How I Let Him Go

41 1 0
                                    

Familiar ba kayo sa qoute na "DON'T MAKE HIM YOUR EVERYTHING CAUSE WHEN HE LEAVES YOU YOU'RE LEFT WITH NOTHING"?

Well huli ko na ata yun nabasa nung nawala nga sa akin ang lahat.

We started off as enemies eversince pumasok ako accidentally sa cubicle ng mga boys at napagkamalan niya akong rapist. I mean wadapak?  Ako Rapist?

Baguhan ako nun sa college university and it turned out na isang Hearthrob daw ang kumag nayun. At hindi malabong nagcucross ang landas namin. Nakaka-amps lng kasi whenever I always want to be alone(which is like always) andun siya parati.

Enemies that share in one table? Kami ata yun. But as days have pass natuto akong i-value ang existence niya. For the first time naging magaan ang loob ko sa ibang tao.

He knows how to piss the hell out of me, and knows how to tame it. Madalas manyak pero minsan okey naman. Sweet? Natalo pa ata ang Jadine. Gentleman? Nako huwag na kayong umasa. But despite all his flaws and imperfections, I came to love that man.

Yes, I love him. It took me awhile bago ko marealize yun. The best part is when he also confessed that he loves me.

2 years have passed and we're still together.

Not unless that day came. Siguro na encounter ko na ang pinakamabigat na pagsubok in love.

Just when I thought we would have our own FOREVER. Unfortunately he'll just spent that with someone else.

Kung inaakala niyo na siya ang nangaliwa? Mali kayo kundi ako.

"Akala ko ba mahal mo ko Kiara. Bakit kailangan pa nating humantong sa ganito."

"I fell out of love Jan." Yun lang ata ang nasabi ko bago ko siya iniwan sa lugar kung saan kami parating tumatambay.

LIES.

Yun ang kabuuan nun. I didn't fell out Love. Truth is I am always standing on the edge waiting that so called TADHANA to pull me away or push me to its end.

Pero anong magagawa ko? Kung ako mismo natali na pala sa iba.

Yes, TADHANA make a shit out of me. Hinayaan niya akong mahulog sa iba kung nakatali naman ang kaluluwa ko sa isa.

My father got me engaged to a person I barely know. Gentleman, perfectionist and a complete Smart guy ang taong yun. Alam kong mas perfect to kaysa sakanya but still I came to love those flaws.

Araw-araw pinipilit kong magpapakatatag para sa amin. Pilit kong tinatago ang emosyong nais kumawala, Luhang pilit makipagkarerahan sa baba.

I often see him in school, and it didn't really turned out good for us.

"Paasa ka Kiara, You and your stupid promises!" Sigaw niya nun sa akin nung nakasalubong ko siya sa hallway.

I just gave him a blank stare and continued walking. Poker-face. Yun ang expression ng mukha ko pero ibahin niyo ang mga mata ko.

Kusang dumadaloy ito habang pinipilit kong tahakin ang mahabang pasilyo.

Masakit.

Masakit makita ang taong mismong pinangakuan mo at the same time sinukuan mo.

But I can't get enough of Him. Sinusundan ko siya kung saan man siya pumaparoon. Minsan nahuhuli ko siyang lasing habang nakikipagmake-out sa iba.

Syempre I took care of that matter. Binayaran ko ang babae at ako na mismo ang naghatid sa kanya sa bahay niya.

My heart shattered a million times seeing his drunken face as he keeps on calling out my name and my fvcking promises.

I want him to be Happy. Yun ang goal ko.

How I Let Him Go (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon