first meet
Chapter 1
Jea's pov
RING!! RING!! RING!!
"Ay juskong bata to, hoy jea bangon kana r'yan at maligo na. Ngayon ang unang araw mo sa papasukan mong University. Bangon na may hinanda akong pagkain, paborito mo pa naman." Saad ni inay.
Hay na'ko kay aga aga ganyan talaga siya, napailing nalang ako at nag lakad papuntang banyo, binuksan ko na yung gripo at hinintay kong mapuno ang balde. Habang nag hihintay ako napaisip ako, mabait kaya mga students dun? May magiging kaibigan ba ako doon?.
Hays kaloka, hindi ko namalayan puno na pala yung balde, at bigla ko itong pinatay. Naligo na din kaagad ako kasi ayokong ma late, first day ko pa naman.Pagtapos kong maligo lumabas na ako sa banyo para makapag bihis na din. Pagkatapos kong magbihis na pa wow nalang ako sa gulat kasi ang ganda ng uniform nila, naks mamahalin. Bumaba na nga ako at nadatnan ko sina tatay at inay sa hapag, siguro hinihintay nila ako, at sa mukha palang ni inay inip na inip na ito. Syempre sino bang hindi maiinip eh sa sobrang bagal kong kumilos HAHAHAHA.
Uniform.
" Magandang umaga po nay, tay. " Saad ko.
Syempre dapat mabait tayo kasi baka mamaya biglang lumipad yung kaldero sa harap ko, siguro tawag dun flying kaldero." Magandang umaga din, at sa wakas bumaba na rin. Oh siya kain na baka malate kapa, first day mo pa naman ngayon sa University" Saad ni inay habang si Itay naman busy sa pagbabasa ng dyaryo at nag kakape payan.
Pagkatapos ko ngang kumain eh, kinuha ko kaagad yung bag ko at umalis. Nakapag paalam naman ako kina inay at itay.
Habang naghihintay ng tricycle, eh nakita ko si aling myerna. Yung chismosa sa baranggay, pupunta siya sa bahay siguro. Panigurado may dalang chismis nanaman yan, araw-araw ata hindi nauubos yan eh.
My tricycle na.
" Saan ka iha? " Saad ni manong driver, may tanda na din ito siguro nasa 50+ na si manong." Sa University lang po manong. " Saad ko at nag cellphone muna ako kasi ma layo-layo pa yung byahe namin ni manong driver.
So ito na nga, napansin ko lang sa tagal -tagal naming nagbyahe ni manong driver, nakarating din. Hays, mas malaki pa pala ito sa inaasahan ko. Nagbayad na ako kay manong driver at bumaba na.
Nakita ko naman kaagad si manong guard. Grabe ang puti nya siguro, pati kasi sa house guard may aircon hahahaha. Malaki siguro rin siguro sweldo rito. Ng makita ko ang loob, eh napahanga ako sa sobrang laki at sa sobrang ganda.
" Grabe ang laki talaga, siguro magaganda at mga gwapo nandito. " Saad ko, nang biglang--
<peppp peppp peppp>
<bogsh>
" Hey are you okay? nasaktan ka ba? tell me. " Saad ni Mr. pogi, at ang bango bango pa, tas ang lambot pa nang boses. Kyahh, pero aba! bakit nya ako sinagasaan? Aba! bigla akong tumayo at sinumbatan siya.
" Hoy Mr. pogi at kung sino ka man, ang kapal kapal naman ng mukha mong sagasaan ako, aba! kapal mo naman!!??. Ang pogi pogi mo pa sana kaso ano tss, tabi nga!. " Saad ko at umalis nalang ng hindi nagpapaalam sakanya. May sinabi pa siya siguro pahabol.
" uhm? miss i'm sorry okay! hindi ko sadya, kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo ako naririnig kaya, i'm sorry. " Saad nya, pero hindi ko parin pinansin. Naiinis ako, diretso lang ako sa paglalakad ng biglang...
" argh are you blind!? hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?! tabi nga, tabiiii!. " Saad nya, pero sa totoo lang siya naman talaga yung hindi nakatingin sa dinadaan nya, kasi nagbabasa siya. Grabe siya ah, sakin pa talaga sinisi. Pero real ang ganda nya, mukha siyang masungit, pero hala! hindi ko alam saan papuntang dean's office. Hala paano na to?.
Nagpa linga linga ako sa kung saan man, pero nahagip ng mata ko yung isang babae, maganda siya, makinis at isa pa may suot siyang salamin. Like parang nerd, pero ang lakas ng dating nya at bagay na bagay sakanya yung uniform. Pero teka!, nahihirapan siya sa dala nyang books, siguro galing yan sa library.
Nilapitan ko siya para tulungan na rin." tulungan na kita kasi nahihirapan ka na!. " Saad ko, at parang nagulat naman siya. Oo magugulat talaga siya, kasi sino ba namang hindi magugulat eh bigla akong sumusulpot sulpot.
" ay wag na! ako na, kahiya naman. " Saad nya, pero hindi ko parin pinakinggan, kinuha ko pa rin.
" pwede mag tanong?, saan dito yung dean's office?. " Saad ko, na parang nahihiya hehe.
" sabay nalang tayo kasi pupunta din ako dun. " Saad nya.
Wow! grabe ganda ng boses nya, halatang kumakanta. Dumating kami sa dean's office na walang imik, kasi nahihiya ako eh. Nagpa iwan mona ako kasi ewan ko ba, siguro tanga lang.Tok! Tok! Tok!
" magandang araw po dean. " Saad ko. Actually pumasok lang talaga ako kasi wala namang nagsalita, pero nong pagkabukas ko, ang lamig. Oo sobrang lamig sa loob, para kang nasa loob ng ref.
" oh iha magandang araw din, ito oh! nar'yan na section at classroom mo!. "
" salamat po dean, mauuna na po ako. " Saad ko.
Ngumiti naman ito saakin, umalis naman ako kaagad at baka malate pa ako. Kahiya naman sa teacher, pero tinignan ko muna yung papel na hawak ko." section E? as in? wow! " pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko. At sa wakas! nahanap ko na rin ang classroom ko. Kabado ako bente mga mosang!!.
Tok! Tok! Tok!
Bigla naman itong bumukas at bumunggad sa akin ang maganda at sobrang linis na classroom na sobrang lamig, parang nasa ref ka lang. Napatingin naman ako sa nagbukas nito na kanina pa nakatitig at nakangiti sakin. Oo, alam ko naman na maganda ako, pero wag ganyan sir! hahahaha. Pero ano teacher ko panot!
Pinalibot ko ang aking paningin, grabe!. Sobrang ganda, ang gaganda at popogi rin ng mga classmates ko, plus ang puputi nila. Nahiya naman ako bigla sa balat ko.
" new student? oh, come in. " Saad ni sir panot.
eh yaan na, kasi panot naman talaga siya!. Pero aaminin ko, kahit panot siya at ang kintab nang ulo nya, sobrang gwapo nya din. Nasa mid 50 na ata siya." hello! new student, I'm your adviser, Salvi Comber, and just call me Sir Salvi. And please, introduce yourself infront of your classmates. "
" Hi ! My name is Jea Imperial Montero, or just call me Jea. nakatira lang ako malapit sa isdaan dyan sa kanto. Trabaho naman ng nanay ko ay nasa bahay lang, at si tatay naman isang jeepney driver. Kahit ganon, kuntento na ako, kasi masaya naman kami. That's all, thankyou. " Saad ko.
" Thankyou, Ms. Montero. You may now sit beside Mr. Peralta. " saad ni sir salvi.
"Mr. Peralta, kindly raise your hand, so that Ms. Montero will identify who you are." dagdag pa nito.
Tumango lang ako at hinanap kung saan siya nakaupo. Nakita ko naman kaagad ang isang bakanteng upuan, at may lalaking nakasalamin na nakaupo sa katabi nun.Umupo na ako kaagad at tinignan ang mga classmates ko na ngayon ay nagpapakilala na rin ng mga sarili nila.
End of chapter 1.
▪︎ please do vote, comment and share ▪︎
Thankyou for reading.
YOU ARE READING
an option of love
AcciónThere's one poor girl entered a mysterious university, She's living in a town that full of people who keeps the truth as well as a lies. A poor girl na mababago ang buhay once malaman niya ang kababalaghan sa iniikotan niyang mundo. Ready your tiss...