Prologue

10 1 1
                                    

"Bilib rin talaga ako sa'yo, Samara biruin mo bonak kana sa math nag ABM ka pa!" Tawang sabi ni Ciera ang kaibigan ko

"Wow hiyang-hiya naman ako sa'yo na kumuha ng STEM strand eh bonak ka naman rin!"

"Oh atleast ako may kaya sa math!" Sabi nito at inirapan ako

"Eh ano rin naman ngayon sa akin parin bagsak mo pagdating sa essay!" I maybe not good at math but I can do essay naman 'no!

"Bakit hindi nalang kaya kayo magpalit ng strand?" Iritableng sabi ni Jill sa akin

Naka upo kami sa ilalim ng manggahan sa eskwela dahil may upuan dito at kakatapos lang namin magpasa ng mga kailangan para makapag enroll

Jill, Ciera and Trisha is my buddy dahil halos magkakababata kaming apat. Nagkakilala kami noong may reunion sila Mama na magkakalase noong kolehiyo siya at doon ko nakilala sila Ciera, Trish at Jill dahil magkaklase ang mga Mama namin noong kolehiyo sila

"Tanging matinong mga kumuhang strand sa atin sila Jill at Trisha" Sabi ko dahil halata naman kaming dalawa ni Ciera ang hindi seryoso sa pag kuha ng strand at ang dalawang kasama namin ay talagang tinahak ang mga gusto nila!

"I love baking and cooking eh" Sabi ni Trisha

"Sus nasusunog nga mga piniprito mo minsan" Ani ni Ciera na ikina tawa naman namin

"Ako more on computer talaga ako kaya ICT" Sabi ni Jill na proud sa sinabi niya

"More on conputer daw eh facebook, youtube saka tetris lang naman alam mo! Huwag ako, jill" Sabi ko at sinamaan naman niya ako ng tingin

"Ang eechos niyo sa mga kinuha naming strand eh ang paniguradong magigisa sa dalawang taon eh si Samara" Ani ni Trisha

"Ewan ko ba sa babaeng 'to ang hilig pahirapan sarili niya sana nag patiwarik ka na lang!" Sarkastikong sabi ni Ciera

"Bakit? bawal ba magkaroon ng bagong experience? like doing mathematics?"

Kung maka tingin ang mga 'to kala mo naman ay sobrang hirap ng ABM eh mas nahihirapan pa nga kao sa kinuha nila eh ang daming gagawin hibdi tulad sa ABM kailabgan mo labg matuto mag solve! Saka sabi sa akin ng mga nakikita ko sa facebook mas madali raw ang ABM

Inaya ko na sila na mag punta sa national bookstore para mamili ng kahit kaubting kagamitan para sa pasukan

"Konti pala ah" Ngising sabi ni Trisha sa akin nang makita nila ang dalawang basket ko na dala na may lamab ng ibat ibang klase ng notebooks, sticky notes, pen at kung ano-anong klaseng mga bagay na panigurado nila at ako na hindi ko gaano magagamit sa eskwela

"Eh malay natin kailangan ko iba dito diba"

"Sana talaga sa pag pasok mo sa strand na 'yan ay mayanig 'yang utak mo para naman baka sakaling tumino ka eh 'no?" Ani ni Ciera

"Grabe kayo sa akin ah kayo nga puro libro mga kinuha niyo balak niyo ata mag tayo ng library eh"

Nag bayad na kami sa counter at kanya-kanya kami ng bayad aba bindi pa ako mayaman para ilibre sila

Nang maka labas kami sa mall ay nagsi paalam narin kami para makauwi na dahil sagad ang mga paa namin sa haba ng pila kanina sa enrollment!

"Ma naka uwi na ako" Tawag ko at nakita ko si Mama na nag luluto ng ulam namin

"Bhti naman at naka uwi kana, Samara halika may papakita ako sa'yo!" Sabi ni Mama at may kinuha na isang paper bag na may kalakihan

"Ano 'yan, Ma?"

Inilabas nito ang dalawang pares na uniform at black shoes na may kaunting heels

"Ang ganda diba, Anak? Pinatahi ko 'to kasi alam ko mas mahal kung sa mismong eskwelahan ka bibili eh ito mura lang sa Tita mo"

"Ang ganda" Kulay sky blue ito at may skirt na kasama na hindi gaanong hapit sa akin at isang neck tie na kulay itim at may logo ng school

"Bagay na bagay sa'yo!" Ngiting sabi ni Mama at tama nga si Mama bagay ko dahil naka tayo ako ngayon sa salamin at parang hindi mo masasabing kahinaan ko ang math

Hinubad ko na ito para na rin malabhan ko na mamaya bago matulog para naman mabango pag sinuot ko bukas

Bukas na agad ang pasukan namin dahil late na rin kami nakapag enroll kaming apat at naghanap pa kasi kami ng eskwela na may magandang uniform

Call us maarte sa uniform pero kasi sa uniform ka nalang nga makakaporma sa eskwela hindi mo pa ba pipilin ang maganda

Hindi lang naman dahil sa uniform kaya kami sa University of Arellia mag-aaral dahil rin sa hindi gaano malaki ang ilalabas mo na pera sa pag enroll sakanila

"Ano 'ya g nilalabhan mo?" Tanong ni Papa na kakauwi lang at lasing nanaman

"Uniform ko po, Pa"

"Hmm naka graduate ka pala" Sabi nito parang may kaunting kirot sa puso ko

Hindi ganun ka proud sa akin si Papa dahil hanggang ngayon ay isang pagkakamali lang ako sakaniya dahil hindi pa handa si Papa nang maghka anak siya kay Mama at ako 'yon

"Ano kinuha mo?" Tanong nito habang umiinom ng tubig

"ABM po, Pa"

Pabagsak niya inilapag ang baso sa may lamesa at wala pa siyang sinasabi ay bumibilis na ang pag tibok ng puso ko

"Gusto mo talaga doon sa bobo ka?" Taas tonong sabi nito kaya napahigpit ako ng kapit sa uniform ko na nilalabhan ko

"Pa gagawin ko naman po yung best ko para sa strand na kinuha ko"

"Sayang lang perang pinapa aral sa'yo. Hindi ko maintindihan bakit lumaki kang bobo masaklap bobo pa sa lahat"

"Reynald! Huwag na huwag mong sisigawan ang Anak natin!" Mariing galit na sabi ni Mama kay Papa

"Anak natin? Baka anak mo lang? Kasi wala akong anak na bobo paano tayo iaahon sa hirap kung ngayon na dalagita pa lang siya eh ang bobo niya masiyado puro pasang awa nalang nga 'yan!"

*Pak!*

"Hindi bobo ang Anak ko, Reynald! Sadyang hindi mo lang talaga makita sakaniya kung gaano siya katalino pag dating sa ibang bagay!"

"Mara hindi ka ba nahihiya? Tangina puro kalandian 'yang Anak mo! Lalaki dito lalaki roon! Kala mo mauhbusan! Pero pag datingsa grado halos pwede na ipang putol ng kahoy sa sobrang palakol!"

"Isa pang sabihan mo ng ganiyan si Samara hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka! Wala kana nga naitutulong sa bahay sa gastusin ang laki mo pa kung makapag salita sa anak ko? Alam mo kung saan mas pinaka matalino si Samara? Sa respeto, Reynald! At doon ka naman pinaka bobo!"

"Tama na!" Pag sigaw ko dahil hindi ko na kayang mag labas masok sa tainga ko ang mga salita nila sa isa't-isa

"Mag sama kayong mag-ina!"

"Anak huwag mo na isipin pa mga sinabi niya ah ang mahalaga masaya ka sa ginagawa mo ah. Nandito lang si Mama para sa'yo anak"

In the past 18 years ay hindi ko malasap sa sarili kong Ama ang isang pakiramdam ng aruga sa Ama. Maswerte parin ako at may isa akong Nanay na nandiyan lagi sa akin na handa ako saluhin sa tuwing bumabagsak ako

Count me in your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon