This is based on true story. I changed the name, settings and some scene para sumakto sya sa "A Piece of You" writing contest.
— • —
Hindi pa naman nagsisimula ang program ay nangangatal na ako at pinagpapawisan ng malamig.
Para kasi sa celebration ng Independence Day ay kailangan naming gumawa ng mga crafts like photo booth props, diorama, wall decor and such.
At ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan ako pa ang magpaliwanag ng mga ginawa namin sa harap ng buong school. President daw ang magpe-present at hindi ako president. Ni hindi nga ako class officer.
"Linaria, kasunod daw tayo ng section A," bulong sa akin ng Drei, ang class president namin. Junior high lang ang magpe-present at kaming mga grade 10 ang unang magpe-present.
"Drei, ikaw na lang kasi. Sino ba kasing nagsabi kay Ma'am AP na ako ang magpaliwanag? Ala naman, eh," mangiyak-ngiyak kong sabi. "Madadapa talaga sa ang nagsabi kay Ma'am," dagdag ko. Nagtawanan naman ang mga kasection ko.
"Eh di madadapa kaming lahat," hirit ni Kyla. Nagtawanan ulit sila at hindi pinansin ang pangangatal at pagrereklamo ko.
Pinaupo nila ako at hinintay naming matapos sina Jay at Rence na s'yang nagpresent sa Section A. Lalo pa akong kinabahan dahil magaganda ang ginawa nila at magaling pa ang pagpapaliwanag nina Jay. May kasama pa ngang tula, eh.
Habang hinihintay naming matapos ang section A ay inabutan ako ni Miracle ng chocolate. "Oh, pangpawala ng kaba, " she said while smiling.
"Suhol, you mean?" pairap kong sabi. Tinawanan lang nito ang sinabi ko.
Binuksan ko ang bigay niyang Hershey. I just take one bite kasi hindi talaga ako mahilig sa matamis but I instantly regretted that kasi masarap pala.
Kakagat sana muli ako nang tawagin kami ni Ma'am Issa, kami na daw ksai ang magpe-present. Dinala nila sa harap ang mga gawa namin. Ibinulsa ko naman ang hindi ko pa ubos na chocolate.
Isinama ko sa taas si France kasi hindi pa rin ako gaanong sanay na mag-isang humarap sa maraming tao.
Our presentation started. Ipinaliwanag ko ang mga ginawa namin pagkatapos ay ipinaliwanag ko din ang history ng flag ng Pilipinas.
"Ang mga ginawa po namin ay ibinase po namin sa watawat ng Pilipinas. Ngayon naman po ay ipapaliwanag ko ang kasaysayan ng ating watawat. . ."
Our presentation turned out to be good. Hindi ako nangatal habang nagpapaliwanag, hindi ako nautal habang nagpapaliwanag at hindi rin ako nagkamali.
Maybe, a bite of Hershey is all it takes to finally overcome my anxiety.
There's just one thing na nagpatawa sa lahat ng mga nakikinig.
". . . Ang puti naman po sa watawat ng Pilipinas ay sinasabing sumisimbolo sa kapayapaan, at bayanihan. At ang tatlo naman pong . . . uhm . . . "
Lumapit ako saglit kay France at nagtanong nang pabulong, na hindi ko alam ng maririnig pala kasi malapit ang mic sa akin. "Ano nga ang tagalog ng star?"
And then they all laughed.
YOU ARE READING
All It Takes
Short StoryThis is my entry in "A Piece of You" writing contest. #Hershey'sMode -•- Linaria was asked to represent their section and all she have to do is just explain their outputs. The only problem is she have social anxiety and she can't say no to her Arali...