<A few days before the company event>
<Caleb Fuentes POV>
*Dzzt-Dzzt-Dzzt!*
*Dzzt-Dzzt-Dzzt!*
*Dzzt-Dzzt-Dzzt!*Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Pinilit kong abutin ang phone ko habang nakapikit at nang maabot ko ito ay sinwipe ko lang pataas ang screen para tumigil ito.
"Five more minutes." Gusto ko pang matulog kahit saglit. Binalot ko ang katawan ko ng kumot at pumikit muli.
Ilang sandali lang ay tumunog na ulit ito. Wala na akong nagawa, kundi iunat ang katawan at humikab. Halos hilain ko ang sarili ko mula sa kama. Pinilit kong bumangon na parang bata noon na tinatamad pumasok sa school.
Tumayo ako para pumunta sa banyo. Kinuskos ko ang mata ko at naghilamos ng malamig na tubig na galing sa gripo para mabawasan ang antok. Napatingin ako sa salamin, napansin ko ang mga maiitim at malalaking eyebags ko.
"Magsisimula pa lang ang araw ko pero pagod na agad ang itsura ko." Nasabi ko na lang sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Ngayon ay katulad lang din ng kahapon at noong mga nakaraang araw. Inihanda ko ang mga gagamitin ko para sa pagpasok sa trabaho, naligo at inayos ang aking sarili. Hindi ako nag-almusal dahil wala akong ganang kumain tuwing umaga.
Iniisip ko pa lang na papasok ako, gusto ko nang umuwi. Wala naman akong choice dahil may bills na dapat bayaran at may pangarap din naman ako at tanggap ko naman na kung ano ang magiging araw ko ngayon.
Napatingin ako sa langit mula sa bintana, maaliwalas ang umaga at maganda ang sinag ng araw.
Kinuha ko ang bag ko, sinuot ang earphones at umalis para makasakay ng bus. Isa sa nagpapasaya sa akin ay music, naging safe place ko na ito dahil nakakatulong ito na makaalis ako sa magulo at maingay na mundo.
Nang dumating ako sa office ay tinanggal ko ang earphones ko. Agad kong narinig ang mga ingay ng mga kaofficemates ko at tunog ng mga teleponong nag-riring, ang pagbabalik ko sa reyalidad.
"Caaaleeeb! You're here na pala. I've been waiting for you ha. Pwedeng ibili mo ako ng favorite kong iced coffee?" Bungad ni Miss Jossie sa akin.
"Huh?" Hindi ba pwedeng umupo muna ako? Ako nga hindi pa nagkakape eh. Kakarating ko lang eh.
Lumapit sya sa desk ko. "Sige na. We have a meeting kasi now. Ibili mo na rin ng coffee yung mga friends ko."
"Latte sa akin."
"Mine is iced coffee too."
"Akin alam mo na, caramel macchiato."Dagdag ng mga pala utos kong officemates. Wala na ba? Yun lang? Sa isip-isip ko.
"Ikaw muna magbayad kasi we're about to start na eh." Lumakad si Miss Jossie palayo habang kumekembot-kembot.
Si Miss Jossie ay isa sa mga Supervisor dito sa Sales Department. Kung maka-utos ay feeling nya sya ang tagapagmana ng company. May narinig akong tsismis na kung ano-anong code names na ang ipinangalan nila sa kanya para hindi nya malaman na sya ang pinag-uusapan. Yung iba minsan below the belt na. Nasa 40's pa lang naman sya, oo single yun nga lang marami syang ka-flirt dito sa office.
Sinunod ko na lang ang utos nya bago pa nila masabing tamad ako. Kung pwede lang dayain ung price ng mga order nila para may bayad naman ang effort ko. Pagbalik ko ng office hinatid ko na agad sa meeting room yung drinks nila at bumalik na ako sa desk ko para magtrabaho.
Hindi ko na alam kung Sales Supervisor Assistant ba ako o Personal Assistant nya? Minsan ako ang pinapababa nya ng building para kunin yung mga orders nya sa online shops. Nung nakaraan naman ay may naiwan syang gamit dito sa office. Nakiusap sya na ihatid ko sa kanya kasi tinatamad na daw syang bumalik at nakipagkita sya sa may bus station. Imbes na mag-oover time dapat ako nung gabing yun, nasayang lang tuloy oras ko.
Napansin ko rin na pinapagawa nya sa akin yung trabaho na dapat sya ang gumagawa kasi assistant lang naman ako. Nadadagdagan ang workloads ko, pero yung sahod ko hindi.
"Caaaleeeb, can you please photocopy naman this. Ayoko kasi lumapit sa photocopy machine, you know, baka hindi ako magpreggy. Scary di ba?" Nakangti nyang utos sa akin.
Tiningnan ko lang sya. Diba 40 plus na 'to? Baka possible pa naman. Kelan kaya 'to magmamaternity leave para tumahimik naman dito kahit saglit.
"Hey! Faster na! Need ko yan asap ha." Nilapag nya yung papers sa desk ko. Hindi ko namalayan na ilang segundo na pala akong nakatitig sa kanya.
Nalaman ko na nagalit ang boss namin dahil may mali daw sa report na sinubmit ko. Buti nga ginawa ko pa kahit hindi ko naman na trabaho yun. Baka walang naisubmit na report si Miss Jossie kung hindi pa ako tumulong sa kanya. Tsaka mali naman nya yun, sinisi nya lang sa akin. Wala na akong nagawa.
Pakiramdam ko sobrang bagal ng oras sa office. Kapag nasa apartment naman ako o kapag natutulog ako ang bilis ng oras. Nasa isip ko lang buong araw ay, 'Kaunti na lang uuwi na ako.' Namimiss ko na yung madilim at malamig kong kwarto.
Habang nagtatrabaho ako napansin ko na lang ang paglubog ng sinag ng araw sa bintana. Ito na ang sign na uuwi na ako. Ang pinaka masayang oras sa buhay ko. Sa wakas makakalaya na ako sa lugar na to. Kinuha ko ang bag ko, sinuot ang earphones at umuwing excited.
Habang naglalakad ako malapit sa apartment ko, napansin ko na may gumagalaw sa may gilid ng mga halaman, sinilip ko ito. Medyo madilim na kaya lumapit ako at yumuko at ang nakita ko ay dalawang bilog na kulay asul at maliliit na mga mata ng isang itim na kuting.
"Meow." Lumapit ito sa akin.
"Mag-isa ka lang ba?" Umupo ako at tumabi sa kanya.
"Kawawa ka naman, wala kang kasama?"
"Nasaan ba ang mama mo?"
"Paano ka nakakakain?"
"Medyo malamig ang panahon ngayon saan ka natutulog kapag gabi?"Mga tanong ko sa kanya habang nakikipaglaro sya sa kamay ko.
Mga ilang minuto rin syang nakipaglaro sa akin. Ramdam ko na medyo takot sya sa tao. Tumakbo sya palayo sa akin at pumunta sa mga halaman.
"Mag-ingat ka ming. Bye." Nagwave ako ng kamay sa kanya at tuluyan na syang nagtago.
Tumayo ako at pinagpatuloy ang paglalakad pauwi. Habang hinihintay ko yung elevator para makaakyat sa apartment ko, naramdaman kong may dumikit sa paa ako. Tiningnan ko ito, yung itim na kuting pala, kinarga ko ito. Hindi ko namalayan na sumunod pala sya sa akin dahil nakaearphones ako.
"Kawawa ka naman. Sinundan mo pala ako gamit yang maliliit mong mga paa?" Tanong ko sa kanya habang nilalaro ito.
Tinitigan nya ako ng ilang segundo. Napakaganda ngunit nakakaawang mga mga mata.
"Hmmm... Hindi ka na mag-isa simula ngayon, dahil magkasama na tayong dalawa Charm." Niyakap ko ito.
Napagdesisyonan kong ampunin na lang ito. Charm ang ipinangalan ko sa kanya kahit sabi ng iba na malas daw ang itim na pusa, pero sa tingin ko sya ang lucky charm ko.
Habang yakap ko sya ay ramdam ko ang purring sound nya sa dibdib ko, nakakataba ng puso.
Sa kabila ng maingay at magulong araw ko ay isang maliit na kuting lang pala ang magpapatahimik nito, si Charm. Binigyan nya ako ng kakaibang saya.
*END OF CHAPTER 2*
(To be continued...)
***
CHARACTER NAMES:
Main Character: Caleb Fuentes
Caleb's Cat: Charm
Supervisor: Miss Jossie
YOU ARE READING
Make It Right
Romance"Make It Right" Caleb attends a company event and runs into his college friend, Nikolai. They talk briefly before Nikolai goes up on the stage. As Caleb watches him sing, he reflects on his life and feels like he hasn't made as much progress as his...