4: Faryle Fhilipe

3 1 0
                                    

THE FOURTH ONE.

'• chapter 2

Ang malalim ko na lunok sa narinig ko at sa nakita ko.

Nahihirapan na akong huminga kaya naman napa upo na ako rito sa loob ng banyo habang hawak ko ang inhaler.

Sa tuwing umuuwi ako kapag sabado at linggo ay maabutan ako ang minsan hindi ko maintindihan.

"Tay, ano naman ang nangyari sa iyo?"

"Pabayaan mo ako kung ayaw mo makatulad ka sa kapatid mo.."

Ako ang pinaka bunso sa lahat, wala rin akong kapangyarihan ayusin ang lahat na nasa bahay. Minsan naisip ko kung ang aking layunin sa buhay ay nababagay ba sa sitwasyon ko na ito.

Nagulat ako dahil sa ingay na parang may bumato sa kutsara na halos masakit sa tainga ang tunog. Si Mama, sumigaw...

"Pedring, y*wa kaaa!" napatakip pa ako baka ano pa marinig ko.

"Sino iyon ha? ...Talaga ba? Kung pinag tiisan mo ang p*ta na iyon, pwess sa bar ka pumunta, hayop ka!"

"Tumahimik ka haa!" narinig ko na binato ito ng isa pang malaking kutsara kay Mama, "Asikasuhin mo ang negosyo! Hindi ako nag tiis doon, malaki ang utang na hindi nababayaran kaya sabi mo hindi ba, 'diba! Sabi mo maghirap ang piste na bata iyon, kabayaran sa pamilyang walang kwenta kaya huwag mo akong paki alaman kung ayaw mo mamatay haa Babae!" narinig ko ang aray na sa tingin ko paulit ulit na naman ginawa ni Tatay ang pagsampal at pag hila ng buhok ni Mama.

Humakbang pa ako ngunit nag kamali ako dahil tumunog ang sapatos ko na bigay lang ng tiyo ko na si Padre Alfonso.

Nakita niya ako at papalapit na tinuro ako.

"At ikaw! Kung saan pumupunta! Hindi ka tutulungan ng Diyos mo Ha! Lunukin mo ang pinaniwalaan mo kasi naniniwala ako na walang Diyos para tulungan tayo, TAYO ang KUMIKILOS kaya tigil tigilan mo kahibagan mo sa pag samba sa walang kwenta mong Diyos—"

"IKAW WALANG KWENTA!" bwelta ko, hindi ko na kaya pero umaapoy ang mata niya at hawak niya pala ang itak na hawak hawak niya lagi. Sa una, pinigilan siya ni Mama pero natulak niya ito kaya naman yung tutulungan ko na ay sinuntok ako sa may bibig at natamaan ang paa ko sa itak na halos mapuputol ito kaya naman sa lakas, tinulak ko siya kahit umaatake na hindi ako makahinga ng maayos dahil sa dugo nahawakan ko sa paa ko.

"Umalis ka na Anak, palipasin mo ang ulo ng Tatay mo!"

"Tama na Tay!" sigaw ko nang natulak ko siya pero halos niwagaygay niya sa hangin ang itak kaya kahit nahihirapan na akong huminga ay nabuhat ko ang upuan at ginawang shield pero nabutas iyon at muntik na ang mukha ko.

"Paki usap anak, tumakbo ka na!"

"Walang kwenta ha!! Mamatay ka nalang!!" sa upuan ay nasira niya iyon pero dahil sa lakas kahit matatamaan ako ay tinapon ko sa kaniya ang natira sa upuan. Patawarin mo ako, Oh Diyos ko...

Natamaan siya at natumba, kaya naman sa kagustuhan ko na iligtas si Mama ay pina alis niya ako kaagad.

"Mama, babalik ako! Babalik ako..."

Wala akong choice na tumakbo palabas, may dugo na rin kasi ang paa ko.

Nagulat ako na may sumulpot na babae, halos nakakalat ang kaniyang buhok ngunit malong ang tapis na naka balot sa kaniyang katawan, maliit lang siya kaya hindi ko lubos maisip kung bata pa ba siya o sing kaedad ko lang ba.

"Ako na ang bahala. Umalis ka na...isipin mo nalang na naging bahagi ka lang sa kaguluhan na ito ngunit hindi. Isipin mo nalang na kalimutan ito lahat..." tumingala siya kaunti ngunit namukhaan ko ang mukha niya lalong lalo na ang kaniyang mata.

God's ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon