Chapter ONE: (Isla Verde - Ang Pagkikita)

5 0 0
                                    

Chapter ONE: (Isla Verde - Ang Pagkikita)

"Iho... paki- bigay nga itong mga bulaklak kay Aling Maria para sa gagamitin nyang pang dekurasyon sa mansion" utos ni itay.

Agad ko naman kinuha ang tumpok ng mga bulaklak na nakahanda na sa may lamesa. Nandito kasi kami sa flower farm ng mg Alvares" Sige ho tay, alis muna ako't para maibigay ko na agad ito" sagot ko naman.

Ako nga pala si Rafael Fernandez namamasukan bilang isang boy sa mansion ng mga Alvarez, nagtratrabaho ako para may pangdagdag sa aking iniipon para makabili ng laptop ngayong darating na pasukan, nasa ika-5 year na ako graduating sa pasukan. Si itay ay isang hardinero at si Inay naman ay isang taga luto (Cook) sa mansion. Mababait ang mga Alvarezs lalong lalo na sina Don Benjamin at Doña Elizabeth, sila ay matulungin sa mga kapuspalad lalo't lalo ng mga kabataang hndi nakakapag-aral, at is ako sa mga tinutulungan nila. Simula elementarya hanggang nagyong darating na pasukan bilang isang 1st year College sa kursong Architecture at isa ako sa mga napalad na maging iskolar ng mga Alvarez. At ngayon' ngat busy ang buong mansion dahil darating ang mga anak at apo nina don Benjamin at Doña Elizabeth galing maynila upang ipagdiwang ang kaarwan ni Doña Elizabeth. Ayon sa aking mga magulang ay may anim na anak sina Don Bejamin at Doña Elizzabeth, apat na lalaki at dalawang babae, at labing- apat na apo na sa mga larawsan ko lang nakikita ang iba.

Papasok ako ng mansion at nakita ko sila Aling Marites at Ado na nag vavacum at nag aayos ng mga upuan sa sala. Pumasok ako sa dining area at doon ko nakita si Aling Maria na nag aayos ng mga vase para sa mga bulaklak na daladala ko.

" Aling Maria, ito na po yung mga bagong pitas na bulaklak galing hardin... pinabibigay po ni tatay" abot ko kay Aling Maria ng mga bulaklak.

"Salamat Iho, pakitulungan mo na din kami dito at ikaw na ang mag ayos sa lamesa" utos nya sa akin.

Nag- simula na akong ayus ang danning table na gagamitin mamaya para sa hapunan.

"Iho... anak andito kana pala, patapos kana ba dyan? At kailangan kita sa kusina" bati sa akin ni Inay na kakagaling sa kusina.

"Opo... nay, kakatpos ko lang ayusin ang lamesa" sagot ko naman

"Halika sa kusina at tulungan mo akong mag hiwa ng mga sangkap ko sa pag-luluto"

Sinundan ko si inay sa kusina at tinulungan ko na syang mag hiwa ng kanyang gagamitin sa pag luluto. Dahil maya't maya siguro ay darating na ang mga bisita. Ang sabi ni Don Bejamin ay kumpletong darating ang mga anak't at apo nila na darating ngayon dahil sa pagtitipon-tipon. Dati kasi ay paisa-isa lang ang bumibisita sa kanila. At ako din ay mga anak lang nila ang aking nakikita noon na mga bumibisita sa mga matatanda. Hindi ko pa gaano nakikita ang ilan sa mga apo dahil lahat sila ay nag-aaral sa Maynila. Siguro ay bilang lang ang mg nakikita ko na pumupunta rito: sila Sir Jackson at Sir Lucas na anak nina Sir William at Mam Lillian. Si Sir Noah, Sir James at si Sir Leo na anak naman nina Sir Frederick at Mam Emily. Si Sir Elijah naman ay dito nagbabakasyon tuwing bakasyon, kasing edad ko lang din sya at kumukuha din sya ng kursong Architecture sa Maynila ngayong darating na pasukan siya naman ay anak nina Sir Arthur at Mam Evelyn, sa pag kakaalam ko ay may isa pa silang anak na babae na nangangalang Ella, ayon kay Elijah apat na taon ang tanda namin sa kanya, at palagi nyang niyayaya na magbakasyon dito sa mansion pero tumatanggi ito palagi dahil nandoon lahat ng mga kaibigan nya. Nagging mag kaibigan kami ni Sir Elijah dahil palagi syang nagbabaksyon dito at ako ang palagi nyang kasa't kasama dito sa mansion at sa pamamasyal sa Isla. Sila pa lang ang mga nakikita ko na madalas namamasyal dito sa mansion.

"Anak... tikman mo nga itong Menudo kung tama na ba sa timpla?" utos ni inay

Kumuha ako ng kutchara at tinikman ang luto ni nanay. "Hmmm... ang sarap nay, tamang tama na po ang timpla ninyo" sagot ko naman

Our Second Chance of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon