Chapter 1

0 0 0
                                    


“Anak, gising na niluto ko paborito mong cookies and cream waffles. And of course, chopsuey.” Bulong ni mama sa tabi ko.

Napangiti na lang ako nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. I slowly open my eyes at nakita ang magandang mukha niya.

“Get up, darling. Marami kang gagawin, di’ba?” nakangiting sabi niya.

Umungol na lang ako bilang sagot bago ipinikit ulit ang mga mata.

“I will go down, later.” I said groggily.

“Make it faster, okay?”

At naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko bago tumayo at umalis sa kwarto. Ilang minuto pa akong nakapikit bago hinila ang sarili para bumangon. I just washed my face and brushed my teeth bago bumaba.

Pagkababa ay binuksan ko ang TV para manood ng movie upang magpalipas ng oras bago kumain dahil kaka-toothbrush ko lang. I was watching Peter Pan movie iyong na-release ng mga 90’s ata. Bida ay si Jeremy Sumpter as Peter Pan.

Halfway through the movie ay pin-ause ko muna at pumunta ng dining para kumain ng breakfast.

Nilantakan ko agad ang waffles ko at Kumain na rin ng kanin with chopsuey– my favorite.
Pagkatapos Kumain ay uminom ako ng tubig at nilagay sa lababo ang Plato ko upang hugasan nang pigilan ako ni Mama.

“Ako na rito. You go outside and exercise a bit, okay?” matamis na nngumit sakin si Mama.

Um-oo na lang ako dahil ‘di niya naman talaga ako oaghuhugasin kesyo siya daw ang Nanay. Umiling na lang ako bago umalis na para magpahangin sa labas. Nakita ko si Kuya na nagba-basketball sa gilid lang. May nakalagay kasi na ring duon at sa magkabilang tabi nito ay bleachers na maaarung upuan.

“Come here, Lia. Let’s play.”

Tutal Wala naman akong ginagawa ay um-oo na lang ako sa alok niya. Binigya sakin ni kuya ang bola at sinubukan kong i-shoot sa ring pero sablay. Pinulot ni kuya ang bola bago sakin ibigay ulit ang bola.

“Try mong i-shoot bago ko maagaw sayo ang bola, okay?” 

Then he started trying to get the ball from me while I was running like a maniac. Napapatawa ako kapag muntik na niyang nakukuha sakin ang bola pero nalulusutan ko siya. Lumapit ako sa ring at tumalon para i-shoot ito pero hindi pa rin lumusot.
Hinihingal akong napairap sa hangin. Ang Arte naman ‘nong bola ayaw pang lumusot.

“Huwag kang sumimangot, lulukot mukha mo. Sige ka!” asar ni kuya.

Mas lalong sumama ang mukha ko sa sinabi niya.

“Okay. I will teach you how to shoot it.” Lapit niya sakin

“Punta ka dito. Kung saan ka sigurado na pwesto.”
Lumapit ako sa pwesto malapit sa ring.

“then jump para mashoot mo sa ring yong bula.”

Tumalon naman ako ng kaunti para magshoot pero gano’n pa rin. Kuya just encourage me to try and try again. Tumalon at tumili naman ako sa tuwa ng mai-shoot na sa wakas ang bola.

Mayabang na nilingon ko si kuya na ngumiti lang sakin.

“Pwede ka na sa PBA,’ lapit niya sakin

“Bilang tagabigay ng bagong bola.” Sabay halakhak niya.

Hinampas ko na lang siya sa braso at kinurot.

“Kidding aside. Maraming practice pa, pwede na.”
Sabay alis niya upang pumasok sa loob.

“Pasok ka sa loob pagkatapos mo mamasyal, okay?” Aniya.

Tumango na lang ako atsaka nagpatuloy sa paglalakad. I went back to the forest-like place at in-enjoy ang pagtanaw sa mga puno at iba’t-ibang wild flowers.

Habang naglalakad ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Hindi ko alam na may ilog or batis pala dito, ah. Sinundan ko ang tunog na iyon at nang makitang Isa itong batis ay namangha ako.
Lumapit ako at nilublob ang kamay rito. Medyo may kalaliman pala siya. Gusto ko sanang maligo dito kaso wala akong dalang damit. Kung sabagay ‘di ko rin naman alam na may batis pala dito.

Narinig ko bigla ang pagtunog ng tubig. Tinignan ko ang bandang iyon na ‘di kalayuan sakin. Nakita ko ang pag-ahon ng isang tao. Napairap na lang ako nang sumilay sakin ang nakangising mukha nang lalaki mula kahapon.

“Siguro stalker kita. Sabihin mo lang kung gusto mo ng picture, paoayag naman ako, e.” sabi niya na mas lalong nagpasama sa itsura ko.

“Hindi ko pala alam na nagsasalita ang isda.”

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa.

“Ang guwapo ko naman atang isda kung gano’n?”

“You mean ‘gago’?” sabay irap kong sabi.

“Grabe ganyan mo talaga ako kagusto, noh?”

“Gustong suntukin, oo.”

Humawak ito bigla sa dibdib na parang nasasaktan.

“Ang sakit mo naman magmahal, babe.” Aniya

“Babe mo mukha mo. Gago.”

Tumayo ako sa inis at aalis na sana nang tinalsikan niya ako ng tubig buti ay naiwasan ko. Sinamahan ko siya ng tingin.

“Isa matamaan ako, ah.” Inis na sabi ko.

“Ng pagmamahal ko? Okay lang ‘yon.”

Pumulot ako ng maliit na bato para sana ibato sakanya. Hinarang niya ang mga braso sa mukha niya.

“Isa mataan mo rin ako, ah. Okay lang kahit pagmamahal mo.”

“Tatanggapin ko pa iyon ng buong-buo.” Dagdag niya pa sabay kindat.

Kadiri 'tong lalaki na 'to. Siguro noong umulan ng confidence.. ay hindi kapal ng mukha pala, gising na gising siya at sinalo lahat. Walang tinira para sa iba.

Hindi ko na napigilan ang pagbato sakanya ng hawak ko at sabay takbo.

“Hoy! May atraso kana sakin, ah!”

Hindi ko siya sinagot at nagputuloy sa pagtakbo.

“Kailangan mong bayaran ‘yon! Kahit kiss, okay lang sakin!” Huling sigaw niya bago ako nakalayo Mula sa batis na kinaroroonan niya.

The acidity?! Kiss niya neknek niya! Hindi naman siya special para halikan ko, noh. Dream on, unggoy.

Itutuloy

A Summer To Remember (Soon) Where stories live. Discover now