CHAPTER 22

1.4K 44 0
                                    

CHAPTER 22

I don't know what to do right now. Hindi na makapaghintay si Perry na gamutin s'ya mismo ni Xandro gayong may nagpresenta namang gamutin s'ya.

Hindi tuloy alam ni Nerren kung ano ba talaga ang gusto ni Perry ngayon. I'm sure he knows that Perry likes Xandro before, at hanggang ngayon pa rin naman.

Dinala nga s'ya sa loob ng cottage para gamutin ngunit ayaw naman n'yang magpahawak sa iba. Hindi raw s'ya sanay na may ibang lalaking humahawak sa kan'ya at pinipilit na si Xandro na lang.

“Gagamutin ka nga ni Kuya Nap, Per—”

“Si Xandro nga gagamot sa akin!” histerikal at maagap n'yang anas na ikinainis ko.

Nilingon ko si Xandro na hindi ko namalayang kanina pa pala nakayakap sa aking likuran. Nakabaon ang mukha sa gilid ng ulo ko ngayon. Tila wala itong naririnig at pakialam sa paligid at tanging pinagtutuunan ng pansin ay ako.

Naiinis na tuloy si Zendra pati na rin ang ibang babae kay Perry. Kanina pa man ay alam kong naiinis na sila rito. At ang iba alam nila na sinubukan ni Perry noon na sirain kami ni Xandro. That's why they don't want her here.

“Xandro!” malakas kong tawag sa kan'ya para tawagin ang atensyon nito na abala sa ibang bagay.

“Narinig mo ba sinabi ni Perry, Xandro? Gamutin mo raw s'ya, ” nababanas na saad ni Kuya Nap at nilapag na ang first aid kit sa lamesa.

Rinig ko ang reklamo pa nila kay Perry. Nag-aalala na sila na baka mamaga ang kan'yang kamay tapos nag-iinarte pa. P'wede bang sabihin n'ya ang gustong mangyari at hindi iyong ganito kami?

“Xandro!” Lumayo na ako kay Xandro para gisingin ito sa mapayapang pagkayakap sa akin.

Naniningkit ang mga mata n'ya at kunot-noong binalingan kami ng tingin. Mukhang naistorbo ko pa s'ya sa kan'yang ginagawa. Parang may kung anong kadiliman ang nakapalibot sa kan'ya nang samaan n'ya ng tingin si Perry.

“What? I don't want to do it. Kayo na gumamot.” Mahigpit ulit akong yakap sa likuran. Tila naiinis na s'ya na inistorbo pa s'ya.

Nakahinga ako nang maluwag sa kan'yang sinambit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung gagawin nga n'ya iyon kay Perry. Hindi ko yata kayang tignan na magkalapit sila.

“Eh, ayaw n'ya. Anong gagawin natin d'yan, Perry?” litanya ni Zendra at salubong na ang kilay dahil sa inis.

Ginalaw-galaw ni Perry ang kamay n'ya, nahahapdian na siguro. Nakatingin pa rin ang mangiyak-ngiyak n'yang mukha kay Xandro at sa akin. Kinagat n'ya ang labi.

“P-Please, ikaw na lang Xandro. H-Hindi ako sanay sa kanila. Ginagawa mo n-naman ito dati, 'di ba?”

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Tinignan pa ako ni Perry na parang sinasabing payagan ko s'ya. It's no for me!

“Ewan ko sa 'yo, Perry,” rinig kong anas ng kasama naming lalaki.

Binalingan ko si Xandro na bakas ngayon ang iritasyon sa mukha. His jaw clenched.

“I said I won't do it. Lagyan mo na lang ng ice iyan.”

“Oh, ito ice,” singit ni Nerren at binigay kay Perry. Dahil ayaw naman ni Perry na magpagamot kay Nerren ay hinayaan na lamang s'ya ni Nerren.

Wala ng magagawa si Perry kundi gamutin ang sarili n'ya. Wala nang bakas na pagmamakaawa sa mukha n'ya at seryoso na lamang na ginagamot ang sarili.

Terrorist's Beloved (BulletStink Org. Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon