START

2 2 0
                                    

Isa akong simpleng babae na pagala gala lamang sa daan. Kahit saan ako magpunta ay pwede ako. Inosente lang akong naglalakad dito sa kalye habang tinitingnan ang mga taong masayang nagkkwentuhan.

Nagtataka ako sa mga taong nadadaanan ko. Hindi ko alam pero parang wala silang naririnig at nakikita sa tuwing kinakausap ko sila.

May pagkakataon pa nga na kapag kinakalabit ko sila ay hindi sila lumilingon sa akin. Ang weird.

Halos maiyak na nga ako dahil ni isa ay walang pumapansin at nakakapansin sa akin.

Naglalakad ako ngayon sa kalye at hindi alam kung saan tutungo. Abala lahat ang mga tao sa pagtitinda ng kanilang produkto. Marami rin ang mamimili sa gabing ito.

Nakalanghap ako ng masarap na pagkain hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Biglang kumalam ang tiyan ko kaya naman ay hinanap ko kung saan nanggagaling ang amoy.

"Pabili po" sambit ko nang makalapit.

Imbis na tanungin niya ako kung ano ang bibilhin ko ay tila ba wala siyang narinig.

Patuloy pa rin sa pagpaypay ang binatang lalaki sa inihaw niyang tinda.

Kinaway ko ang kamay ko malapit sa mukha niya.

Napakunot ang mukha ko nang hindi niya ako nakikita.

Bakit walang nakakakita sa akin?

Kung prank lang ito, hindi na ako natutuwa at the same time ay nakakaramdam na rin ako ng takot.

"Anak oh" sambit ng nanay niya at naglagay ng isaw sa ihawan.

"Ang bango nay" takam na sambit ng binata.

Napaisip ako. Saan si mama at papa? Pati yung mga kapatid ko? Nasaan sila? Bakit nag iisa ako ngayon?

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nakakapagtaka talaga.

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Hindi ko na din alam ang pauwi sa amin. Maraming nagbago sa paligid.

Napako ang tingin ko sa isang madungis na babae habang ipinapakita ang kung anong papel sa mga taong nagdadaan.

"Miss nakita niyo ba ito?" tanong niya sa babaeng may hawak na bata. Lumapit ako sa kaniya.

Umiling lang ang babae at tuluyan nang umalis.

Nang tuluyang makalapit. Napansin ko ang luhang tumutulo sa mga mata niya.

"Anak ko" bulong niyang saad at niyakap ang papel.

Nakaramdam ako nang pagkalungkot. Maging siya ay hindi ako nakikita gaya ng iba dahil hindi niya ako tinanong gaya ng itinanong niya kanina sa babae.

"M-miss nakita niyo ba ito?" tanong niyang muli.

Nabigla ako nang tanungin niya ako. Tatanungin ko na sana siya kung nakikita niya ba ako pero may boses sa likuran ko ang nagpatigil sa akin.

Nilingon ko ang likuran ko at isang lalaki ang ngayo'y nakatingin sa papel.

"Sorry miss pero hindi eh" saad niya at umalis.

Nang ibigay niya ito sa babae ay napansin ko ang nilalaman ng papel dahilan upang manlaki ang mata ko.

MISSING: CELINE SANTOS

Bakit nandiyan ang pangalan ko? Teka? Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid!

"Matagal na yang patay. Labing limang taon na ang nakakalipas. Hindi na yan nakakauwi sa bahay nila dahil sa pag asang makikita pa niya muli ang kaniyang anak" nangilid ang luha ko nang marinig ang usapan mula sa likuran ko.

L-labing limang taon???

"Naaalala ko pa yang bata na yan. Dinukot yan tapos pinaghahanap ng pulis sa loob ng limang taon" sambit ng babae habang nakatingin sa hawak na papel ni mama.

Tumingin siya sa mga kaibigan niya at huminga ng malalim bago idagdag ang salitang nagpa-iyak sa akin.

"Nahanap nila ang katawan ng bata na yan noong may nag report na nakita ang bangkay niya sa masukal na damuhan"

"Hanggang ngayon ay hindi pa matukoy kung sino ang may gawa nito"

Tumingin ako kay mama.

"Kaya patuloy niyang hinahanap ang anak niya para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nag iisa niyang anak" gumuho ang mundo ko sa narinig.

A-ako lang ang anak ni mama?

K-kaya ba wala nang balak na umuwi si mama dahil wala na siyang makakasama sa bahay?

Lumapit ako kay mama at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Mama patawad kung iniwan ko kayong mag isa. Pangako ko sayo na babantayan kita"

Kahit na hindi niya ako naririnig at napapansin gusto kong sabihin ang katagang...

"Mahal kita mama"

***

THE DAY SINCE I'M GONE (one shot story)Where stories live. Discover now