The Gift of Love

35 4 0
                                    

Bakit ba sa tuwing malungkot ako naandyan ka? kagaya nuong isang linggo nakita mo akong malungkot lumapit ka sa akin sabay upo sa tabi ko at abot ng Hershey. Di ka nagsalita o nagtanong man lang sa akin kung ano nangyari pero ramdam ko sinusportahan  at inaalala  mo ako ng mga sandaling iyon. Iniwan kasi ako ng GF ko ng araw na yun pero tumabi ka lang sa akin at pinaramdam na lagi kang andyan sa oras ng kalungkutan ko.

Di lang yan . Makailang beses mo na akong pinasaya. Kagaya noong high school pa tayo ng matalo kami sa basketball. Nakayuko ako noon habang palabas ng basketball court ng dumating ka sabay palo sa braso ko at abot ng Hershey.  Sabi ko noon, Ok lang na matalo ako makakabawi pa naman kami pero panalo naman ako kasi sarap ng pasalubong mo sa akin. San ka nga ba galing non? Ilang araw ka rin nawala then dumating ka laki ng ngiti mo ng makita mo ako.

Aba! Mas lalo na nung bata pa tayo . Naalala mo ba yun. Nuong inutusan mo ako ng bunga ng alatiris. Patpatin at maliit pa ako non. Pero bosing ka na noon pa. Hehehe. Isang turo mo lang sa puno ng alatiris alam ko na kung ano ang gusto. Kaso nahulog ako sa puno at nagulat ka. Bigla kang napatakbo sa akin at inupo mo ako ng maayos sabay takbo ka palayo. Nagtampo nga ako sa yo non kasi akala ko iniwan mo ako. Yun pala umuwi ka lang para kumuha ng gamot para sa sugat ko at kagaya ng dati sabay abot ng Hershey chocolate. Laks mo talagang magpasaya ng tao.

MagBff tayo mula pagkabata hanggang ngayon.Sa lungkot at saya lagi tayong magkasama pero may mga araw na wala ka sa inyo. Di ko naman matanong kung nasaan ka. Namimiss ko na yung magaganda mong ngiti everytime na nagkikita tayo at syempre pa mga pasalubong mong hershey sa akin.

Kaso , this time ako naman ang may dala ng Hershey sa yo. Hope mapasaya kita kahit sandali man lang. Daya mo kasi eh. Everytime na pinapasaya mo ako yun pala may lungkot sa dibdib mo. Di ko man lang napuna na may dinaramdam ka. Mandhid ba ako? Ayoko kong umiyak sa harap mo. Kasi ikaw lagi nagpapasaya sa akin everytime na malungkot ako. This time around gusto ko ako naman ang magpasaya sa yo.

Eto sinusubuan na kita ng paborito nating chocolate. Alam na..Hershey ang paborito nating dalawa. Sabi mo sa akin wag akong malulungkot basta tandaan ko lang na lagi kang nasa tabi ko. Bat ganoon, ikaw pa rin ang umiintidi sa kalungkutan ko. Sabi ko sa yo araw araw kitang dadalawin . Sabi mo , sus wag na basta padalhan lang kita ng Hershey sapat na.

Hanggang isang araw, pagdalaw ko sa yo. Bitbit ko ang isang basket ng Hershey sinabi sa akin ng mama mo na lumisan ka na sabay abot ng liham mo at ng isang Hershey.

Bes,

Alam kong malulungkot ka. Everytime na feeling mo papatak ang luha mo sumubo ka ng Hershey ng sa ganoon di ganoon kasakit o kalungkot ang mararamdaman mo. Sorry kong di ko sa yo nasabi na may taning na ang buhay ko . Kasi ang gusto ko puro happy memories lang.  Kaya ako laging nawawala sa bahay kasi pinapagamot ako nila mommy sa hospital. Di ako makaakyat sa puno kasi nasusuka na at nahihilo ako ng araw na yun kaya ng nahulog ka natakot ako. Abay uunahan mo pa ata ako. Kaya agad akong kumuha ng gamot para gamutin ka.

Sa tuwing nabibigo ka nagpapasalamat ako at ako ang katabi mo.Kasi kapag napapasya kita gumagaan ang pakiramdam kong parang wala akong sakit. So please , wag kang malulungkot sa paglisan ko. Kasi magiging mabigat para sa akin yun.

Bes. Lam mo na yon . Don’t have to say the words. Just have three bites of hershey when you needed me. My spirit will always be with you.

Sincerely Yours,
Beshy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gift of Love #HersheysmodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon