na sya yung new manager sa department namin dahil magreretire na yung current manager. Kilala sya ng boss namin kaya siguro halos ilang buwan lang ay napromote na agad sya para sa higher position. Pero sa pagkakatanda ko, may sarili silang company business noon.
Hindi ko na namalayan na nasa iisang company lang pala kami nagwowork, pati mga kaganapan dito ay hindi ko na alam dahil sa sobrang busy ko sa mga deadlines at reports na kailangang tapusin. Late na nga ako naka-attend dito sa party.
"Let's give a round of applause to Mr. Nikolai kasi kakanta sya para sa atin. Di ba Sir?" Sabi ng host kasabay ng pang-aasar sa kanya ng mga kasama nya para mapilitan syang umakyat sa stage.
"Matagal na akong hindi kumakanta." Sabi nya pag-akyat nya sa stage. Inabot ng host sa kanya yung gitara.
Minsan napapaisip ako kung tama ba ang mga desisyon ko sa buhay. Sa edad kong ito, pakiramdam ko wala pa akong nararating. Hindi tulad ni Nikolai na may magandang posisyon sa company.
Napag-iiwanan na ako ng panahon. Most of my friends are getting married na, pero ako eto single at subsob sa trabaho para makasurvive.
"Hmm.. hmm.. sound check." Nagpalakpakan ang audience at nagsimula na syang kumanta.
Naalala ko na magaling nga pala syang mag-gitara at kumanta noon.
"Bakit ba
Tuwing nakikita ka
'Di makapagsalita
At natutulala
Bakit ba
Tuwing kasalubong ka
Ako'y 'di makagalaw
Para bang matutunaw
YOU ARE READING
Make It Right
Romance"Make It Right" Caleb attends a company event and runs into his college friend, Nikolai. They talk briefly before Nikolai goes up on the stage. As Caleb watches him sing, he reflects on his life and feels like he hasn't made as much progress as his...