Chapter Three: The New CEO

8 0 0
                                    

Waking up knowing na andito na ako sa bahay is really different compared to when I was still in New York. One of it is having an annoying brother disturbing you in the middle of your sleep.

"Are you not going to the office?"

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko to adjust my eyes from the searing light namg hawiin niya ang blinds. I'm so sleepy, it feels like I haven't slept in ages. Then here goes this nuisance. Tsk! Kahit kailan talaga hindi ako lulubayan ng mga ito.

"Five more minutes."

Narinig kong nag-tsk siya. "Iiwan talaga kita diyan kapag hindi ka pa tumayo."

Like seriously? Sino ba ang mas matanda sa aming dalawa? Tss..

"I'll go with the driver."

"You can't, it's the driver's break ngayon," he annoyingly responded.

Napabukas ako ng mata sa inis. "Oh... is it now? Or baka pinauwi mo lang talaga dahil gusto mo akong pagtripan?"

Napaisip siya. "Maybe both?"

I buried my face sa isang pillow ko at napasigaw nalang sa inis. "I hate you."

He laughed. "I know"

• • •

"Let's drop by sa Starbucks. I want to get some donuts, I'm famished," reklamo ko.

"That's a really big word. Famished," pangagaya niya sa tono ko. Kaunti na lang talaga pasensya ko sa lalaking ito, magiging kalbo ito ng wala sa oras.

"Can you just drive? Dami pang sinasabi eh."

The drive to the office was surprisingly peaceful kaya naman hindi ko namalayan nakaidlip ako saglit. For the first time ata, nanahimik itong lalaking 'to. Of course huminto din kami sa Starbucks before sa office kaya ngayon dala-dala ko ang iced coffee at donuts ko habang papasok sa loob ng building.

Los Altos building here is a big one. Of course ito 'yung main branch, what do I expect?

Kanina ko pa napapansin ang mga tingin ng mga tao sa amin. Iyong mga tinginan na may alam. Anong problema ng mga 'to? Agang-aga ah, naghahanap ba sila ng away?

"Why are they staring?" Kunot-noong tanong ko sa kapatid ko.

"People wouldn't be making up rumours if you're just a nobody, ate. Of course, it's because they know you that they're staring," wika niya na animo'y pinapamukha sa akin ang obvious na bagay.

I rolled my eyes. "You enjoy talking down at me huh? I'm still your older sibling, baka nakakalimutan mo."

I flicked my hair at saktong bumukas na din ang elevator kaya inunahan ko na siyang sumakay. Nagulat naman ako ng makitang biglang yumuko ang mga employees na nakasakay sa elevator.

Aish.

"Good morning, ma'am. Good morning, Sir Kole." Nakakahanga din ang coordination nila ah. Parang ilang araw ata silang nag-practice para lang sa mismong greeting na'to.

"Oh, good morning, everyone."

Tinapunan ko ng tingin si Kole na ngayon ay naging malawak na ang ngiti. Mukhang nag-eenjoy siya sa nangyayari ah, tss. Napairap na lamang ako.

The Love You WantWhere stories live. Discover now