Jenna's POV
Nag-apply ako ng scholarship sa iba't ibang unibersidad at sa kabutihang palad nakakuha ng magandang grant. Wala na akong babayarang tuition o kahit ano pa.
Ibinalita ko ito sa aking mga magulang. Syempre tuwang tuwa sila dahil makakapag-aral ako at ang allowance ko na lang poproblemahin nila.
Sa kagustuhan kong tumulong dahil may tatlo pa akong mas nakababatang kapatid na nag-aaral din, naghanap ako ng part time job. Natanggap naman ako sa isang sikat na fast food chain.
Aral sa umaga, trabaho naman sa gabi. Kahit ganito ang buhay ko ay nakayanan kong i-maintain ang GPA na 1.5 upang manatili akong isang scholar.
Dumating ang araw at nakapagtapos ako. Bilang Magna Cum Laude sa kursong Civil Engineering. Kumuha din ng board exam at di makapaniwalang naging Top one ako. Masarap sa pakiramdam na manguna sa isang karerang alam mong patas at may laban ka.
Nang dahil sa sa pagiging top one sa board exam, madaming kumpanya ang kumukuha sa akin. Pumili ako ng isa na alam kong magiging maganda ang kinabukasan ko at pamilya ko. Sobramg laki ng pasasalamat ko sa Poong Maykapal sa mga blessings na binibigay niya samin.
Makalipas ang dalawang taon at naiahon ko sa hirap ang pamilya ko. Ang aming bahay na kulang na lang ay mawalan ng isang pako at guguho na ay napalitan na ng isang malaki, maganda at ligtas na bahay. Nabayaran ko na din lahat ng utang nina nanay at tatay. Naipagpatayo ko na sila ng isang negosyo. Ang mga kapatid ko naman ay pinapag-aral ko sa isang private school. Ang ang aming hapag ay palaging may mga nakahandang pagkain. Hindi ko na pinagtrabaho sila nanay at tatay dahil matatanda na din sila, kaya naman inaalagaan na lang nila ang mga kapatid ko.
Nagulat ako nang isang araw ay may nagpadala sa akin ng sulat galing sa dati kong pinasukan noong high school. Inaanyaya nila ako bilang maging isang guest speaker sa graduation ng kanilang mga estudyante.
Naisip ko, "Bakit ako? Na dati ay echapuwera lang. Na dati ay di nila pinapansin. Bakit di si Ms. Valedictorian? Mas magaling naman yun sakin diba?" Ngunit mas pinili kong pumayag na lamang dahil sila din ang dahilan kung bakit ako nagtagumpay ng ganito.
-----
Ito ako ngayon, naglalakad sa grounds ng paaralang bumigo at nagpatagumpay sa akin. Habang nagmumuni-muni ako di ko sinasadyang marinig ang pinagtsitsismisan ng mga tao, "Oo nga eh. Ang galing talaga ng batang yun. Nagpursigi para makatapos." "Mabuti pa ang batang yun. Di katulad ng anak ni mayor." "Bakit?" "Naaalala mo ba na yun ang top one sa kanila dati? Ayun maagang nabuntis." "Oh talaga? Grabe nakakahiya yun." "Oo nga mars eh, tapos tinakbuhan ng ama. Tsk tsk." "Hay nako mars, ganun talaga pag masasama ang ugali."
Di ko na nakayanan ang narinig ko. Ito na ba yung sinasabi nilang karma? Grabe talaga. Nakakahiya yung nangyari sa kanya. Ngunit di ko din naman hiniling na mangyari sa kanya yun. Pero ganun nga siguro ang buhay, "weather weather lang".
Dahil magsisimula na ang graduation pumunta na ako sa aking upuan at tinawag ng host. "Let's give a round of applause for our guest speaker, an alumnae, Ms. Jenna Sitio."
Ngumiti na muna ako at nagsimulang magsalita,
"Naaalala ko pa noong may bumisita sa aming paaralan. Sila ay nagmula sa isang prestihiyosong unibersidad. Tinanong nila ako kung anong gusto kong kurso, ang sagot ko pag-iinhinyero. Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil wala daw kaming perang pampaaral..."
×○×○×○×○×○
Hiiiiii~ I hope this story will bring inspiration to all of us. Ang pagpupursigi at pagtitiyaga ay ang magdadala satin sa katagumpayan. Thank you sa time ng pagbabasa.
God bless!++
P.S. some parts are based on actual experience.:)
Any resemblance is purely coincidental.
BINABASA MO ANG
A Hardworker (Short)
Short Story"Naaalala ko pa noong may bumisita sa aming paaralan. Sila ay nagmula sa isang prestihiyosong unibersidad. Tinanong nila ako kung anong gusto kong kurso, ang sagot ko pag-iinhinyero. Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil wala daw kaming perang pampaar...
