CHAPTER 13

835 4 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong gumising para makapaghanda sa internship ko. Ayon sa memo na ibinigay ni Arc, white blouse and black skirt daw ang dapat kong isuot. Buti na lang at mayroon akong gano’ng damit.

Sinigurado kong presentable ang itsura ko. Hindi gaanong makapal ang makeup at naka-bun ang buhok.

Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang kabahan. Pero sa tuwing iniisip ko na nandoon naman si Arc, kumakalma ako. Alam kong hindi niya ako pababayaan.

“Good morning po. Ako po ‘yung intern na nag-apply dito, Meylie Anette Camposano,” sabi ko sa babaeng nasa front desk.

Tumango ang babae. “Ikaw ‘yung ibinilin ni Mr. Lopez. Sumunod ka sa akin.”

Sumunod siya at dinala ako sa kabilang side ng hotel. Namamangha ako habang tinitingala ang bawat sulok ng hotel. Talaga ngang five-star hotel ito. Hindi ako makapaniwalang dito ko gagawin ang internship ko.

Huminto kami sa isa pang lobby kung saan may mga customer na nagche-check in at check out.

“Harry, ito na ‘yung intern na i-a-assign ko sa ‘yo. Ikaw na ang bahalang magturo sa kanya ng mga kailangan niyang malaman,” sabi ng babae.

Malapad ang ngiti ng lalaki nang tumingin sa akin. Mukha naman siyang mabait kaya ngumiti rin ako.

“Sige. Salamat, Aby.”

Aalis na sana iyong babae na tinawag niyang Aby pero pinigilan ko siya. May gusto kasi akong itanong.

“Nasaan nga pala si Arc—I mean, si Mr. Lopez?” tanong ko.

“Nasa office niya. Pero hindi ka p’wedeng umakyat doon unless ipatawag ka niya. Goodluck on your internship.”

Pinanood ko siyang maglakad palayo bago ako lumapit sa lalaking pinag-iwanan niya sa akin. May ginagawa siya sa computer pero itinigil niya rin iyon nang lumapit ako.

“Hi, first things first. I’m Harry, and I will mentor your internship in our hotel,” he introduced himself.

I nodded. “I’m Meylie Anette but you can call me Lian. I promise to do everything to help you.”

“Good. Let’s start, shall we?”

Nagsimula na siyang magpaliwanag ng mga dapat kong gawin. Mga simpleng gawain pa lang muna ang ipinagawa niya sa akin. So far, nag-e-enjoy naman ako sa ginagawa ko.

Bukod kasi sa gusto ko talaga ‘to, mabait at magaling pang magturo si Sir Harry. Palagi rin siyang nakangiti kaya hindi ako natatakot na magtanong sa tuwing may hindi ako alam o hindi maintindihan. Tama nga si Tito Rayver, mababait ang employees nila dito.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa sumapit ang lunch break.

“Lian, gusto mo bang sumama sa cafeteria? Doon tayo mag-lunch,” pag-aya ni Sir Harry sa akin.

Tumango ako. “Sige po.”

Wala naman akong kasabay kumain ngayong lunch kaya sasama na lang ako. Para na rin makilala ko ang ibang makakatrabaho ko dito. Magaling naman akong makisama sa ibang tao.

Papunta pa lang kaming lahat sa cafeteria nang masalubong namin si Arc. Pansin kong tumahimik ang mga employee nang makita nila si Arc. Iyong iba ay mabilis pang umalis na para bang natatakot.

“Lian, I need you in my office,” he said before he left.

Napakurap-kurap ako sa nangyari. Basta na lang siyang susulpot para sabihing kailangan niya ako sa office niya? Hindi ba niya nakitang may iba akong kasama? Baka ma-issue pa kami dito.

Bahagya akong itinulak ng babaeng staff nandito.

“Sige na, Lian. Sumunod ka na bago pa magalit si sir,” sabi niya.

Lustful Nights With My Step-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon