Chapter 2

0 0 0
                                    

"Introduce"

Feya's POV

Isang araw nanaman para sa pag-wawaldas sa walang kabuluhan.

Lalim!

Wala kasing magawa rito sa bahay, at na-taon pang bumabagyo.

Ayan! Hindi mona kailangan mag-punta ng Baguio! Dahil ang Bagyo na ang pumunta sayo!

Para totoo tayo sa mga bagay bagay, hindi pa ako nakapunta roon. Pero ayos lang marami pa akong pagkakataon para mapuntahan ang little America ng Pilipinas.

"FEY! GUMISING KANA NGA RIYAN AT BUKSAN MO ITONG PINTO! BASANG BASA NA KAMI RITO OH!" Sigaw ni Mama galing sa labas na tuluyang nagpagising saakin.

Balak ko pa sana ang matulog pero sa lakas ng katok ni Mama sa pinto nagising ang diwa ko.

Ano ba kasi yan eh! Aalis alis di nag-dadala ng susi!

Agad akong bumaba galing sa kwarto at binuksan ang pintuan. Pagkabukas no'n ay agad na bumungad saakin sila Mama at Papa na naka-kapote.

Naka-kapote naman pala! So hindi sila basang basa.

Iniabot saakin ni Mama ang Kapoteng suot niya at agad ko namang isinabit yon sa likod ng pinto kung saan merong lalagyan ng mga basang Payong at Kapote.

Sa tabi naman noon ay isinabit ni Papa ang mga jacket na suot nila na nabasa rin ng ulan.

Binuksan ko naman ang heater para mainitan sila at kasunod ang pagbukas ng Air Dryer para matuyo ang mga damit at sapatos nila.

Para hindi rin bumaho!

"Fey ang kuya mo?" Mahinahong tanong ni Mama, habang nakapikit ang mata.

"Nasa kwarto pa po, tulog pa ata." Sagot ko naman habang nag-hihikab at kinakamot ang mata.

"Sige na umakyat kana uli, kila mang Flor nalang kami mag uutos."

Tumango-tango ako kay Papa at nagtuloy na sa pag-akyat.

Pumasok muna ako sa Cr para umihi at mag-toothbrush at hilamos na rin.

Gising na ako eh!

Ginawa kona ang morning routine ko tutal nagising na rin naman ang diwa ko.

Lumabas ako ng Cr at humiga uli sa higaan. Naisipan kong buksan ang Cellphone ko, at binuksan ko muna ang Messenger at Facebook at nag babakasakaling merong message or notification.

At hindi naman ako nag kamali, may ilang messages ako galing kay Jeska yung isa ko pang beshy!

Tapos may ilang notification lang ng mga reactors sa Facebook.

Naisipan kong buksan ang wattpad at binasa ko ang Favorite story ko na hindi ko pa rin tapos!

The title is "Ang Mutya Ng Section E" the writer is miss eatymoretobehappy.

Maganda yung story konting chapter pa at matatapos na ako.

Siya nga pala, ako nga pala pala pala! Nuna be? haha.

Ako nga pala si Kathleya Faith Peñaflor.

Naks! Tunog mayaman!

Pero hindi naman kami mayaman, may kaya lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon