prologue

3 0 0
                                    

prologue.

"HOPE!"

"D-Dad please!" mahinang usal ko habang nakayuko,  sapat na para marinig ng mga tao na nasa living room.

Ramdam ko ang galit ni Mom and Dad, at ito ang unang beses ko silang makitang galit na galit. Ever since, para lang akong hangin dito sa loob ng bahay. They treated me like I'm not their daughter, hindi nila ako pinapansin. It sucks to be a middle child.

Inangat ko ang aking mukha para tignan sila, pero nagulat ako ng may sumalubong sa akin na isang malakas na sampal.

"You are a disgrace to this family!" galit na galit na saad ni Dad. "Wala ka na ngang magandang dulot sa pamilya natin, nag dala ka pa talaga ng kahihiyan!" dagdag pa niya.

Nakahawak ako sa aking pisngi habang umiiyak, halos malasahan ko ang aking dugo mula sa aking labi.

"D-Dad please, h-hindi ko yun magagawa...H-Hindi po yun totoo," nauutal kong sagot kay Dad.

"Paano mo mapapaliwanag ang mga ito?!" tinapon ni Dad sa mukha ko ang iPad, hindi ko iyon nasalo kaya nahulog iyon sa harapan ko. Napatingin ako doon at nakaopen iyon sa isang website.

'Ang pangalawang anak ng Juarez Holdings Corp. na si Hope Juarez, ay nahuling nag cheat sa kanyang final exam'

At sa ibaba non ay ang mukha ko at picture ni Dad. Isa itong buong article. Halos nanlumo ako ng makita ko ang napakadaming comments.

"D-Dad hindi po ito totoo! Maniwala po kayo sakin!" sinbukan kong tumayo para lumapit kay Dad.

"Nasaan ang bag mo?!" napatigil ako sa sinabi ni Dad.

Hinanap ni Dad ang aking bag, nang makita niyang wala ito sa living room ay pumunta siya sa aking kwarto, kaya sinundan namin ito.

Kahit masakit ang katawan ko ay ininda ko ito at mabilis na naglakad patungo sa aking kwarto.

Pinag kakalat ni Dad ang aking mga gamit sa loob ng aking silid, nang makita niya ang aking bag ay agad niya itong binuksan. Kahit ako ay nalilito kung bakit gusto niyang makita ang laman ng bag ko.

"Ang ayoko sa lahat ay ang sinungaling!"

Gulat akong napatingin sa kanya nang nilabas niya ang isang test questions na may lamang sagot.

"H-How...h-hindi po ako ang naglagay jan!" lumapit ako sa kanya para tignan kung test answer nga ito. "D-Dad hindi ko po alam kung paano napunta yan jan sa b-bag ko!"

"Sinungaling ka! You're such a disappointment! Umalis ka sa pamamahay ko! Ayokong magpalaki ng isang cheater!"

"D-Dad please maniwala po kayo sakin," mangiyak ngiyak akong lumuhod sa harapan ni Dad habang pinagdidikit ang aking mga palad.

Napatingin ako kay Mom para humingi ng tulong — ng simpatya, "M-Mom?" nag iwas lamang siya ng tingin. Tinignan ko rin si Kuya, "K-Kuya?" ngunit hindi rin siya umimik.

"D-Dad please, ayoko pong umalis..."

Dahil sa pag iyak ko ay hindi ko na namalayan na kinakaladkad na pala ako ng mga guards palabas ng mansion. Paulit ulit kong sinasabi kay Dad na wala akong kasalanan, na hindi ako nag cheat. Pero nakatingin lang ito saakin na may halong disappointment at galit.

"From now on, you will be no longer a Juarez." Turo saakin ni Dad pag kalabas ko ng mansion.

"P-Please Dad no," sinubukan ko pa siyang lapitan, pero halos nawalan ako ng lakas ng marinig ang huli niyang sinabi.

"From now on, I disown you as my child. Wala akong anak na sinungaling, manloloko at cheater!"

Tatlong salita na tumatak sa aking puso't isipan.

Huling sabi ni Dad bago tumalikod. Tumingin ako kila Mom at Kuya na parehong walang halong emosyon ang kanilang mukha. Na parang ayos lang sa kanila ang nangyare.

Halos hindi ako makahinga dahil sa pag iyak. I never thought that this day would happen.

Umiiyak akong tumayo upang umalis sa gitna ng daan. Wala akong ni-isang gamit na dala tanging phone ko lang at ang sarili ko.

Bago ako umalis ay tumingin muna ako sa mansion na pinanggalingan ko. Ang mansion kung saan ako tumira at lumaki. Ang mabain kung saan saksi lahat ng mga kaganapan sa aking buhay.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng aking mga luha habang nag lalakad patungo kung saan. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, kung saan ako patungo. Ang alam ko lang ay gusto kong makahanap ng taong maniniwala saakin, na wala akong kasalanan sa mga binibintang nila.

Agad kong naalala ang best friend ko na si Mica, alam kong hinding hindi niya ako tatalikuran. I know that if I need her, she is always be there for me.

Wala pang isang minuto nang sinagot niya ang tawag ko.

"H-Hello M-Mica" sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, pinunasan ko ang aking mga luha habang hinihintay siyang sumagot.

"Hope..." paunang linya niya.

"T-Tulungan mo ako M-Mica...my f-family disowned me...dahil lang s-sa article..." pinipigilan kong maiyak para masabi sa kaibigan ko ang nangyare. "Alam mo naman na wala akong kasalanan d-diba? I didn't cheat Mica..."

"Hope, I'm sorry..."

Halos manlumo ako sa aking narinig, "M-Mica please maniwala ka saakin, i-ikaw na lang ang natitirang kakampi ko, 'w-wag mo rin akong talikuran...please," paiyak kong sabi.

"I'm sorry Hope," yun lang ang huling sabi niya mula sa kabilang linya bago namatay ang tawag.

Napaupo ako sa gilid ng daan. Nag simula na namang umagos ang mga luhang pinipigilan ko.

Tinalikuran na ako ng lahat, mga pamilya ko at ang best friend ko. Dahil lang sa isang hindi makatutuhanang article.

Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko, gusto kong magwala pero wala akong lakas.

Napatingin ako sa mga sasakyang dumadaan. Wala sa sarili akong tumayo at naglakad sa gitna ng daanan kung saan may papalapit na kotse.

Huminga ako ng malalim habang umiiyak at hinintay na bumangga saakin ang sasakyan.

Pero halos magising ang diwa ko ng marinig ang malakas na pag preno at busina ng kotse. Napa-upo ako sa sahig dahil sa takot.

Takot na ayoko pang mamatay, not in this way...

"What the fu— , oh shit!" narinig kong sambit ng driver mula sa pagkalabas niya sa kanyang kotse.

"Hey are you okay Mi— Hope?!"

Mas lalo akong naiyak ng mapagtanto kung sino ang driver.

"J-Jero I'm sorry..."

———————————————————————————————————

:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon