Ito'y balintuna, Sapagkat Ginoo naman ang lumabas sa tadyang
Gumapang, Lumakad, Hanggang bumakat ang hakbang
Binubusog pa sa halik dahil may gatas pa sa labi
Sinusumpong kapag gabi kaya't may bantay palagiHanggang sa hindi na sumisisid sa kumot kapag patay ang ilaw
'Di na binabasahan ng libro para lang makaidlip sa ingay
Natutuhan tumawa, magbiro at maging mayabang
Inakalang kinatapang ang paggawa ng kasalananNgayon sa kagustuhan kong yumaman ay tinubuan ng pakpak
Salapi ang rason ng paglipad, Ngunit salapi rin ang rason ng pagbagsak
Nadampian man ng palad ang kinang ng ginto kong may lagda
Pero kung kinalimutan ang pangarap, pa'no nasabing tumanda?
BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Tula ng Buhay
PoezjaNaglalaman ito ng iba't-ibang uri ng tula na patungkol sa nararanasan, nakikita, nadarama at naiisip natin sa ating kaniya-kaniyang buhay.