Prologue

3 0 0
                                    

I was staring at my window while holding a book in my right hand. Tinanaw ko ang mga puno na sumasabay sa ihip ng hangin at ang mga ibon na nagliliparan sa langit ay nagbibigay sa'kin ng kasiyahan. I like it. This view is giving me the peace I want.

Lumingon ako sa pinto ng marinig ang pagbukas nito. Mula roon ay pumasok si Kuya Jerome na nakangiti sa'kin. He offered his hand in front of me.

"Wanna go outside? It's boring here, don't you think?"

Tinignan ko saglit ang hawak kong libro dahil nagdadalawang isip ako kung lalabas ba o hindi. I just sighed and put my book down on my side table. Nilagyan ko pa muna ng bookmark.

Inabot ko ang kamay ni kuya atsaka kami sabay na lumabas ng kuwarto ko. Pagbaba namin ay nakita ko si mama na naghahanda ng meryenda sa lamesa.

"Meryenda muna kayo, anak. Baka nagugutom kayo." Anyaya niya.

"You want, Lia?" Tanong naman sa'kin ni kuya. Umiling na lang ako bilang sagot.

"Hindi rin ako gutom, ma. Mamaya na lang po siguro."

"Oh, sige. Kuha lang kayo dito 'pag gutom na kayo. Anak, bantayan mo 'yang si Lia baka kung anong mangyari." Paalala pa ni mama.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi naman ako baldado para bantayan pa. Kaya ko pa ngang manuntok e.

Hinawakan ako ni kuya sa braso na parang aalalayan ako kaya tinignan ko siya nang masama.

"Hindi ako pilay, kuya."

Tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. Nauna na akong maglakad sakanya palabas ng bahay.  Agad na sumalubong sa'kin ang ihip ng hangin. Maaraw pero hindi naman masakit sa balat, tama lang ang init nito.

Naglakad-lakad ako saglit. Binalikan ko ng tingin si kuya nang makita na nakatingin ito sa'kin na parang binabantayan ako ay napairap na lang ako.

Habang naglalakad ay napadpad ako palabas sa may mga puno ng mangga. Tinignan ko saglit kung may mga bunga ito at nang makitang mayron ay parang nag-crave ako. Tinantya ko kung kakayanin kong makaakyat pero mataas ito ng kaunti. Hindi naman ako marunong umakyat ng ganito kataas.

Naghanap ako sa paligid ng pwedeng gamitin para pambato sa mangga na medyo malapit sa'kin. Sa kasamaang palad wala ako makita kahit na anong maski bato ay wala kaya naman kinuha ko ang tsinelas ko upang gamitin na lang pambato.

Unang try hindi tumama hanggang sa nakatatlo ako pero hindi ko pa rin matamaan. Nangangawit na at nananakit na ang leeg at batok ko. Napabuntong-hininga ako sa kawalan ng pag-asa.

Tatalikod na sana ako para bumalik sa bahay upang kumain ng meryenda at ituloy ang binabasa nang may marinig akong malakas na pagbagsak. Baka nalaglag ang mangga!

Lumingon ako upang tignan ang bumagsak pero nadismaya ako nang makita na hindi ito mangga kundi isang lalaki. Teka... Lalaki?!

Nanlalaki ang mata ko at bago pa ako makasigaw ay agad ako nitong pinatahimik. Nakangiwi ito na parang nasaktan mula sa pagkakabagsak.

"Huwag kang sisigaw!" Sabi niya sabay tayo at lapit sa'kin pero hinihimas pa rin ang likod niya dahil sa sakit.

Sisigaw sana ulit ako pero pinigilan niya ulit ako sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig ko. "Huwag ka sabing sumigaw e."

Kinalma ko muna ang sarili ko. Ngayong malapit ito sa'kin ay napansin ko ang kilay niya na makakapal at ang matangos na ilong medyo. Mapula ang labi nito na medyo manipis at ang mata naman ay mapungay. Kulay light brown ito lalo na ngayon na natatamaan ito kaunti ng araw.

Hinawakan ko ang kamay niya upang alisin ito sa bibig ko. Nang maalis na niya ang kamay ay pinunasan ko ang bibig ko at hinarap siya.

"Sino ka?!" Sigaw na tanong.

Napapalatak naman ito.

"Sabing huwag kang sumigaw. Makulit ka rin e. Ilang beses ka bang inire ng nanay mo?"

"Huh? Sino ka ba?!" Nalilito ko pa ring tanong.

"Bakit ka nandito?" Dagdag ko pa.

"Isa-isa lang, mahina kalaban. Nandito ako para mamitas ng mangga. Hindi naman po masyadong halata." Pamimilosopo niya.

"Wala akong ginagawang masama kung iyan ang inaakala mo." Sabay taas niya ng dalawang kamay.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng sleeveless shirt at jersey short with matching flipflops. Hindi nakatakas sa'kin ang tangkad niya at medyo ma-muscle nitong braso. Sakto lang ang pangangatawan iyong parang body ng k-pop male idol.

"Done checking me out?" Nakakalokong ngisi ang ibinigay niya sa'kin.

Umiwas naman ako agad ng tingin.

"Shet, ang angas pala 'pag English." Sabi pa niya habang naiiling.

Tinignan ko siya na parang nababaliw na. Kinakausap niya ba sarili niya?

Tumingin ito sa'kin at ngumiti na parang isang anghel.

"Evan pala." Inilahad nito ang kamay na parang nakikipagkilala. Tinignan ko na lamang ito dahil wala akong balak na hawakan ang kamay niya. Binawi niya na lang ito.

Tumalikod na ako para umalis na. Nakakailang lakad pa lang ako nang magsalita ulit siya.

"Anong pangalan mo, miss?"

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lang ulit sa paglalakad. Nakalayo na ako ng kaunti ng bigla siyang sumigaw.

"Ipipitas kita ng mangga!"

Tumigil ako saglit dahil nakuha niya na ang atensyon ko. Nilingon ko siya sa likod at pinagkrus ko ang mga braso habang nakataas ang kilay. Nakangiti pa rin siya ng matamis at napansin ko na may dimples siya sa kaliwang niyang pisngi.

Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at walang sabi-sabing umakyat sa puno ng mangga. Pinitas nito ang mangga na kanina ko pa pilit na binabato. Kumuha pa siya ng ilang piraso at inilagay nito ang mga iyon sa damit niya. Kinagat niya ang damit atsaka tumalon pababa.

Lumapit siya sakin at ibinagay ang isang mangga. Kinuha ko naman ito sakanya pero hindi niya binitawan. Tinignan ko siya ng masama.

"Ibibigay mo ba o hindi?"

"Ano muna pangalan mo?" Tanong niya.

Hindi pa rin niya binibitawan ang mangga kaya sinagot ko siya. "Wal."

Sa wakas binitawan na niya. Tinignan ko siya pero konti na lang ay magsasalubong ang makakapal nitong kilay.

"Huh? May pangalan bang ganun?" Nalilitong tanong niya.

"Wal. Wala ka na 'don." Sagot ko sakanya sabay talikod at naglakas ng mabilis.

"Iyong totoo mong pangalan, miss! Ano?" Sigaw niya habang papalayo ako.

"Segunda Katigbak!" Sigaw ko pabalik.

Nilingon ko siya at tila hindi siya naniniwala sa sinagot ko dahil nakakunot pa rin ang noo niya. Lihim na lang akong natawa dahil sa reaksyon niya.

Itutuloy...

A Summer To Remember (Soon) Where stories live. Discover now